The wind encirling the zone feels heavy. Maalinsangan ang paligid. At any angle you'll put your nose, you can only smell the unpleasant scent of the decaying flesh.
Nakakasulasok.
Isa sa dahilan kung bakit masama ang tingin ng isang babae sa mga bagay na nasa harapan niya. Her right hand holds a pistol while the other grips a sharp katana. Mabilis ang tahip ng kaniyang dibdib dala ng kagustuhan niyang pumatay.
The low growls of the mindless creatures fill her ears. Masakit 'yon sa tenga. But she can tolerate those maddening howls. After all, it's the only thing that she heard for the past two years.
"Chief," someone calls her, "there are five at the right, three at the other side, seven of them twenty meters behind, and ten of them in front of you." Diretsyong paliwanag nito.
That's a total of twenty-five. Napataas ang kilay ng babae. Bago pa sila makarating ay nagawa na niyang estimahin ang lugar. By the look, smell, and sound in the vicinity, she had concluded that there are twenty-six of them around. Mas mataas ng isa kaysa sa ibinalita sa kanya.
Tumalikod siya para harapin ang mga kasamahan niya. Mas maliit ang bilang nila kaysa sa mga nilalang na nakapalibot sa kanila. She looked keenly on each and everyone of them. Karamihan sa mga kasama niya ay mga binata at ang ilan naman ay mga ama ng tahanan. Lahat sila ay nawalan, ng mga pangarap at mahal sa buhay.
Napasulyap siya sa isang lalaking malapit sa kaniya. The man, who's in his forties, fished out something inside his pocket. Saglit na napakunot ang noo ng babae sa bagay na 'yon.
A silver cross pendant.
The thing glimmers as the light of the sun hits it. Iniwas niya ang tingin nang magsimulang magdasal ang lalaki.
Fool. Mahinang bigkas ng babae sa isip niya. Walang magagawa ang bagay na 'yan.
Saglit siyang nawala sa konsentrasyon. Napabalik na lang siya nang lumakas ang ungol sa paligid tanda na malapit na sa kanila ang mga nilalang na 'yon.
"Chief?" Takang tanong sa kanya ng kasamahan. Naalarma ang mga ito dahil sa pagtahimik niya, idagdag pa na lumalapit na kanila ang mga 'yon. Mabilis na inayos niya ang sarili at pinasadahan ng tingin ang mga kasama. Kumalma naman ang mga ito nang makitang maayos na ang kanilang pinuno.
Humarap muli siya sa unahan. Mabilis niyang nakita ang isang nilalang na ilang hakbang lang ang layo mula sa kaniya. Iika-ika ito at nakatagilid na kung maglakad. Putol na ang kaliwang braso nito at bali na rin ang ulo kung saan iisa na lang ang matang naroon. Umuungol din ito habang mabagal na naglalakad papunta sa kaniya.
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa katana saka naglakad papalapit dito. Mas umungol naman ito dahil sa ginawa niya. At nang iilang hakbang na lang ang lapit niya dito ay mabilis niyang itinaas ang sandata at itinarak 'yon sa ulo nito. Hindi pumikit ang babae nang magtalsikan ang dugo nito sa kanyang suot pati sa kanyang pisngi. Hinugot niya rin nang mabilis ang sandata niya na naging dahilan para bumagsak ang nilalang na 'yon sa lupa.
Hinarap niya ang mga kasamahan. Alerto na ang mga ito at hawak na kani-kaniyang sandata. Pero hindi sila gumagawa ng kahit na anong hakbang kahit na ilang metro na lang ang mga nakakadiring nilalang sa kanila. Tahimik lang ang mga ito sa kabila ng maingay na paligid at ng kabog ng kanilang dibdib.
They are waiting for their Chief's signal.
Itinutok ng babae ang katana sa direksyon ng mga nilalang. With a firm voice, she shouted. "Off with their heads!"
Her voice echoes in the ears of her comrades. Tila ito ang nagsilbi para mabuhay ang lahat ng ugat sa katawan ng mga ito. They let out a loud battle cry. Loud enough to swallow the low growls of the undead.
Mabilis na kumilos ang babae para barilin ang zombie na nasa likuran na niya at akmang kakagatin siya. Bumagsak agad ito at bumungad naman sa kanya ang walong natitirang zombie sa kanyang direksyon. Huminga siya ng malalim. She gripped her weapon and charges forward to take down the remaining walking corpse.
Madali niyang napabagsak ang tatlong malapit sa kaniya. She swiftly moved from side to side to dodge the five zombies that attacked her at the same time. Tumalon siya patalikod at kumuha ng buwelo para tumakbo nang mabilis at tumalon nang mataas. Inanggulo niya ang kaniyang sandata patagilid habang nasa ere siya. At nang halos nasa tuktok na siya ng ulo ng mga ito ay mabilis niyang hiniwa ang mga ito mula kanan patungong kaliwa. Maayos siyang nakababa kasabay nang pagbaksak ng limang zombie.
Sinulyapan niya naman ang mga kasamahan. Maayos na napapabagsak ng mga ito ang mga zombie sa kani-kaniyang direksyon. The way they swing their bladed weapons and use their guns was impressive. Halatang tinandaan ng mga ito ang mga bagay na natutunan nila mula sa kanilang pinuno.
Lumipas ang ilang minuto at nabawasan na ang ingay sa paligid. The metallic scent of blood mixed with the hot breeze of the air. Habol din ng mga kasamahan niya ang kanilang hininga. Pagod at tuwa naman ang nakabakas sa kanilang mga mukha.
Where's the last one? Tanong ng babae sa isip habang minamasdan ang paligid.
Sinuri niya ang paligid pati ang mga kasamahan. She let out a deep breath when no one is harm. Pero mabilis niyang nahigit ang pinakawalang hininga nang bumaling ang tingin niya sa kaliwa. She immediately raised her gun.
"Yuko!" Sigaw niya sa gawi ng mga kalalakihang nakatayo sa isang tabi. Nagulat man ang mga ito ay mabilis pa rin nilang sinunod ang sinigaw ng pinuno. Kasabay naman no'n ay ang pagkalabit ng babae sa gatilyo ng kanyang baril. The bullet buried in the forehead of the last zombie on the area in just a blink of an eye.
Hindi agad nakagalaw ang nga kasamahan niya. Natigilan ang mga ito dahil sa nangyari. Unang bumasag ng katahimikan ang lalaking muntikan nang makagat ng zombie. Nanginginig at maluha-luhang lumapit ito sa babae.
"C-chief, s-salamat." Naiiyak na sambit nito. Doon lang napagtanto ng babae na ito ang lalaking nagdadasal kanina. Natigilan naman siya nang kuhain ng nanlalamig nitong kamay ang kamay niya at may inilagay sa kaniyang palad. Isinarado ng lalaki ang kamay niya pagkaraan.
"Hulog ka ng langit sa amin." Nagpasalamat itong muli saka bumalik sa mga kasamahan. She eyed the man before gazing back on her palm
Bumungad sa kaniya ang pendant na hawak ng lalaki kanina. Muling napakunot ang noo ng dalaga. Hindi na lang niya tinignan pa ang bagay na 'yon at nilagay na lang ito sa kaniyang bulsa. Tumalikod siya sa mga kasamahan.
Hulog ng langit? She scoffed. Alam niya sa sarili niyang hindi siya katulad ng ibang tao. Pero alam din niyang hindi siya sugo ng Diyos. She's just a leader, just their Chief. Nothing more, nothing less.
Oh wait, there are two more things about this girl.
One, her name is Alice. And two, she is in Zombieland.
--
"Comment and click that star or I'll slash your head off!" - Alice
This is not a drill! I repeat, this is not a drill! Comment and vote to save yourself!
Hahaha! Have a nice day!

BINABASA MO ANG
Alice in Zombieland
FantasiA decaying body fell straight to the ground after a sharp blade pierced through its head. Its remaining blood spilled and mixed in the pool of red liquid on the floor. Sa kabila ng mga nakakalat na katawan sa lupa at mga patay na taong iika-ikang n...