Hindi agad nakagalaw sina Alice at Jiyo dahil sa biglang pagpapakilala ng lalaki. Nagulat na lang sila nang makitang nasa harap na nito si Cyrus. Naalarma ang dalawang dalaga nang mapagtantong nakatutok na ang baril na hawak ni Cyrus kay Maron. Agad silang bumaba sa sasakyan.
"Woah, easy there bro! You don't have to point your gun at me." Nakataas-kamay na sabi ni Maron. Pero sa kabila naman no'y nakangisi pa rin ito na tila ba natutuwa sa nangyayari.
"Put the gun down, Cyrus." Mariing utos ni Alice sa lalaki nang makalapit siya rito. Tumingin si Cyrus kay Alice kasabay nang paghigpit ng pagkakahawak nito sa baril.
"Stay inside, Chief." Muling binalingan ng lalaki si Maron. "This man is dangerous." He added while glaring at the newly arrived man.
"Thank you for the compliment."
Mahinang napamura si Alice nang mas inilapit ni Cyrus ang baril sa mukha ni Maron. She immediately moved to Cyrus' side to set his arms down but the guy didn't move an inch. "I said put the gun down, Cyrus." Mas pinagdiinan ni Alice ang pagsasalita.
Mukha namang nahimigan ni Cyrus ang kaseryosohan sa tinig ni Alice kaya naman sinunod na niya ang pinuno pero hindi niya inalis ang masamang tingin kay Maron.
Nakabawi naman mula sa pagkakagulat si Jiyo kaya nama'y kyuryoso niyang inikutan si Maron. She's biting her pinky finger while observing the guy's body proportion.
Broad chest. Fine looking arms. Long legged. Napapataas ang kilay niya sa mga napapansing pisikal na kaanyuan ng lalaki.
Pwede nang ulamin.
But when a face suddenly flashed in her mind, she immediately backed away from Maron. Napanguso siya habang umiikot sa isip niya ang mukha ni Lenon.
Si Alice naman ay seryosong pumagitna sa dalawang lalaki. Bahagya siyang nakatingala dahil sa tangkad ni Maron. He was almost the same height as Cyrus. Mas matangkad lang ng kaunti ang huli.
"Sino kayo?" Seryosong tanong ni Alice sa lalaki. Ibinaba naman nito ang kamay at ipinamulsa 'yon.
He tilted his head to the left. Lantaran nitong iginagala ang mata sa buong katawan ni Alice. Nagsimula naman na mag-init ang ulo ng babae dahil doon.
"Uulitin ko, sino kayo?" Mas mariin sa tanong niya. Umayos naman ang lalaki saka nagpaskil ng isang nakakalokong ngiti sa labi.
"Just some survivors passing by." Sabi nito. Lumikot muli ang mata ni Maron ngunit mukha na ni Alice ang pinag-aaralan nito. Narinig ng babae ang mahinang mura ni Cyrus sa kaniyang likod.
"Paano?" Takang tanong niya kay Maron.
"Hmm?"
"Paano kayo nakaligtas?" Binuo niya ang tanong. Nagtataka siya at gusto niyang malaman kung paano nakaligtas ang grupong ito.
Puno ng mga zombie sa buong bansa nila. Kahit saan ka lumiko, may makikita at makikita ka. Lalo na sa daan, sa mga highway. Dito lang marahil sa kanilang lugar kaunti ang bilang ng mga zombie dahil araw-araw ay binabawasan nila ito.
Alam ni Alice na hindi mula sa kanilang bayan ang lalaking ito. Nang sandaling makita niya ang mga taong nakasilip sa bintana ng bus, alam niya ring maging ang mga 'yon ay hindi galing sa kanilang bayan.
"We hit the zombies and run away from them, easy as that." Simpleng sabi ni Maron.
Tumaas ang kilay ng babae. It's not possible to easily hit and run those zombies continuously. This man is clearly bluffing. Lots of factors may affect their way out of numerous walking corpses.

BINABASA MO ANG
Alice in Zombieland
FantasyA decaying body fell straight to the ground after a sharp blade pierced through its head. Its remaining blood spilled and mixed in the pool of red liquid on the floor. Sa kabila ng mga nakakalat na katawan sa lupa at mga patay na taong iika-ikang n...