AIZ: Chapter 7

293 20 2
                                        

Alice frowned when her ear caught a faint noise. Umisod siya sa kaniyang higaan. But she groaned out of annoyance when the radiating light of the sun slaps her cheek.

Pikit-mata siyang bumangon sa kama. She stumbled a little that's why she forced herself to open her eyes. Nang luminaw na ang kaniyang paningin, saka niya lang napansin na walang laman ang kama ni Ell.

She's wondering where the girl is but when she looked at their door, she saw her standing out there, observing something below their tree house. Lumapit si Alice sa dalaga.

"Ell.." Pagtawag niya sa pansin nito. She pats her own hair trying to tame some of the strands pointing at different directions. Humarap agad sa kaniya ang babae. Habang lumalapit siya dito ay unti-unting lumalakas ang ingay na kaniyang naririnig.

"Alice," bigay pansin nito sa kaniya. The girl's face is painted with concern.

Tumabi siya kay Ell. She puts her hands on the wooden railing of their balcony. Tumanaw siya sa ibaba upang makita ang ikinababahala nito.

Unang sumalubong sa paningin niya ang kumpol ng mga tao 'di kalayuan sa kanilang bahay. Maingay ang mga ito at may kanikaniyang mga sinisigaw at binubulong. Karamihan sa mga ito ay may bahid ng pagka-inis sa kanilang mukha. May mga batang nagpupumilit na sumisik sa epasyong nasa pagitan ng mga matatanda sa kanilang harapan, makita lamang ang pinagmumulan ng komusyon.

Alice has an idea as to where this is coming from. Hindi niya lang makumpirma ang nasa isip dahil sa mga malalagong sangang nakaharang sa kaniyang paningin. It prohibits her from seeing more further.

"Ano kayang meron?" Tahimik na tanong ni Ell. Suot pa rin nito ang damit na s'yang pinantulog kagabi. Her hair's not yet combed. Mukhang nagising lang din ito dahil sa ingay.

"We'll see what it is." Alice said scanning the sea of morning people.

Out of the corner of her eyes, she saw a sudden movement from the trees. Mula sa isang sanga ay tumalon ang kung anumang 'yon patungo sa kabilang puno. She squinted her eyes to see what it is. Napataas na lang ang kilay niya nang mapagtantong si Jiyo lang pala 'yon.

She almost forgot that.

Jumping from one branch to another, that are probably meters away, is how Jiyo defines 'morning exercises'. Delikado man ngunit sanay na sanay na ang babae sa gawaing iyon. Heto nga't tila wala lang ang paglipat-lipat nito sa bawat puno. Living in the forest for months forced them to develop their, well, wildlife skills.

Ilang lambitin at talon pa ang ginawa ni Jiyo bago ito tumigil. Mahigpit ang hawak nito sa isang sanga ng punong hinintuan. Tagaktak ang kaniyang pawis 'di lamang sa mukha. She's catching her breath as she quietly looked at the commotion presented below her.

Nagdesisyon na rin si Alice na bumaba. She strode down the spiral staircase connected at the trunk of the tree, skipping two steps at a time. Sumunod sa kaniya si Ell. Habang pababa ay mas lalong lumalakas ang ingay.

The noise can attract zombies within a close range. Lucky enough that they are in the middle of the forest. Pero kailangan pa rin nilang mag-ingat.

Tumigil si Alice sa ikatlong huling baitang kaya't mas napagmasdan niya ang kaguluhang nagaganap. Mula sa malayo'y nakita niya si Ginang Loridel na pinapahinahon ang mga tao. Katuwang nito si Lenon na may bahid na ng pagka-irita sa mukha.

Tumuon ang paningin ni Alice sa likod ng mag-ina. May nakita siyang isang lalaking nakatalikod mula sa kaniya. Base sa katawan nito, napagtanto niyang si Cyrus ito. He's facing the dining house and is standing in front of Maron. Nakakunot ang noo ng huli, sa likod nito'y nakatayo ang kaniyang mga kasamahan. Kapwa mga tahimik, karamiha'y nakayuko.

Alice in ZombielandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon