ChantalCruz30

176 9 0
                                    

"I'm Chantal, I like hot chocolate, cats and reading books. Ask me anything. :)"

1. Sino ang first mentor mo dito sa wattpad (try ko din mag pa mentor hehe) - yhin2x

Mentor as in teacher, wala. Pero kung pag-uusapan iyong mga maraming naibabahagi na kaalaman, marami akong napulot kay @abby727ad o mas kilala bilang si @DiyosaEXmachina. 

2. Ano ang kauna-unahang contest na sinalihan mo dito sa wattpad? - yhin2x

Isa lang ang pakontes na sinalihan ko. Ang Wattpad Writing Battle of the Year 2015.

3. Paano o kanino mo nalaman na may site pala na wattpad? - yhin2x

Sa ibang website. Nakita ko may mga author doon na may mga gawa na dito naka-publish kaya sinundan ko para mabasa.

4. Anu po ba ang 30 sa ChantalCruz "30"? :D - ReddHumann

No comment.

5. If you get cursed by a witch what would you choose? A hand made of Chorizo or a foot made of pustiso? Why? - ReddHumann

Gusto ko 'yong foot made of pustiso. Maaari kong gamitin iyon na panlakad (kasi matigas) o pangtadyak ng zombies. 'Yong hand made of chorizo baka habulin ako at kagatin ng aso.

6. Ano ginagawa mo pag namental-block habang nagsusulat? - astibidi

Tinitigilan ko ang pagsusulat. Nanonood ako ng TV o kaya lalabas ako para malibang ang utak ko. 

7. Aside from writing fantasy stories, ano pa hilig mong genre and why? Nailalapat mo ba ito sa story mo in fantasy? - astibidi

Mahilig akong magbasa ng kahit anong genre, basta huwag lang Horror. Kahit anong genre naman puwedeng i-mix sa Fantasy.

8. Ano ang naging inspirasyon/motivation mo para magsulat ng fantasy story? - astibidi

Iba-iba. Kaniya-kaniyang inspirasyon bawat story. Mayroon out of necessity (kasi kailangang magsulat), minsan naman may nababasa akong ibang story tapos naeengganyo akong magsulat din ng sariling version. Minsan bigla na lang may maiisip akong magandang idea tapos gagawan ko ng kuwento. Motivation? Case-to-case basis din. Minsan basta nararamdaman ko lang na gusto kong magsulat, minsan naman kasi kailangan kong magsulat (dahil may deadline.)

9. Pwede ba kita maging mentor? just kidding :) Mahal TF mo eh (dami ko ba tanong, gagawin ko kasi guide XD) - astibidi

Hahaha... mga 1M litres of blood, sweat, and tears... kasi may tusok-tusok na ng cactus pagtapos. Joke. :D 

10. Kung mayroon kang ayaw sa pagsusulat, ano ito? Maaaring magbigay ng higit sa isa. - libranages

Ayoko 'yong may gusto akong isulat pero walang oras tapos mawawala na 'yong idea ko, o kaya kasalukuyan akong nagsusulat tapos biglang may ibang bagay na urgent na pinapagawa. Nakakawala ng momentum. 

11. Kung bibigyan ka ng kapangyarihan, ano ang pipiliin mong kapangyarihan at bakit? - libranages

Hindi ko alam. :) Okay na sa akin kung ano ang mayroon ako bilang normal na tao.

12. Sa buhay mo sa labas ng wattpad, ano ang (a) pinakagusto mong gawin, (b) pinakaayaw mong gawin, at (c) gusto mong gawin pero hindi mo magawa.  - libranages

(a) makipagkuwentuhan sa mga kaibigan 

(b) maglaba

(c) magpinta gamit ang acrylic. Basta, parati kong sinusubukan pero ang pangit talaga ng kinalalabasan. 

13. Aling restaurant/cafe/bahay/etc. ang may pinakamasarap na hot chocolate? - purple_porpoise

La Luna Bar and Restaurant sa Siargao.

14. Given the choice of anyone in the world, who would you like to have dinner with? Why? - purple_porpoise

Ans. Mr. Gaiman, so we can talk about how he came up with the Sunbird and his many other stories. 

15. Saang fantasy world mo gusto tumira at bakit? - purple_porpoise

Valdemar, because they have Heralds and Companions, and I've always dreamed of being Chosen by a sentient horse. 

16. What's with the fascination with cactus? why cactus? - kit_mccartney

Si Boss Arch po ang nakaaalam ng buong kuwento ng cactus. Hahaha... Bakit cactus? Kasi resilient, cute, pero bawal hawakan.

17. If you're going to battle and i will build your armor, what color, lining, branding do you want? - kit_mccartney

Kung puwede sana gusto ko yung gawa sa mithril para light lang pero strong. Silver trimmed in gold would be fine. I prefer just the chain mail and leather bracers, no helmet, and if possible a fur-lined cloak.

18. In your opinion, what does fantasy writers like to do while they're in the showers? - kit_mccartney

Hmmm... unclutter. I think its more of a symbolic act that makes it easier to think clearly in the shower.

FWFC Ask Me Anything (AMA)Where stories live. Discover now