NowhereGray

68 5 15
                                    

1. Bakit mo ba nagustuhan ang Dragon Ball? - GeelynAvancena

Ito yung mga gusto kong tanong e hahaha! I like Dragon Ball dahil kasama siya sa mga childhood memories ko. Salamat sa GMA7 na paulit-ulit ipinalalabas ang DBZ nagkaron ako ng maraming happy memories. Nandyan yung nanood kami nila papa noon (Galit na galit sya kay Frezia), there's this one time na sobrang asar ako sa mundo tapos pumunta ko sa isang shop. Bumili ako ng Jump tapos nakakuha ako ng free keychain ni Goku. Hahaha! Malas lang ninakaw yung keychain.

2. Sino ang paborito mong karakter at bakit? - GeelynAvancena

Si Goku syempre! Kasi kay Goku may forever - namamatay man pilit pa ring bumabalik.

3. Kung ikaw ay naging isang libro ng fantasy, ano ang title at bakit mo ito napili? - GeelynAvancena

Pipiliin ko yung story ni TC Southwell entitled Demon Lord. Bakit? The Hero was a human raised by Demons kaya natural na masama siya. But after niyang makilala si Heroine na-realized nya na hindi masamang maging tao. Na kahit ikaw na ang pinakamasamang tao sa mundo meron pa ring may pakialam sa'yo.

4. Kung naging mayaman ka, bibili ka ba ng posters ng anime at ididikit sa buong kuwarto mo? - GeelynAvancena

Akchuwali I have 78 posters of different anime. Hindi ko lang maidikit sa pader kasi natatanggal. May war kami ng double sided tape at duck tape. Hindi ko naman pwedeng gamitan ng rugby. Kakalbuhin ako ng nanay ko!

PS: Di ako mayaman.

5. Ano ang naging inspirasyon mo sa pagsusulat? (Maaring magbigay ng higit pa sa isa) - GeelynAvancena

Once upon a time dahil sa pagkahumaling ng ate ko sa anime naisipan niyang gumawa ng fanfiction na sya ang bida. Ang mga characters dun ay sina Rukawa, Inuyasha at Kouga. Habang binabasa ko yun na-amazed ako dahil kaya nyang gumawa ng story na sya ang bida. Doon ako na-inspired at nagsimula na rin akong gumawa ng sarili kong story. Tanda ko ang unang title ng story na ginawa ko... "Ang nawawalang buhok ni Shikumasa".

Kung anuman ang nilalaman niyan I'll leave it to your imagination.

6. Kung ang Dragon Ball ay hindi nage-exist, ano ang gagawin mo? - GeelynAvancena

Iingatan ko na buhay ko. Di na ko pwedeng mag-respawn.

Kung walang Dragon Ball walang Nowhere Gray! Hahahaha! Pero pwera biro. Ako na lang gagawa ng dragon ball, susulat ako ng story na dragon ball din :3

7. Last na 'to. Madami ba akong tanong? Hehe. Ito na. Bukod sa fantasy, ano ang favorite mong genre/category? - GeelynAvancena

Oo marami kang tanong, mga pito.

Bukod sa fantasy favorite ko ang Mystery Genre. Nakapagsulat na 'ko ng Mystery genre noon at naging maganda naman ang kinalabasan kaya na published. Sabi nga ng mga kaibigan ko e, "I have a mind of a criminal".

8. Sa lahat ng anime na napanood mo, ano ang favorite mo besides Dragon Ball? May irerecommend kaba skin? (hehehehehe) - leoconstellwriter

Aside from Dragonball favorite ko rin ang Fullmetal Alchemist. As for recommendations, I would recommend watching Ushio to tora, Arslan Senki and Hamatora kung full action pack ang hanap mo. Kung shoujo naman (oo tama nanonood ako ng shoujo) ... ... wala akong mai-recommend hahahaha!

FWFC Ask Me Anything (AMA)Where stories live. Discover now