purple_porpoise

99 5 7
                                    

"Hi! My name is Raine and I am not a K-pop star. Ask me anything! :)"

1. Ano ang nakukuha mong aral sa pagsusulat ng kwento na nagagamit mo sa pang-araw-araw na buhay? - astibidi

Ang pagiging mas spontaneous. OC kasi ako na tao at gusto ko planado lahat to the smallest detail pero minsan sa pagsusulat, may mga ideya na sumusulpot and you just have to go with the flow. Gut feel over logic kumbaga. Ganun din sa pang-araw-araw na buhay. Halimbawa, naka-schedule ako maglinis pero nakita ko gitara ko sa tabi, so tutugtog nalang ako maghapon. (Teka iba na ata yun...)

2. Bakit karamihan sa taong nagsusulat, nagtatago sa ibang pangalan at ayaw gamitin ang tunay na pangalan? - astibidi

Kung dito sa Wattpad, siguro ayaw nilang matuklasan ng mga kaibigan at kapamilya ang mga pinagsususulat nila kasi nahihiya sila, gaya na lamang kung erotica o bestiality pala ang trip nila. Meron din for privacy and security reasons.

Sa published writers naman, baka umiiwas sila sa legal troubles or ayaw nila sa limelight. Minsan din kasi na-o-overshadow nung personality ang libro. Isa sa mga paborito kong manunulat, na gumagamit ng pseudonym na Elena Ferrante, ay 24 years na na nagsusulat anonymously. Sabi niya, she will let her works speak for themselves.

3. Maliban sa libangan mo ang pagsusulat, ano pa ang ibang dahilan mo at tinutuloy mo ang paggawa ng nobela? - astibidi

Yung nobela ko na "The Golden Riff Chronicles" ay inumpisahan ko 10 years ago at sa katunayan ay nakalimutan ko din siya nang ilang taon. Pero nung nagkaanak ako ay naisip kong i-revive eto, specifically para sa kanya. Gusto kong mabasa niya eto paglaki niya at nang malaman niya na ang lakas pala ng tama ng nanay niya. Hahaha joke. Wala kasi akong ipapamana na yaman, kaya high fantasy novel nalang.

4. Ano ang inspiration mo sa pagsusulat? - leoconstellwriter

My little girl. All my stories have a little bit of her in it. :)

5. Ano ang story behind sa account name mo? - leoconstellwriter

Purple_porpoise? Ay, wala lang yun haha, I just like the alliteration. Yung pseudonym nalang ang i-explain ko. :P Ang Rain X ay hango sa idolo kong human rights activist sa US na si Malcolm X. The "X" in his name stands for an uknown surname which would have been his name kung hindi sinakop at ginawang slaves ang mga African ancestors niya. So kinopya ko lang iyon hahaha, pero ang "X" naman ay ang pangalan ko kung hindi sinakop ang Pilipinas ng mga dayuhang Kastila at Amerikano.

6. May plano ka ba na one day ipublish ang book mo? - leoconstellwriter

Wala eh. Pero ang copyright ay ipapangalan ko sa anak ko so siya na bahala kung gusto niya i-publish someday. :)

7. Ang tanong ko lang is BAKIT? (Please explain this in a short ESSAY) - ReddHumann

Kasi sa buhay ng tao, mahirap man o mayaman, may pinag-aralan man o wala, hindi maiiwasan na may mga pangyayari, tulad na lamang ng aksidente o serendipity, kung saan walang nakakaalam kung ano ang kahihinatnan ng samu't saring desisyon at pagpapasya na ginagawa natin sa pang-araw-araw na buhay. Ito ay dahil walang kahit sinong tao sa balat ng lupa, kapuso man o kapamilya, panay selfie man o food porn ang laman ng Instagram, ang nakakaalam kung ano ang motibo ng kanyang kapwa at mas lalo na kung ano ang mangyayari kinabukasan o sa susunod na linggo, puwera na lamang kung siya ay yung Oracle sa The Matrix o si Phoebe sa Charmed. In short, hindi ko alam. Hahaha.

8. Follow up question, Naguluhan ka ba sa first question? (Honestly,ako rin...) - ReddHumann

Slight. Hahaha. Pero maganda siyang practice para sa mga gusto maging pulitiko (essential skill: beating around the bush).

9. Follow up question to the follow up question, Anung tanong ang gusto mong hindi itanong sa 'yo? Wag munang ilagay kung BAKIT. - ReddHumann

"Open-minded ka ba?"

10. Kung maglalaban si Capt. America at si Ironman, bakit nasa labas ang brief ni Superman? - ReddHumann

Ito kasi ay psy-war tactic ni Superman. Si Capt. America ay isang typical all-American boy at may pagka-conservative, habang si Ironman naman ay mula sa henerasyon ng mga techie na kahit brief ay naka-connect sa internet (i.e. "smart brief"). Pareho silang na-ba-bother sa brief ni Superman, na immodest at obsolete. Kaya kahit nakatayo lang si Superman sa isang tabi habang naglalaban sila, may malaking epekto eto sa psychological state ng dalawa, at dahil dito ay mas compelling ang labanan.

11. Why purple and why porpoise? - libranages

Aw sorry to disappoint but there's no story behind that, I just like the repeating "p" and "r" sounds hehe.

12. Do you believe that there is life after death? - libranages

I like to believe there is but probably not in the way we have all imagined.

13. If you can travel back through time and given the chance to change one thing in your life, would you change it? - libranages

No, I wouldn't change a thing, not because my life has been all rainbows and unicorns but because all the things I've had to go through, the bad ones especially, have made me the person I am today — far from perfect but at peace with her imperfections.

14. Kung may kakayahan kang gumawa ng isang prutas na ibang-iba sa mga prutas na alam natin ngayon, ano ang prutas na iyon? Maaring ibigay ang pangalan, itsura at lasa. - libranages

Ito ay ang prutas na "memwa" na korteng puso. Color green siya kapag hilaw, at pag hinog ay nagiging either shocking pink or iridescent aquamarine, depende sa klima at uri ng lupa kung saan siya tinanim. Mapait siya kapag unang tikim pero habang tumatagal, nagiging matamis. Nagkakaroon din ng visions ang sinumang kumain nito, parang flashbacks ng mga pinakamasaya at pinakamalungkot na mga alaala niya. Haha hallucinogen pala.

15. usually, what music do you listen to when writing your novels? and this story you wrote is using tune or sound magic, if you are to choose, what would you use for an OST if ever this work is to be televised? - MikeKhael90

I actually don't listen to music while writing because I often find myself singing or humming along and unable to concentrate on my book.

I have this grand dream that I will compose the novel's OST once I finish writing it, but that will probably take another 10 years haha. My main character Wox is a guitar player and I imagine him sounding a bit like Australian musician John Butler in terms of style and technical skill (will post a link in the comments). The rest of the soundtrack will be a mixture of classical music, ethnic/indigenous, blues, reggae and symphonic metal. If I can, I'd like to get my former bandmates to play on it. It's a good excuse for a reunion, too. :)

FWFC Ask Me Anything (AMA)Where stories live. Discover now