bentchbites

79 5 17
                                    

"Hi, I'm Bentch! Ask away! :)"

Hello! Maraming salamat sa inyong mga katanungan! LOL! Word of caution, mahaba-haba to, bec I'm chatty! hahaha!

1. Anong mas masarap, yung dating pansit canton o yung bagong pansit canton? Bakit? - astibidi

Gustuhin ko mang magkomento ukol sa napapanahong isyu na ito, hindi pa ako nakakatikim ng bagong pancit canton. :( Wala nun dito sa ibayong dagat. Kung meron man, hindi ko pa nahahanap. Pero paborito ko ang Toyomansi Pansit Canton, at kung babaguhin pa nila iyon, wala na, i-boycott ko na lang sila. LOL

2. Pabor ka ba kung sakaling ipatupad ang federalism sa Pilipinas? Bakit? - astibidi

Marami akong opinyon sa kasalukuyang pulitikal na estado ng ating bansa, pero hindi muna ako magsasalita habang alam ko na kulang pa ang kaalaman ko para magbigay ng intelehenteng hinuha.

3. Pabor ka ba sa Death Penalty? - astibidi

Oo. Dahil naniniwala ako na wala nang kinatatakutan ang mga kriminal sa atin ngayon. Pero alam kong hindi ito solusyon. Dapat ayusin ang Justice System natin. Kung may mapapatawan man ng parusang kamatayan, sana dumaan sa tamang proseso at ang tunay na nagkasala lamang ang mapatawan. Kaso asa.

4. Sa kasalukuyang panahon, malaki pa ba epekto ng nobela sa pamumuhay ng tao? - astibidi

Sa aking personal na pananaw, malaki ang epekto ng nobela sa buhay ko. Ito ang nagiging daan upang mailayo ko, kahit panandalian, ang aking sarili sa mga bagay na nagpapahina ng aking loob. Sa mga katha ng kapwa ko manunulat ako kumukuha ng pag-asa.

5. Sa bilis ng pagbabago sa panahon ngayon lalo na sa ugali at kultura ng Pinoy, aling ugali/paniniwala/kaugalian ang dapat hindi mawala sa bawat pinoy na siyang magpapanatili ng pagkakakilanlan natin bilang pilipino? - astibidi

Madaling makalimot sa kultura natin, lalo na pagpabor ng mga Pinoy ngayon sa Western Culture. Sa tingin ko ang kulang sa atin ay ang confidence natin sa sarili nating kultura. Isa ako sa mga naniniwala dati na baduy ang isang bagay pag pinoy, dahil mas superyor ang mga banyagang kultura. Pero simula nung nalayo ako sa bansa natin, nakita ko na walang papalit sa kultura natin. Ang ating kasipagan, pagkamasayahin at kababaan ng loob, yan ang mga tunay na tatak Pinoy.

6. Anong hakbang ang dapat gawin para mapalago at mapaunlad ang wikang Filipino sa kabila ng unti-unting pagkawala nito? - astibidi

Edukasyon pa rin ang sagot dito. Dapat maitanim sa mga kabataan na mahalin ang ating wika. Ito ang aaminin ko na wala ako dati, pero unti-unti ko nang pinagaaralan na mahalin ito ulit. Nakatutuwa nga na sa mga nakalipas na Review Cycles, Tagalog/Taglish ang napili ng mga may akda. Nakahanap ako ng mga babasahin na bago at moderno ang pag-gamit sa Wikang Pilipino.

(Okay, so wow! Na-over ata ang pagTatagalog ko? Haha. Practice lang! ;) )

7. Saan sulok ng mundo po kayo nanggaling at bakit ang galing nyo po sa mga English words? =) - MissBulilit

Haha! Sa Bulacan ako lumaki pero sa Manila na ako nagaral simula highschool hanggang college. Mahilig magbasa ang Mama ko kaya naman nakahiligan ko rin. Kaso tubong Mindanao pareho ang parents ko, so hindi nila masyadong gamay ang Wikang tagalog kaya English lahat ng libro sa bahay. Ayun, sa kakabasa ko ng English books, naimpluwensyahan na rin ang pagsusulat ko.

FWFC Ask Me Anything (AMA)Where stories live. Discover now