GreenLime8

61 6 13
                                    

"Hello! Ako si GreenLime8 inosente man sa paningin niyo, ngunit ako lagi ang pasimuno. Isang unicorn na dumudumi ng ginto handang sagutin ang mga tanong niyo nagmula man 'yan sa dulo ng rainbow mountain. Peace ya'll"

1. Hanggang ngayon ba naglalaro ka ng online game? Ano yan? - MissBulilit

Hindi na kasi busy na ako sa work. Pero noon, na adik talaga ako sa Ragnarok Online hanggang college ko naglalaro ako. Ayon ang online game na nakapaginspire sa akin na gawin ang Meira. Saka po nag World of Warcraft din ako mostly MMORPG game ang nilalaro ko. Naglalaro din ako ng MRPG like Dota and LOL kaso bihira nalang din kapag nayaya lang nakikipaglaro sa mga friends ang maganda nakakasabay pa rin ako. Hahaha! We don't die, we respawn ika nga.

2. Bakit wala kang pictures sa story mo? Hindi mo ba ito type? - MissBulilit

Wala pero meron Guide Book ang Meira. Doon ko ilalagay lahat ng pictures. You may check it out posted na siya. At sa mga nagtatanong kong meron kalaban si Igneous. Yes po nasa book 2, nakapost na sa profile ko hanapin niyo nalang. Naroon ang lahat ang tungkol sa Meira.

3. Unicorn ba talaga first choice mo Mythical creature? - MissBulilit

Bata palang ako unicorn na talaga ang gusto ko. Marami akong stuff toys na unicorn.

4. Ano'ng class ang kadalasan mong pinipili sa mga online games? Baka kasi parehas tayo hahaha - MissBulilit

Gusto ko lagi ang supporter and last hit I'm a greatest omega of the pack kapag nagha-hunt kami ng boss monster. Noong naglalaro pa ako ng Ragnarok Vit Priestess ang build ko pure support. Noong nagkaroon ng 3rd job sa RO, nag Crusader ako it's like Templar Knight sa Meira. :)

5. Ano'ng tip ang maibibigay mo sa mga baguhang writer under fantasy genre? - MissBulilit

Sa mga writing seminar na napuntahan laging iisa lang ang sinasabi ng mga speaker; kung magsusulat ka, always know your market. Kung adult ba? Teens or children. Heto po kung ang aim mo ay mapublish ang gawa mo. Hindi kasi mag-aaksaya ang publishing house ng papel kung hindi bebenta. Heto pa, kung gusto mo mag-hit ang sinulat mo sa wattpad, or any site like wattpad, use beautiful verbs and adjectives basta try to research po and read books life is a continuous learning process. Always remember, speak what's on your mind, seek every word in your soul and write with all your heart.

6. In your honest opinion, do you think dragons are real? I mean, real creature in the past or are they just purely mythical or folklore? - kit_mccartney

Thank you for that wonderful question! Lol! I believe there are dragons in the past, scientifically they exist, nag-evolve lang sila ayon sa pag-aaral. Naniniwala ako sa dragon.

7. Inabutan mo ba ang TV show na TODAS? Or tropang trumpo? Do you remember any segments? - kit_mccartney

Nako kuya Kit nanghuhuli ka ng tunay kong edad huh? Hindi ko naabutan 'yan sa Youtube ko lang napanood 'yan at nabasa ko sa Wiki. Hahaha! Chos! Yung TODAS alam ko tuwing gabi ata 'yan o hapon. At hindi ako nanunuod ng tropang trumpo. Home Along da Riles na ang pinapanuod ko magkasunod lang kasi 'yun. :)

8. Parati kang night shift, hindi pa ba tumutubo pangil mo? - kit_mccartney

Actually nag shape shift na nga ako sa pagiging taong lobong zombie lalo na tuwing kabilugan ng buwan. Hahaha!

9. What do you think of the new Ghostbuster with (Melissa Mccarthy), do you think it will sell? Or it will flop? - kit_mccartney

I watched the trailer, nah! Still love the classic and those guys I love them so much! Pero malay natin mag-hit sa kabataan ngayon. Pero still love the old school. :)

10. Fan ka ba ni JohnLloy? Kun halimbawa niyaya mo ang jowa mo na manood ng JohnLloyd movies tas ayaw niyang sumama, magagalit ka ba? - kit_mccartney

Hindi ako fan ni JohnLloyd. Bakit mo ito natanong? Hahaha! Dahil ba sa isang character ko sa story ko? Pero okay lang naman sa akin manuod ng movie niya. Pero not the type na movie date. Mas gusto ko 'yung mga galing sa book at comics o kaya galing sa anime na ginawang movie. Ayon ang movie date para sa akin.

11. Ano usually job class ang pinipili mo kapag naglalaro ka ng RPG at bakit? - libranages

Mostly supporter ako like Priest or Hunter. Pero ang pinaka nagustuhan ko noong nagkaroon ng 3rd job sa Ragnarok Online. Crusader ako just like Templar Knight sa Meira. Gusto ko ang supporter kasi bagay siya sa personality ko. I'm selfless, kahit wala na ako binibigay ko pa rin, kaya laging nauuto at naloloko. T_T

12. Naniniwala ka ba sa forever? Ipaliwanag mo kung bakit gamit ang dalawang pangungusap lamang. - libranages

Ah... E... I think the answer just died. x_x

13. Kung magiging character mo sa libro mong "Meira" ang limang presidentiable nitong nakaraang Halalan 2016, anu-ano ang magiging job class nila at bakit? - libranages

Interesting question. :)

Si Duterte isa siyang Rogue. Mga head hunters kasi ang mga Rogue at trackers sila ng mga Night Elves mga kalaban sa sequel ng Meira.

Si Santiago isa siyang Mage. Matalino at marami siyang spell na alam.

Si Poe Templar Knight very rare job. Isang support and attacker din.

Si Roxas wala akong maisip, siguro Hunter nalang. Hindi ko alam e. Haha!

Si Binay, siya naman si Kokey! Hahaha! Joke! Knight nalang siya. Ewan ko may masabi lang hehehe!

14. Gaano kasaya o kahirap mag-alaga ng huskies? - purple_porpoise

Masaya kasi parang tao sila at sumusunod sa mga commands. Kaso sa sobrang laki nila at mabibigat ang mga paws nila, masakit kapag natapakan ka nila. Magkakapasa ka talaga lalo na kapag nanghaharot sila. Mahirap din kasi sanay sila sa malamig na klima kaya walang patayan ang aircon sa amin. Sakit sa bulsa kapag dumarating ng Meralco. :(

15. Ano ang mga paborito mong banda/ musical acts from the 90's? - purple_porpoise

Actually mahilig ako sa 80's band. Metallica, Queen and Bon Jovi. Kung boy band naman, BSB at N'sync hahaha! Mahilig din ako manuod ng musical acts like Cats, Phantom of the Opera at Les Miserables basta mahilig ako sa mga stage play. :)

16. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na tumira sa kahit anong lugar, sa kahit anong era sa kasaysayang mundo, saan/kailan ka pupunta at bakit? - purple_porpoise

Sa Japan Edo period where Samurai and ninja are present that time. Wala lang I am just fascinated about swords and weapons for ninja. Gusto ko magkaroon ng Katana meron na kasi akong Kunai kaya I'm dying to own a Katana.

17. What advice will you give to your younger self? - purple_porpoise

Baby, your so cute and beautiful don't waste it kasi in the future you will be an outcast, nerd and you're this unpopular girl na walang pinatunguhan ang buhay lagi pang niloloko at nauuto pagdating sa love. Kaya habang bata ka pa pumasok ka na sa pag-aartista. Lol!


FWFC Ask Me Anything (AMA)Where stories live. Discover now