MissBulilit

82 5 6
                                    

"Hi! Im Anj! Ang pinaka maliit na bulilit sa balat ng wattpad. Ask me Anything!"

1. What are your other personal works? - leoconstellwriter

When Love Sucks.
In-Love ako sa Multo
Lovin' my best bud
Savannah, High Class Escort Service
Meron din po akong mga maiikling kwento.

2. If you could have one super power what would it be? - leoconstellwriter

Superspeed. Gusto kong maka travel mag-isa na hindi ko na kailangang sumasakay sa iba't ibang mode of transpo, mahihilohin kasi ako.

3. Ano ang inspiration mo sa pagsusulat? - leoconstellwriterMadalas tinatanong sa'kin yan pero hanggang ngayon di ko pa rin talaga alam ang sagot. Kasi yung inspirasyon ko kusa nalang dumarating tapos bigla nalang akong magsusulat.

4. Kung ikaw ay magiging isang creature sa fantasy world, magiging ano ka at bakit? - libranages

Gusto kong maging Anghel. Kasama po ba yun sa Fantasy? =) Nais ko po kasing maranasan ang lumipad. Yung dama ko ang hangin sa balat ko.

5. Ano ang ginagawa mo kapag hindi ka nagsusulat ng stories? - libranages

Marami po. Reponsibilities.

6. Ano ang mas gusto mong ending, happy o tragic? Bakit? - libranages

Whichever the story deserves. Para sa'kin wala namang imposibleng ending basta ba makatarungan ito at akma sa takbo ng kwento.

7. Kung antagonist ang role mo sa isang kwento, ano ang unang mong gagawin sa protagonist ng kwento? Bakit? - astibidi

Depende ata ito sa eksena haha.pero gusto kong subukan yung agawin ang mga mahahalaga sa kanya. Very cliche pero para sa'kin, without it there will be no excitement.

8. Bakit kalimitan itim ang kulay bad side ng kwento at puti ang goodside..makakagawa ka ba ng kwento na itim ang bida at puti ang kalaban? - astibidi

Bakit? Dahil naging standard na ito noon pa man. Dati pa kapag kulay itim e panigurado kalaban dahil madalas itong ginagamit panakot at maging simbolo para sa kalungkutan. Sa puti maamo kasi ito sa mata at kahit anong titig mo rito hindi ka masasaktan hindi tulad ng itim, nakakabulag.

Makakagawa ako, OO naman. Malaki ang tiwala ko sa sarili ko. Kaya kung gugustuhin ko alam kong makakagawa ako. Sino pa ba ang magtitiwala sa'kin kung hindi lang ako rin =)

9. Kung susumahin ang mga kwento, laging may mapait na nakaraan ang mga kalaban, sa tingin mo kung wala yung mapait nilang nakaraan, magiging maganda pa din ba ang kakalabasan ng isang istorya? Paano mo mapapalabas ang galit ng kalaban kung walang pinagmulang masakit ng nakaraan? - astibidi

Opo. Maliban naman sa sakit ng nakaraan may sakit din namang pangkasalukuyan. Maaring may kinaiinisan o kinaawaan ang karakter sa karanasan ng ibang tao, halimbawa kaibigan, na naging galit na sa sobrang tagal. Dito ko maipalalabas ang galit ng karakter.

10. Ano ang tanong na hindi mo kayang sagutin at bakit? - astibidi

Hindi ko pa po din yan alam dahil magpahanggang ngayon ay.nasasagot ko pa naman po ang mga ibatong tanong sa'kin.

11. Kung babalik ka sa panahon ni Rizal kung saan malakas ang impluwensya ng pluma, anong kwento ang isusulat mo na pwedeng magmulat sa mata ng mambabasa? - astibidi

Para sa mga kababaihan. Ilabas ang kanilang tapang at huwag lang basta magtago at umasa sa mga sundalong kalalakihan. Maliban sa pangagagamot ay maari rin namang lumaban ang mga kababaihan. Ipamulat sa kanila na hindi dapat nasusukat ang tapang dahil lamang sa kasarian, na ang tapang ay nanggagaling sa puso ng taong may paninindigan at may ipinaglalaban.

12. Ano sa tingin mo ang genre ng story na masasabi mong "mahusay" ka? - yoshiro_hoshi

Wala pa. Haha wala pa naman din kasi akong napatunay sa sarili ko kaya hindi ko pa masasabi kung saan ako mahusay.

13. Senaryo: Isa kang anime character, at may tatlong pinto kung saan papipiliin ka kung paano ka mapapaslang. Ang unang pinto, tatadtarin ka ng butcher knife; pangalawang pinto, ilalagay ka sa meat grinder; pangatlong pinto, ihahagis ka sa isang bagin kung saan nag-hihintay sa iyo ang matatalas na sibat. Alin sa tatlo ang pipiliin mo, at bakit? - yoshiro_hoshi

Pangatlo. Atleast mag eenjoy ako bago ako tuluyang masaksak. Haha

14. Alin sa mga panaginip mo ang pinaka-tumatak sa iyo? - yoshiro_hoshi

Yung paulit-ulit. Childhood memory. Siguro edad 5 o 6 ako noon. Sa lumang street ng luma naming bahay. Ewan ko ba. Pareho ang umpisa at pareho din kung saan ako magigising.

15. Kung papipiliin ka ng isang male fictional character na maaari mong pakasalan, sino sya, at bakit? - yoshiro_hoshi

Wala. Hard no? Kasi kahit gaano pa sila ka bait, kagwapo etc panigurado may kagaguhan din ang mga yan hahahhaha senya na bitterella

16. Saan ka nakatira? Sino pumatay kau Lapu-lapu? Charot lang! Sino at ano ang nagtutulak sa 'yo magsulat? - GreenLime8

Haha hindi ko na po matandaan kung sino. 2004 pa kasi nung una akong magsulat. Di ko na ri matandaan bakit ako nagsulat noon hahha.

17. Mahilig ka ba sa anime? Kung oo, ano ang Fave mo? - GreenLime8

Yes. Madalas akong manood ng anime pero wala paring makakatalo sa Slam Dunk kahit pa yung mga bagong anime ngayon lalu na yung mga slice of life type of anime na ayon sa obserbasyon ko e paulit ulit at magkakapareho lang naman ang kwento.

18. Aside from writing, what's your hobby? - GreenLime8

Singing. Hihi

19. Sino ang favorite author mo? - ChantalCruz30

Si Nicholas Sparks ang paboritong kong manunulat. Dito naman sa'tin si Bob Ong. Marami na rin akong nabasang akda ngunit hirap talaga akong makatanda ng mga pangalan.

20. Anong genre ang pinakanahihirapan kang isulat? - ChantalCruz30

Hirap akong magsulat ng horror dahil matatakutin po ako. Hehe

21. Ano ang pinaka-ideal environment mo sa pagsusulat? - ChantalCruz30

Dati sa kwarto ko lang basta wala ng maingay at dapat madaling araw na. Pero ngaun basta may lamesa at upuan kaya ko ng magsulat kung wala namang masyadong intense scene ang isusulat ko.

22. Palagay mo ba cute ang mga cactus? - ChantalCruz30

Cute sila =) Lalo na kapag tinitignan mo lang. Kaso kapag hinawakan na, masasaktan ka na.

FWFC Ask Me Anything (AMA)Where stories live. Discover now