"Yannaaaaaaaaa! Yaaaaaaaaam!"
"Ahhhh! Ano ba yun?!"
Yan na lang nasabi ko ng makita ko yung pagmumukha ni Miyuki.
Hayst salamat panaginip lang pala..
"Ano.. kasi eh.."
"Ano nga?!"
"Nasusunog yung niluluto namin!"
"Yukiiiiii! Gisingin mo na si Yam dali na! Nasusunog na to eh!"
Narinig kong sigaw ni Mich mula sa baba, alam kong boses niya yun.
May naamoy akong kakaiba kaya napakaripas ako ng takbo pababa.Pagdating ko sa kitchen, sobrang usok na.
"*cough.cough"
Pinatay ko yung stove at humarap ako sa dalawa na umuubo pa.
"*cough.cough* Hay salamat! Feeling ko hihikain ako dun ah."
"Ano bang nangyari at nasunog yung kung ano mang niluluto niyo?!"
Yumuko naman silang dalawa na parang bata.
"Ano kasi eh.. Gutom na gutom na kami Yuki at di ka na namin maintay magising kaya naisipan namin magluto ng itlog." -Mich
"Tapos biglang lumabas si James Reid sa TV kaya nalibang kami sa kakanood tapos ayun umusok na." -Yuki
Haynako! Kaya pala!
"Hay nako! Linisin niyo yan at wag niyo ulit tangkaing magluto!"
Sabi ko sakanilang dalawa
Balak pa ata nilang sunugin tong apartment eh."Sorry na Yam."-Mich
"Di na mauulit."-Yuki
"Bahala kayo diyan di ako magluluto ng breakfast ngayon!"
Sabi ko habang paakyat na, ng biglang may dumating.
"Hey Im here! May dala akong breakfast masar-- Oh? Ano nangyari dito?"
Tumigil ako saglit para tignan si Ren.
"Tanong mo diyan sa dalawa!"
Sabay akyat ulit.
"Ang aga ang init ng ulo mo. Baba ka agad pagnaprepare ko na yung breakfast."
Narinig ko pang sabi ni Ren pero pumasok na ko sa kwarto ko at humiga ulit.
Mga kaibigan ko nga naman oh -.-
Yung tatlo kasi kanina ay mga bestfriends ko.
And yep, nakatira kami sa iisang bahay.Si Michelle Ree Diaz, Miyuki Lee at Yumiko Ren Kazuki.
At ako naman ay si Yanna Andrea Montales.Mich ang tawag namin kay Michelle
Yuki kay Miyuki
Ren kay Yumiko at
Yam naman ang tawag nila sakin.Sa ngayon 2nd year college na kami at same school kami pero magkakaiba kami ng course.
Si Mich ay Education ang kinukuha, Major in English.
Si Yuki naman ay Tourism.
IT naman ang tinetake ni Ren.
At ako ang HRM samin kaya alam na kung sino taga luto -.-2nd year highschool kami naging magkakaibigan.
At nung magcollege na kami tumira sa iisang bahay na umagree naman parents namin."Yaaaaaaam! Baba kana kain na tayo!"
Oo nga pala kakain pa kami.
Makababa na nga.-END OF CHAPTER 1-
BINABASA MO ANG
Past VS. Present
AléatoireSabi nila Past is Past. Eh bakit pa nga ba natin inaaral ang history kung dapat nang ibaon sa limot ang ating mga past? Masaya na ako sa buhay ko ngayon, sa kasalukyan, sa present ko. It is much better than the past. But what will happen if the guy...