Chapter 8: He's back?

22 1 0
                                    

Michelle's POV
Before anything else,
I'll introduce myself first.

My name is Michelle Ree Diaz.
Mich ang tawag sakin ng karamihan.
Ayoko magpatawag sa Ree, napapangitan ako eh -.-

Si Yanna or Yam ang pinakaclose ko sa tatlo.
Parang siya kasi yung kambal ko dahil iisa lang ang takbo ng utak namin.

Sabi nila ako daw ang laging seryoso sa amin.
Eh sa maaga nagmature tong utak ko eh -.-

And yup, may boyfriend ako.
2 years na kami ni Stephen Gabriel Cruz.
Away bati ang tema namin.
Madalas magaway pero matatag pa din.

*BLAG!*

"Gosh! What the?! Yuki! Nakakagulat naman yang paggalabog mo ng pinto!"

Nagulat kasi ako dahil sa pagpasok ni Miyuki at ginalabog niya yung pintuan.

"No way! No way! Di ka maniniwala sa nakita ko!"

Natataranta niyang sabi sabay upo din sa couch.

"What? Ano bang nakita mo?"

"Hindi Ano kung di Sino. Look, pinicturan ko para maniwala kayo sakin."

Then may pinakita siya saking picture...

"Whoa. Oh My Gosh. Totoo ba to? Siya ba talaga to? Hindi ba to edited?"

Hindi ako makapaniwala.

"Totoo yan! Siya yang nakita ko! At hello? Di nga ko marunong magedit tapos ieedit ko pa yan? Anong mapapala ko dun? Para paiyakin at saktan ulit si Yanna?"

"Anong pinaguusapan niyo? Bat parang nagaaway kayo? Tsaka bat narinig ko pangalan ko?"

Nagulat kaming dalawa ni Yuki ng biglang dumating si Yanna kaya nabitawan ni Yuki yung phone niya.

"Ah Yanna.. Ano andyan kana pala.." nauutal ko pang sabi.

"Wala kaming pinaguusapan. Kaya ko lang nabanggit pangalan mo kasi nagtataka ako kung bat wala kapa. Oh may dala ka palang bulaklak wow haha!" ang awkward pa ng tawa ni Yuki.

Napansin ko nga na may hawak siyang bulaklak.

"Bigay ni Andrew. Peace offering, alam niya ngang ayaw ko ng flowers pero binigyan pa din ako. Okay lang ang sweet naman ng ginawa niya."

Habang sinasabe niya yun ay nakangiti pa siya.
Napapangiti din tuloy ako.

"Ayieee! Ang sweet naman. Inggit na ko."

"Asus! Magboyfriend ka na kasi ng seryoso para magkaroon ka niyan!"

Super playgirl kasi neto ni Miyuki -.-

"Haha! Oo nga, laro pa kasi! Ay sige akyat na muna ko."

Sabi lang ni Yam at umakyat na.

"Ehhhh Mich! Anong gagawin natin? Pano pag nagkita ulit sila?"

"Hindi sila pwedeng magkita ulit. Ganto nalang, wag mo sabihin kay Yam na nakita mo siya. Promise me na di ka magdadaldal, kung ayaw mong makita ulit na malungkot si Yanna okay?"

"Oo promise! Quiet lang ako. Wala akong sasabihin sakanyang kahit ano sa nakita ko."

Sana sana Yuki quiet ka lang.
Madaldal pa naman to si Yuki.
Pag di nakatiis yan ay bigla niya nang sasabihin yan.
Eh wag naman sana.
Ayoko na makita ni Yanna ulit siya.

Ganto talaga kami pagdating kay Yanna.
Over protective dahil yan ang bunso namin.

Hayst.
Sana di na siya bumalik.

~

Yam's POV
1 new message frm:
Baby'Andrew<3
'Got home?'

Napangiti agad ako ng mabasa ko to.

To:
Baby'Andrew<3
'Yup :) Thankyou ulit sa binigay mo at sa surprise :)'

What really happened?

Well diba nagwalkout ako from our ruined date sa MOA.
Di ko tinetext si Andrew nung gabing pagkauwi ko.
Di ko rin sinasagot mga calls niya.
Sobrang frustrated ako that time sa sobrang naghalo halo yung emotions ko.

Then kanina nga,
Di pumasok si Andrew na pinagtaka ko.
Si ako mapride pa din kaya di ko pa din siya tinetext.
Di din naman kasi siya nagtetext nun.
Pero pagtapos ng buong class ko,
Di ako nakatiis na itext siya kung bakit di siya pumasok.

Wala kong natanggap na reply but the next thing na nangyare really made me surprise.

He's outside our classroom with bouquet of pink roses while wearing a very cool outfit with shades on.

Nagulat ako ng lumabas ako ng room.
He was there waiting for me.
Na froze ako sa may door kaya siya ang lumapit sakin.

For the second time around, lumuhod siya sa harap ko and said sorry.
Naguilty ako nun kasi wala naman talaga siyang kasalanan eh.
Pero sobrang effort at sweet ng ginawa niya.

He's really the perfect man for me.
Every girls dream na siya oh at ang swerte ko at napasakin siya.

I can't believe na ngumingiti na ulit ako ng ganto.
Pero sana, this smiles ay walang kapalit na pain..

-End of Chapter 8-

Past VS. PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon