Chapter 18: Bad Joke

11 1 0
                                    

Michelle's POV

"Miiiiiiiiich!"

Ugh! Ayan na naman!
Nakita ko si Ren at Yam na pumasok sa kwarto ko.

"Ano ba?! Bat kailangan sumigaw?!"

"Eh sorry namin Mich hihi excited lang ako." -Ren

"Ano naman kinakaexcite mo?"

"May plano kasi kami ni Ren na naisip. Halika bulong ko sayo." -Yam

Lumapit naman ako sakanya at may binulong siya.

Kahit ang sungit ko ngayon di ko maiwasang mapatawa sa plano nung dalawa.

"Ano game ka?" Tanong ni Yam.

"Game na game!"

Pagkatapos namin pagusapan yung plano, pumunta na kami sa kwarto ni Yuki.

Haha exciting to!

-

Miyuki's POV

Busy ako sa pagsayaw ng kpop songs, eto nalang kasi exercise ko.
Nang biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko at pumasok yung tatlo.

"Oh bakit? Anong kailangan niyo?"

Pinatay ko muna yung tugtog.
Napansin ko naman na nakayuko silang tatlo.

"Bakit ganyan mga mukha niyo?"

"May kailangan ka kasing malaman Yuki." -Mich

Tumingin sakin si Mich at maluha luha yung mata niya.
Ano bang meron?

"Ano naman yun? Bakit maluha luha ka Mich?"

"Kasi.. kasi.. Huhuhuhuhu! *sniff* waaaaah di ko kayang sabihin sakanya. Ren ikaw na magsabi huhuhu!" -Mich

Humagulgol na si Mich at niyakap naman siya ni Yanna.

"Okay lang yan Mich kahit mahirap para samin pero okay lang yun *sniff*" -Yanna

Sabi naman ni Yanna na maiiyak na din.
Bakit ba sila nagiiyakan?

"Ano bang problema? Sabihin niyo nga sakin!"

Lumapit sakin si Ren at hinawakan ako sa balikat.

"Aalis na si Mich. Magmamigrate na siya sa Canada kung san nagtatrabaho Mommy niya. Kinukuha na siya ni Tita. At isang linggo nalang siya dito." -Ren

Nagulat ako sa sinabi ni Ren.
Hindi ako makapagreact..
Bakit? Bakit ganung kabilis?

Lumapit na samin sila Mich.

"S-sorry kung kailangan ko kayo iwan pero wag kayo mag aalala tutuparin pa rin natin yung mga pangarap natin." -Mich

Di ko na rin napigilan sarili ko at umiyak na din ako.

Ngayon lang may mahihiwalay samin.
Bakit naman agad-agad? Okay pa sana kung sa isang taon pa eh pero isang linggo? Parang ang bilis naman.

Nagyakapan nalang kami dun habang naiyak.

"Pero Yuki may isa pa kaming problema." -Mich

Napatingin naman ako ng sinabi niya yun.

"Meron pa? Ano yun?"

Lumayo silang tatlo ng onti sakin.

"Ano eh.. hindi totoo yung lahat ng sinabi namin." -Yanna

1

2

3

"So niloko niyo lang ako?"

Sabay sabay silang tumango at lumakad patalikod.

Past VS. PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon