ELEXA's POV
" Pwede ba Kit? Nakakairita na " Bakit ba ayaw nya kasi ako tigilan? " HAHAHAHA Kit, St-o-ooopp. HAHAHAHA" halos mawalan na ako ng hangin. Ayaw parin nya tumigil.
" Sige na Elle, Bestfriend naman kita eh.. Please? " Bigla syang nag pout.
" Pfft. HAHAHA. wag kang gumanyan, Mukha kang aso. HAHAHA " Di ko talaga mapigilang hindi tumawa.. Ang pangit nya kasi talaga. Lumayo na ako sa kanya dahil alam kong kukulitin nya nanaman ako.
" Aso pala ha? " Lumapit sya at kiniliti nanaman ako.
" Kuleeet. Ano ba sa AYAW KO ang hindi malinaw sayo? " Bigla syang napayuko at parang batang kinuhaan ng candy. Haysst. Bakit kasi ang cute nya.
" Sige na, Payag na ako. Bakit kasi ang cute m- " Napatigil ako na napaisip sa sinabi ko. TH! did I just said cute? Sana di nya narinig.. *fingercrossed*
" Anong sabi mo? Cute ako? " Patay. Narinig nga nya. Hala ka Elle, Isip isip..
" Ano? Sira ka ba? sinabi ko bang cute? " Sana maniwala sya. Lumapit sya at tiningnan ako ng diretso sa mata.
" Talaga lang ha? " Tinaas ko lang ang dalawa kong kilay at binagyan sya ng " sure-na-sure-look ".
" Oo nga, Kuleeet. " Hinampas ko ng mahina ang braso nya at iniwas ang tingin sa kanya. " Oh, Ano bang gusto mo sakin? " Parehas kaming nagulat sa sinabi ko " Ah-I mean ANO BANG GUSTO MONG TULONG SA AKIN? " ine-emphasize ko talaga yung buong sentence na yun
" Ahhhh, Ok. Linawin mo kasi. Tsk " Ginulo nya yung buhok ko na para bang aso
" Ano ba wag mo ngang guluhin yung buhok ko. Nakakainis ka talaga " Mukha ba akong aso? Naku ha. Isang isa nalang.
" Pwede mo ba akong tulungan kay Carmina? " Bakit kahit wala akong kinakain o iniinom parang nabulunan ako... HAHAHA Carmina?
" Pfft. Carmina? Seryoso ka ba? " Hinawakan ko pa ang leeg at Noo nya para ma check kung may lagnat sya. Wala naman. " O baka naman naka-drugs ka? "
Inalis nya yung kamay ko sa noo nya at biglang hinawakan to. " Seryoso ako Elle, Wala akong sakit o hindi ako naka-drugs. Please tulungan mo ako. "
" Bakit si Carmina? Alam mo bang man hater yun? " Tinanggal ko naman yung kamay ko sa kanya at bahagyang umatras. AWKWARD.
" Alam ko pero. Iba eh.. Basta iba.. " Tumingin pa sya sa taas at parang nag iimagine
" Corny ha? Pwede ba? Nasusuka ako. Bwrr! HAHAHA. " Nakita ko nanaman ang pag popout nya. Leshe ang Cute. Di ko na napigilan at kinurot ang magkabilang pisngi nya.
" Aaww! Ang sakit ha? At dahil dyan di mo na ako pwedeng tanggihan. " Inakbayan nya ako at biglang pinisil yung ilong ko.. Di ko alam pero bakit feeling ko ang init ng pisngi ko.. Shocks! Sana hindi ako namumula..
" Teka bakit ka namumula? HAHAHA " Tumingin sya sa paligid at parang may hinahanap. " Bakit andyan ba si Greg? Uyy! kinikilig sya." Haysst! ang manhid talaga neto..
" Sira. Hindi no.." Sa huling pag kakataon inalis ko ulit ang kamay nya.. na naka akbay sa kin.
" Indenial Queen. Tch! " Biglang sumeryoso ang mukha nya.. " Hindi nga... wag ka nga dyan, Bahala ka di kita tutulungan kay Carmina." Akmang aalis na ako. At pumapadyak padyak na parang bata nang bigla nya akong hablutin. At inilapit ang mukha nya sa akin.. Ohh-my-gas! Kunting galaw ko lang. patay kang bata ka.
" Hindi ka pwedeng umalis hanggat hindi mo ako tinutulungan kay Carmina. " Seryosong sabi nya habang naka tingin sya ng diretso sa akin... Juskolord! Napapikit nalang ako nung maramdaman kong papalapit na sya ng palapit sakin
" Oo na! Oo na! Payag na ako.. " Sinabi ko yun ng nakapikit. Im sure tinatawanan na ako netong mokong na to.
" Hahahhaha. Ang cute talaga netong bestfriend ko. " Ginulo nya nanaman yung buhok ko... Haysst! Galawin nyo nang lahat wag lang ang mga buhok ko.
" Sabi na eh... Pinag tatawanan mo ako.. Ayoko na, nagbago na isip ko." Itinulak ko sya para maka daan ako
" Wala na, Pumayag ka na.. Hahahaha. So see you later. Bestfriend. " Ki-niss nya ako sa Forehead.
Ilang minuto na syang umalis pero andito parin ako at parang tangang naka tayo. Feeling ko naka-glue yung mga paa ko kaya di ako maka galaw.
KINIKILIG? Hahahaha. No! Hindi pwede. Wala akong feelings sa kanya...... Uh-m-m. Sige na nga. Oo pero slight lang. hahahaha. at tsaka di pwede bestfriend ko sya. Ayokong masira friendship namin.. Lalo na't may gusto sya sa kaibigan ko. HAYSST! bakit kasi ako pa hiningan nya ng tulong? Well, sa bagay. Bestfriend nga eh. Through thick and thin lang ang peg. Sige na, kahit sobramg manhid nya. Bwiset sya. Tutulungan ko parin sya.
BINABASA MO ANG
Bitching Around
RandomCASTS/ MEMBERS Lana Angelica Delos Santos ( Lauren Dy ) Elaine Marie Cagayat ( Elexa Ricks ) Cristina Cassandra Sison ( Carmina Perez ) Precious Articona ( Pam Rodriguez ) Marie Reyes ( Meg Franco )