Chapter 10

29 0 0
                                    

CARMINA's POV

Haysst. Di ko parin alam kung bakit ko ba ginawa yun.. Naiinis kasi ako. Wait? Naiinis? Edi sana sinipa ko nalang pala sya sa tuhod. O kaya sinapak ko nalang sya.. Eh, bakit ko niyakap? Bakit mo niyakap Carmina? Baliw ka na ba?

Di ako makatulog kanina pa ako paikot ikot sa kama ko. Lahat na ng posisyon ginawa ko pero di parin ako makatukog. Argh! Naiinis talaga ako. Naoasabunot ako sa buhok ko sa sobrang inis. Umupo ako sa gilid ng kama ko, Tapos humiga din ulit. Di talaga ako mapakali. Ipinikit ko na ang mga mata ko at nagtalukbong ng kumot.

Argh! Ayaw talaga..... Kaya imbes na mabaliw ako kakaikot. Lumabas ako ng kwarto ko.. And guess what?

GREAT! just, Great! Kapag sinuswerte ka nga naman. Nakita ko lang naman ang magaling kong ina.

Bumaba ako sa may sala at mas lumapit pa sa kanya

" Oh, Anong ginagawa mo dito? Kailangan mo nanaman ba ng pera? Huhuthutan mo nanaman ba si Dad? Ano? wala ka nabang pambili ng Alak mo? O baka naman lubog ka na sa utang dahil sa kasusugal mo? " * SLAP * Parang tumabingi ang pisngi ko sa lakas ng sampal nya.

" Wow, I missed you too Ma. " Hinimas ko ang mga pisngi ko at tumingin ulit sa kanya

" Ganyan mo ba talaga kausapin ang magulang mo? " Nakatitig lang sya sakin at naluluhang sinabi yan.

" Magulang? I smirked. You stopped being my mom since the day dad left you. "

" Hindi mo ako masisisi Carmina, Sobrang nasaktan ako nun. " Hinawakan nya ang kaliwang kamay ko

" Eh, Ako ba? Tingin mo hindi nasaktan? Naramdaman kong basa na ang mga pisngi ko kaya pinunasan ko kaagad. Ugh, Ayokong nakikita nila akong umiiyak. Tingin mo ba hindi ako nasaktang makitang umiiyak ang nanay ko? Na tuwing gabi nalang ako ang maglilinis ng mga basag na boteng araw araw mong binabasag? Tingin mo ba hindi ako nasaktan ng malaman kong may ibang pamilya si Dad? Tingin mo ba hindi ako nasaktan kapag ako nalang lagi ang sinisisi mo sa pag-iwan sayo ni dad? Tingin mo ba-- Hindi ko na napagpatuloy ang mga sinasabi ko at parang may bumara sa lalamunan ko kaya napa-iyak nalang ako ng sobra.

Tumalikod ako at pinunasan ang mukha ko. Ayokong umiiyak lalo na sa harap nitong babaeng to.
Hindi pwede, Ayoko. Kaya kahit sobrang sakit kapag pinigilan ang iyak. Pilit kong pinigilan..

" Until now Ma, hindi ko parin alam kung bakit ako ang sinisisi mo, Pero I guess wala na akong paki-alam kung ano man ang rason mo. Kaya kung pwede lang, Sana umalis ka na hanggat kaya ko pang magpigil sayo! "

Humarap ako ng bahagya para makita kung umaalis na ba sya.

Umiiyak parin syang nakatungo habang lumalakad palabas. Ugh, Bakit sabay-sabay pa tong mga kamalasan na to..

Pagkalabas nya ay nakasalubong naman nya si Stacey.

" Hi, po " Nag-nod lang si Mama at lumabas din.

" Ate, sino yun? Bakit sya umiiyak ? " Takhang tanong ni Stacey habang ibinababa nya yung mga gamit nya.

" Isa ka pa eh, Gusto mo bang mawala na sa mundong to? Tumahimik ka! At wag na wag mong babanggitin to kay Dad, Wala kang nakita! Maliwanag? " Nag-nod sya at parang natakot. Dapat lang na matakot sya dahil papalayasin ko talaga sya kapag sinabi nya to kay Dad.

" Pero sino nga sya? " Pangungulit nya.

" Sya lang naman ang babaeng sinira ng magaling mong Nanay! " Nanlaki ang mga mata nya.

" Ate? "

" Shocked huh? Well, Kung hindi sana dahil sa nanay mo. Edi sana hindi sya umiiyak ngayon. Got my point my dear Stacey? " Tumakbo sya papunta sa kwarto nya.


Well, I guess ito na ang pinaka-maswerteng araw sa buhay ko. Ano pa bang ine-expect mo Carmina? araw araw namang MISERABLE ang buhay mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bitching AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon