Chapter 8

27 0 0
                                    

JAYE's POV

Nakaupo parin kami ngayon.. Tinititigan ko lang si Carmina habang nakatingin sya sa malayo. Hayst, kahit madilim kitang kita parin ang mapupungay nyang mata, Kahit alam mong malungkot kumikislap-kislap parin ang mga ito.

Kahit sobrang sungit nya di mo aakalaing may pinagdadaanan din pala ito. Ngayon lang ako nag karoon ng chance na titigan sya ng ganto. Ang ganda nya pala talaga.

" Quit staring like that. " Mahinang sabi ni Carmina habang naka tingin parin sa malayo

" Huh? " Maang maangan kong tanong. Tumingin naman sya agad saakin

" I said, Bigla syang tumigil at tumawa ng mahina... Ilang minuto pa naramdaman ko yung kamay nyang hinampas ng mahina ang mukha ko.. Pffft. I said, Stop! " Pakatapos nun ay ngumiti sya ng napaka-lapad

" Awww. Ang harsh mo talaga! "
Pag mamaktol ko

Ngayon ko lang sya nakitang ngumiti ng ganyan. Lalong lumabas yung kagandahan nya.

Sino ba naman ang hindi mahahawa sa ngiti nya?

Sa maikling panahon na yun parang nawala lahat ng problema ko. Haysst. Carmina.. Paano mo nagagawang magpaka-tatag?

Nahuli nya akong pinagmamasdan parin sya.

" Uh-uh! Someone's flirting with me, " Pang-aasar ni Carmina.. Hindi parin nawawala ang mga ngiti sa labi nya.

" How can I not? " Pabulong kong sagot. Hindi nya naman siguro rinig yun

" Well, I guess my job here is done. Can I go home now? " Tumayo sya at nag-ayos ng sarili.

" I can drive you home.. " Pang-aalok ko. Tiningnan nya lang ako

" Thank you but, I can handle myself..... Tumingin sya sa paligid ng parang may hinahanap. There! at tinuro ang isang sasakyan.

" Ahhh, Ok. Thank you for coming. And wasting your time with me. " Bahagya akong tumungo dahil sa sobrang kahihiyan. Nahihiya ako sa kanya, di pa nga kami ganung mag kakilala problema agad nasabi ko sa kanya.

" No, It's fine.. But please next time wag kang manakot? Nagulat ako sa sinabi nya

" Huh? "

" I got scared earlier, Akala ko kung ano ng nangyayari sayo "

" Ah, Sorry. Di ko kasi talaga alam kung anong gagawin ko eh. " Di ko namalayang andito na kami sa tabi ng kotse nya.

" Ok, So I'll go now.. See you tomorrow. Jaye " Binigyan nya ako ng isang napakagandang ngiti.

" Bye, Princess " Isasarado ko na dapat yung pinto ng kotse nya. Nang pigilan nya to.

" Princess? " Nanlaki ang mga mata nya. Kung kanina sobrang nakakabighani sya, ngayon naman nakakatakot sya.

" Uh- D-diba ikaw yung Princess sa story mo? "

" No, Kahit na. Ayoko.. " Pumasok sya sa loob ng sasakyan nya at pinaandar ito. Bago makalayo ay tumigil ito at bumusina sign na nagpapaalam na sya.

Bye, Carmina... Hayyst! Back to hell. Babalik nanaman ako sa bahay..

STACEY's POV.

Naalimpungatan ako dahil sa ingay na narinig ko.

" I'll be there in 10 minutes, Just wait for me. Ok? " Rinig kong sabi ni Ate.

Sino kaya tung kausap nya? Aalis sya?

Pinanood ko lang si Ateng umalis. Ang tigas talaga ng ulo nya... Di na ako natulog at hihintayin ko nalang sya hanggang makauwi sya. Umupo ako sa sala at nanood ng T.V

Crack..

Nagising ako dahil sa tunog ng doorknob. It means andyan na si Ate. Tumayo agad ako at sinalubong sya.

" San ka galing Unnie? " Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Ate sa gulat.

" Holy shhh! ano ba? bakit ka nangugulat?! " Nilagpasan nya lang ako.

" Ate, ano ba? saan ka galing? " Tumigil sya sa paglalakad at humarap sa akin.

" Nanay ba kita? Papalapit nanaman sya sakin kaya umatras ako

Hakbang

Atras

Habang

Atras

Hanggang maka-abot kami sa pader

" Di ba pwedeng kahit ngayon lang patahimikin mo ang buhay ko? di ka pa ba kuntentong miserable na ang buhay ko? "

Di ko alam kung bakit galit na galit sa akin si Ate. Sabi ni Daddy, Kaya kami nagkahiwalay ni Ate dahil nawala daw sya at may nakapulot. Galit ba sya dahil ako nakasama ni Daddy at ni Mama?

" Ate, wala akong ginugulo. It's just that, I just care for you. Concern ako sayo. Kasi ate nga kita. Pero diba dapat ikaw gumawa nun? " Kalmado pero alam kong alam nyang punong puno na ako sa kanya.

" Ate? Di kita kapatid at kahit kailan hinding hindi kita ituturing na kapatid! " Naitulak ko sya ng mahina sa sobrang pag kapuno ko.

" Bakit? Dahil ako ang nakasama ni Daddy? at ng Mama natin? " Nagulat naman sya at tumawa

" Mama natin? Pftt. Nakasama ni Daddy? "

" Oo diba nawala ka noon. Sabi ni Daddy at may nakapulot sayong iba? " Nagugulihan narin ako

" Well, I guess all this time wala kang alam? *CLAP.CLAP.CLAP* Pumalakpak sya habang naglalakad while shaking her head.

" Bravo, Ang galing talagang gumawa ng story ni Dad. Right? "

" Anong ibig mong sabihin " Sinundan ko sya ng tingin

" For your information. My dear sister.. Di ako nawala.. Di rin nahiwalay sakin si Daddy. In fact isang tawag ko lang ng Daddy andyan na sya. Umupo si Ate sa couch habang tinutuloy ang kanyang kwento. Baka kamag-anak lang talaga ni Dad si Clark Kent at kaya nyang pag- sabayin ang dalawang pamilya. Hindi ako makapaniwala. Pero di ko parin maintindihan ang pinaparating nya.

Tumayo ako malapit sa kanya at tahimik na nakikinig

" Your mom was a mistress " Hindi. Hindi. Hindi yun totoo. Hindi kayang gawin ni Mama yun.

" No, Ate. Hindi kayang gawin ni Mama yun? "

Tumayo sya at lumapit nanaman sakin

" Talaga? Eh, kung di nya kaya bakit ka nandito? Bakit nasira ang pamilya ko? Bakit nagdudusa ako? Bakit? * SLAP * naramdaman ko nalang ang pag-iinit ng mukha ko. Dahil sa pag sampal nya.

Napaupo ako at di napigilang di mapaiyak.

" Now, I know.. Mahina kong sabi. Habang nakatungo at nakatingin ng diretso sa sahig.

" Ngayon alam ko na... Kung bakit galit na galit ka.*Sob* Pero don't you ever think na wala naman akong kasalanan? *Sob* Na biktima rin ako? "

" NO. " diretsong sagot nya. Lumakad sya papunta sa kwarto nya habang ako naiwang nag-iisa sa sala.

All this time. Lumaki ako sa mga kasinungalin ni Dad at ni Mama. Akala ko galit si Mama sa mga Mistresses dahil kahit sya nasira ang pamilya nya dahil sa kabit ni Lolo. Sabi nya gagawa sya ng isang buong pamilya. Di ko alam na yung pamilyang sinasabi nya ay nabuo dahil sa isang kasalanan. Ngayon alam ko na.. Di ko masisisi si Ate. Kahit ako ang nasa pusisyon nya. Magagalit din ako ng sobra.

Bitching AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon