JAYE's POV
Nandito ako ngayon sa may tapat ng gate ng school hinhintay ko kasi si Carmina. Nang aksidenteng may naka-bangga ako.
" Aww, Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? " Sabay kamot nya sa noo nya.
Kumalat ang mga gamit nya sa sahig
" Ay... sorry Miss, Di ko napansin. Tulungan na kita dyan "" Wag na, di na kailangan. Ok na, Ok na ako. " Tumayo na sya pati narin ako.
Matangkad, Mahaba ang buhok may kapayatan at may matabang pisngi. Simpleng pomorma pero may dating.
" Jaye nga pala " Sabay abot ko ng kamay ko.
" Girl! Halika na... " Napalingon naman kami sa pag sigaw ng isang babae. Siguro kasama nya " Sorry, but I have to go. Nice meeting you Jaye " Nakipag-shakehands pa sya bago umalis.
Lumakad ako hanggang sa makarating ako sa tapat ng room namin nang makita ko si Carmina.
" Hey! Carmina! " Napatigil naman sya at lumingon sa akin. Pero umirap lang sya at lumakad ulit
Hinabol ko sya. Sa wakas naabutan ko rin sya. Hingal na hingal ko syang kinausap
" Hey, Ang suplada mo naman " Kumapit ako sa balikat nya para kahit papaano maka dantay ako.
" Pwede ba, Kung hihinga ka lang naman, She paused at Naliit ang mga matang sinabi sakin. wag ganyan muka kang aso " Tinanggal nya naman yung kamay ko at umirap ulit.
" Bakit ba ang ang sungit mo? " I pinched her nose at namula naman ito ng sobra
" Awww. Sabay hapas nya sa kanang braso ko. Bakit kasi ang pangit mo. Tse! dyan ka na nga. Doon ka nalang pala sa hipon na yun. " What? sinong hipon? sa pagkakaalam ko wala naman akong iba kanina. Bukod dun sa- Ahhh. Alam ko na.
" Sinong hipon. " Maang-maangan kong tanong sa kanya. Nakikita ko ngayon kung pano ma-mula ang kanyang ilong sa galit.
" Yung nasa gate kanina. tse! " Paalis na sana sya ng hablutin ko ang braso nya.
" Wait lang- Nagseselos ka ba? " Inilapit ko ang mga mukha ko sa kanya para mas matingnan ang kanyang mga mata ng diretso.
" A-ko?! Magseselos? Tumingin sya sa paligid at nakitang marami ang nakatingin samin. Pero ibinalik nya ang tingin nya sakin at pinandilatan ako ng mata. No freaking way, Mr.Jaye.. Pabulong pero nakakatakot nyang sabi. At pwedeng tumabi ka at baka gusto mong itulak kita.. Tinabig nya ang kamay ko at marahas na umalis sa harap ko. Tabi! " Sigaw nya sa mga estudyanteng kanina pa nanonood samin.
" Ano bang problema nun? " Napakamot nalang ako sa batok. Mababaliw ako kakaisip kung ano bang nangyari sa babaeng yun.
Lunch na hindi ko parin nakikita si Carmina. Asan na kaya yun?
Pumunta ako ng Cafeteria para doon sya hanapin.. inilibot ko ang mga mata ko sa buong cafeteria pero wala talaga sya. Nagugutom na ako bahala sya mamaya ko na ulit sya hahanapin.
umorder ako ng pagkain ko at sinimulang humanap ng uupuan.Hayyst! Kapag minamalas ka ba naman.. Wala akong makitang bakanteng upuan. Lumakad ako ng kaunti at nakita ko ulit yung babaeng naka-bangga ko kanina.. Maglalakas loob na ako. Lumapit ako sa table nila.
" U-hm. Miss, Pwede bang makiupo? " Napakamot ako sa batok sa kahihiyan.
" O, jaye! Sige upo ka. " Pinaisod nya yung kasama nya at pinatabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bitching Around
RandomCASTS/ MEMBERS Lana Angelica Delos Santos ( Lauren Dy ) Elaine Marie Cagayat ( Elexa Ricks ) Cristina Cassandra Sison ( Carmina Perez ) Precious Articona ( Pam Rodriguez ) Marie Reyes ( Meg Franco )