Simula

90 2 1
                                    

"I didn't choose you. I just took one look at you, and then-there was just no turning back."


Panay ang tingin ko sa relo ko. Kanina pa text ng text sa akin ang best friend kong si Sofie. Kagagaling lang namin sa family outing at agad akong tinawagan ng kaibigan ko na kailangan nya ng tulong ko para sa basketball event na hinahandle nya ngayon.

"Olivia, please help me naman ohh! nakulang kasi kami ng management para sa tournament, kung pwede sana ikaw na lang. Total may alam ka naman sa basketball." boses ni Sofie sa kabilang linya ng telepono.

Matatanggihan ko ba ang kaibigan ko, syempre naman hindi. Nagpalit lang ako ng damit saglit at agad na akong nagtungo sa school. Ayaw pa sana akong payagan ni papa kaso dahil si Sofie naman, ay pinagbigyan nya ako.

Pinapasok na agad ako ng guard kahit na sabado ngayon, alam nya siguro na sa gym ako ng school tutungo kung saan ang basketball tournament.

Wala pa masyadong tao roon. 30 minutes pa naman bago mag-umpisa ang laro. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid para hanapin si Sofie, at nandoon nga sya sa isang gilid kasama ata ang mga kasamahan nya sa committee.

"Sofie!" tawag ko sa kanya ng makalapit ako.

"Olive, thanks God you're here!." niyakap nya talaga ako. "Pasensya kana sa abala ha, ngayon lang naman 'to besh.

Pinaupo nya ako sa bakanteng upuan don. "So..., Anu ba ang gagawin ko?"

"Magsoscore ka lang naman besh, isulat mo lang ang score nila dito sa scoring sheet." Paliwanag nya.

Hindi na ako nahirapan pa, dahil nagawa ko na ito noon pag may lega sa Barangay namin. Maayos namang natapos ang laro at panalo syempre ang nasa College of Business Administration. Halos lahat ng varsity player nasa kanilang Department. Kahit friendly game lang ito e siniseryoso pa rin nila.

Tumulong na lang ako sa pagliligpit ng mga gamit para sabay na lang kaming umuwi ni Sofie, nandon pa sya at nakikipag-usap pa sa ibang mga players. Medyo kilala rin si Sofie dito sa University, isa kasi sya sa mga officers ng school.

Inisa-isa kong niligpit ang mga upuang nagamit hanggang sa maging 3 tangkas, kakargahin ko sana para ibalik sa pinaglalagyan nito pero masyadong mabigat. Susubukan ko pa sanang buhatin ulit pero may mga kamay ng umagaw nito.

"Ako na ma'am." Inagaw ng isang matangkad na lalaki sa akin ang mga upuan at binuhat ito na parang wala lang at agad ng tumalikod.

"Sandali!...Wait!" sigaw ko.

Napaharap sya sa akin. "hmm..yes?"

Napanganga ako. Sya..sya yong star player kanina. Ang sikat na player ng Business Ad. "Tulungan na kita." sabi ko at bahagyang lumapit sa kanya.

"Kaya ko na 'to. Ligpitin mo na lang ang ibang gamit dyan." saad nya at tumilikod ulit sa akin.

Palagi ko syang nakikita noon pang freshmen ako hanggang ngayong third year na kami. Kilala sya simula pa noon at mas sumikat pa nang naging varsity player. Hindi ko alam na mas gwapo pala sya pag mas malapitan. Mabuti na lang pala at pumayag akong maging isa sa basketball management.

" Oi! anung tinatawa-tawa mo dyan, para kang sira." nagpipigil ng tawa na sabi ni Sofie sa akin. Nasa taxi na kaming dalawa ngayon at pauwi na.

"Wala." ang totoo naiisip ko yong mukha ng lalaki kanina.

"Asus! Naku, Olivia alam ko pag ganyan kinikilig ka." nakangiti na nyang sabi. "Sino? isa sa mga players? Naku po lahat naman sila ang gagwapo." Tumili pa sya sa huling salitang sanabi.

I Still Love Loving You (Ford Michael Pineda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon