Kabanata 1

44 2 2
                                    

"I knew the first time we met, you'd be kinda hard to forget."

"Talaga!, pinsan pala ni Sandro si Ford? Sabi ni Sofie. Nasa kwarto ko sya ngayon. Nanood kami ng movie. Mag sisleep over sya ngayon dito sa bahay.

Tumango ako habang kumakain ng potato chips.

"Pareho naman silang gwapo, pero iba ang appeal ng Pinedang yon. Marami ang nagkakandarapa don alam mo ba? Kaso may girlfriend na yon."

"M-may girlfriend na sya?" natigil ako sa pagnguya. Bakit hindi ko naisip agad yon. Sa itsura nyang yon hindi posible na may girlfriend nga sya.

"Oh! Nabigla ka ata?" sumingkit ang mga mata nya at kumunot ang noo nya.

"Ba't ganyan ka makatingin?" umiwas ako ng tingin sa kanya at sumubo ulit ng chips.

"Hmmmm.. May gusto ka ba kay Ford?" ganon pa rin ang itsura nya.

"Ha, ako? Ahahaha wala no. Bakit naman ako magkakagusto doon?"

"Hmmm tumatanggi. Sya ba yong kinikiligan mo noong isang araw na basketball player ha?"

"No way Sofie." Tumayo ako at kinuha ang isang baso ng tubig sa side table ko.

"Alam mo Olive magkagusto ka sa lahat wag lang kay Ford. Playboy yon."

"Sofie, wala nga akong gusto sa kanya. H-humahanga lang." Tinutop ko ang bibig ko.

"Asus! 'Ala na inamin mo na agad."

"Crush lang Sofie.. crush lang. Iba naman yung iniisip mo." Umupo ulit ako sa tabi nya.

"Mabuti naman kung ganon." Binaling nya na atensyon nya sa pinanunuod namin. Minsan may pagkamakulit din 'tong si Sofie lalo pa paglove life ang pag-uusapan, pareho naman kaming walang boyfriend.


"Kumain kana?" Nakaupo ako sa may bakanteng mesa sa field ng school kung saan matatanaw mo ang mga estudyante na ang iba ay naglalaro ng soccer, ang iba nagdadate sa damuhan, ang iba nagpipicnic kasama ang kanilang mga barkada.

Tumabi si Sandro sa akin. Iwan ko kung asan sya ng galing.

"Hindi pa. Tinatapos ko pa itong assignment ko." sabi ko at pinagpatuloy ang pagsusulat ko.

"Tamang-tama may dala akong pagkain dito." itinabi nya sa akin ang isang supot na may lamang styro.

Kahit alam ni Sandro na wala syang pag-asa sa akin , napakabait pa rin nya at palagi nya akong inaalala.

"Salamat Sandro but you don't have to do this." tiningnan ko sya ng mariin.

"Pagkain lang naman yan Olive. Take it please.." seryoso rin nya akong tinitigan.

Umiwas ako ng tingin ngunit hinawakan nya ang baba ko at ibinalik ulit sa kanya ang tingin ko. "You know how much I like you Olivia. Pinipigilan ko lang itong nararamdaman ko dahil iyon ang gusto mo."

Napakavocal ni Sandro sa nararamdaman nya sa akin. Sana nga lang may maramdaman rin ako.

"I' m sorry Sandro." may halong awa at panghihinayang ang nararamdan ko sa kanya. Kung sana ay gusto ko rin sya pabalik, perpektong boyfriend sana sya.

Ngumiti sya sa akin pero nakikita ko sa mga mata nya na nasasaktan sya. "Kumain ka na." bumaling sya sa pagkaing dala nya at binuksan ito para sa akin.

Hinawakan ko ang braso nya at inilagay ko ang ulo ko sa balikat nya. Alam ko nagulat sya sa ginawa ko. "Ayaw kong saktan ka Sandro. Kaibigan kita. Makakahanap ka rin ng tamang babae para sa iyo."

I Still Love Loving You (Ford Michael Pineda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon