"I choose you. And I'll choose you, over and over and over. Without pause, without a doubt, in a heartbeat. I'll keep choosing you."
Akala ko magagalit sina mama at papa dahil gabi na nang makauwi ako. Hindi ko alam tinawagan na pala sila ni Ford. Inihatid nya ako sa bahay at nagpaalam din naman kaagad.
Nakatunghay lang ako sa kisami ng kwarto ko, nakahiga ako sa kama ko at ayaw akong dalawin ng antok. Naiisip ko ang mga nangyari sa amin kanina ni Ford. Malapit na akong bumigay kanina. Napakagat labi ako. Masyado akong nadadala sa emosyon ko kay Ford and worst di ko mapigilan. Wala pang kami kaya dapat hindi nangyari ang mga nangyari kanina.
Pasado ala una na ng makatulog ako kagabi kaya napuyat ako kinaumagahan. Nabigla ako sa huni ng alarm clock ko at sa boses ni mama.
"Olivia, gising kana ba?" sigaw ni mama sa pinto ko. "Kanina pa si Ford sa baba, hinihintay ka."
Napabalikwas ako at napabangon bigla."Anong ginagawa nya rito?" naku parang nahihilo pa ako.
"Diba may klase kayo? Okay na naman ang panahon. ''H'wag mong sabihin na ngayon ka hindi papasok?"
"Sige.. Sige 'ho, maliligo lang ako."tinakbo ko ang banyo ko at dali-daling naligo. Minadali ko na rin ang pagbihis.
"Oh.. Ayan na si Olivia." ani ni papa ng makalapit ako sa kanila. Nasa hapag sila at nag-aalmusal.
"Magandang umaga po." sabi ko at umupo sa upuan ko. Nadako ang tingin ko kay Ford na sumusubo ng bacon. Dito ba sya nag-almusal?
"Good Morning." sabi nya at kinindatan ako. Inabutan nya ako nang itlog.
Hindi ba sya nahihiya kina mama at papa. Parang mas bahay nya pa ito kesa sa akin. "Salamat."
"Bilisan mo Olivia, mamaya malate pa kayo ni Ford." si mama.
"Okay lang tita. May forty minutes pa naman. Hindi pa kami mahuhuli."
"Salamat sa pagsundo kay Olivia, Ford." nakangiti si mama sa kanya.
"No problem tita." ang close na nila at mukhang sanay na sanay na ang kumag.
Tumingin sya sa akin at inirapan ko sya.
Mabilis lang kaming kumain. Nagpaalam na kami kina mama at papa. Mukhang natutuwa talaga ang parents ko sa kanya.
"Mabuti at naayos na ang motor mo." nasa labas na kami ng bahay.
"Oo naman, naflat lang naman ang gulong 'non." inaayos nya ang helmet sa ulo ko. Naamoy ko ang pabango nya. Sarap nyang yakapin.
"Hindi mo naman kailangang sunduin ako Ford." bumababa ang tingin nya sa akin.
"Bakit hindi? Nanliligaw ako, natural na susundiin kita dahil sinusuyo kita."
Napangiti ako. Kinilig akong bigla.
"What's for that smile?" humalukipkip sya.
"Nothing." pinipigilan ko ang pagngiti ko. Kinagat ko ang labi ko.
"I think I need to do something about that." walang sabi-sabing hinalikan nya ako pero saglit lang iyon.
Hinampas ko sya, napalingon tuloy ako sa bahay. Baka nakita iyon ng mga magulang ko. Patay ako.
Sya naman ngayon ang ngumingisi at ako naman nakasimangot na hinarap sya.
Sakay na naman ako ng Ducati motor bike nya. Nasasanay na rin ako sa pagsakay sa motor nya. Ngayon ko lang na realize mas masarap sumakay sa motor kesa sa kotse. Nagiging komportable na rin ako sa pagyakap sa bewang nya. I think, my feeling towards this man go deeper and deeper, and I declare it myself. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat nya. Parang ayaw ko ng makarating kami agad sa school, sana ganito na lang kami.

BINABASA MO ANG
I Still Love Loving You (Ford Michael Pineda)
RomanceIsang inosenting babae si Olivia pagdating sa pagmamahal. Kahit na maraming nagkakagusto sa kanya ay binabaliwala nya lamang ito hanggang sa dumating sa buhay nya ang isang lalaking magpapa-ibig ng husto sa kanya. Makikilala nya ang isang Ford Mic...