Kabanata 10

34 2 0
                                    

"I need someone who will actually stay by my side, No matter what mood I'm in."

Umalis ako ng court pagkatapos kong makita si Ford kasama si Stephanie. Alam kong magkakilala na sila noon pa man bago kami nagkakilala ni Ford,  kahit may kirot akong naramdaman kanina nang makita ko sila gusto kong isipin na natural lamang iyon sa kanila katulad namin ni Sandro noon.

Inabala ko na lamang ang sarili ko sa paggawa ng mga assignments ko,  para makalimutan ang mga sinabi sa akin ni Stephanie kanina.  Ayaw kong magalit agad lalo na alam kong wala akong basihan. I should trust Ford more than anyone.

Nasa garden ako at kaharap ko ang laptop ko.  Mas gusto kong dito na lang mag-aral,  presko ang hangin at tahimik.  Iniwan ko ang cellphone ko sa kwarto para hindi ako maistorbo.

"Olivia,  Nandyan si Ford sa loob. Sinabi kong nag-aaral ka at ayaw paestorbo.  Papupuntahin ko ba sya dito?" si mama. 

Nilapag nya ang  juice na nirequest ko sa kanya kanina.

Tamango ako bilang tugon.

Umalis si mama at maya-maya naramdaman ko ang mga yapak sa likuran ko.  Nagulat ako ng hinalikan nya ako sa pisngi kahit nasa likuran ko pa lang sya. Napapikit ako sa ginawa nya. "I miss my Olivia." bulong nya.

Nilingon ko sya,  sinalubong ako ng mga malalalim nyang mga matang mukhang pagod. "How are you?" tanging nasambit ko.  Nakalimutan ko na ang mga pinag-aalala ko kanina.

"I'm fine now that I'm with you." hinalikan nya pa ako ng isa pa. Iniwas ko ang mukha ko.  "Ford baka makita tayo ni mama at papa."

Ngumiti sya.  "I just miss you,  damn much my love."

Nag-ayos sya ng tayo at umupo sa silyang nasa harap ko. "You're busy?" Tinukod nya ang mga kamay nya sa tuhod nya at pinagsiklop nya ang kanyang mga daliri tsaka sumulyap sa laptop ko.

"Yeah,  I do some assignments." pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.

"Pumunta ka kanina sa court?" walang anumang saad nya.

Paano nya nalamang nandon ako, sinabi siguro ni Stephanie sa kanya.

"Oo." Tiningnan ko sya ng saglit at binawi naman agad. "Hindi rin naman ako nagtagal,  sinilip lang kita."

"Sana nilapitan mo ako,  mas naging ganado sana ako dahil nandoon ka."

Tss.. Mukhang di mo nga ako kailangan kanina at kasama mo naman yong Stephanie na 'yon. Gusto ko sanang isatinig sa kanya. "Ayaw ko,  baka madistract ka lang total marami namang magchecheer sayo 'don. Nagmadali rin akong umuwi dahil nga bukas na ang deadline nitong mga ginagawa ko."

Inusog nya ang kanyang upuan sa gilid ko. "Ano ba yan?" tinagilid nya ang laptop sa dereksyon nya.

"Gumagawa ako ng exam ng mga estudyante sa assessment subject ko."

"Hmmm." tamango-tango sya. "If you let me help you matatapos kaagad 'to in a less than an hour." Nilagay nya ang kamay nya sa balikat ko.  Inaakbayan nya na ako. "Then give me the rest of your time 'coz I think you have something to tell me."Masyadong malapit ang mukha nya sa akin.

Nagkibit balikat ako. "Okay then."

Tinulungan ako sa pag eencode ni Ford at madalas sya rin ang nag-iisip ng mga questions para sa Test Exam na ginagawa ko. Natapos namin ito in thirty minutes.

Huminga sya ng malalim ng matapos ito. Pinisil nya ang tungki ng ilong nya at pinikit nya ang mga mata nya. Bigla naman ako nakadama ng awa sa kanya.  Tiningnan ko sya ng mariin.

I Still Love Loving You (Ford Michael Pineda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon