"I will always remember the way you looked at me after our first kiss."
Kahit busog pa ako ay napilitan akong kumain. Sumunod na lang ako sa gusto ni Ford. Hindi na rin kami bumalik pa ng school. Ihatid nya na agad ako sa bahay pagkatapos namin sa restaurant. Maayos naman syang kasama. Atleast na tapos na. .hindi nya naman siguro ako kukulitin pa.
Last day na ng intramurals. Pagkarating ko sa school tinanong agad ako ni Sofie nang magkita kami sa field kung bakit hindi nya ako nakita kagabi.
"Sumakit kasi ang tyan ko, kaya umuwi agad ako Sofie." sabi ko sa kanya. Ayaw kong malaman nya na si Ford ang kasama ko.
Nagkita daw sila ni Bernadette, kaya nalaman nyang nasa school ako kagabi. Mabuti na lang walang may nakakita na umalis kaming magkasama ni Ford.
"Sayang at hindi mo napanood ang sponge cola." ani nito.
"May susunod pa naman ei."
"Pero mas nakakapanghinayang dahil na miss mo ang performance ng grupo ni Sandro kagabi." kumikinang ang mga mata nya habang sinasabi ito. "Nagbabanda pala sya? At shit! Ang galing nyang kumanta. Sila ang nanalo. Ang galing nila alam mo ba Olivia.."
Hindi ko alam iyon. Kaya pala hindi ko sya nakikita nitong nakaraan.
"Speaking of Sandro, he's coming." tinuro ni Sofie ang paparating na si Sandro.
"Hi!" isang malapad na ngiti ang sinalubong nya sa amin.
"Wow. Iba ang dating ha. Sikat na." panunukso ni Sofie sa kanya.
"Sus. Hindi naman." Tumawa ito."Ang yabang." si Sofie.
"Kamusta Olive? Nanood ka ba kagabi? Binalingan nya ako.
"Hindi e. Balita ko nanalo kayo?" Kung alam ko lang na sasali pala si Sandro sana di ako sumama kay Ford but then iba pa rin yong nangyari kagabi at ayaw kong malaman nila iyon. "At kelan kapa natutong magbanda ha?"
Inakbayan nya ako. "Hidden talent Olive."
"Oi! Tsansing kana masyado kay Olivia.!" singit ni Sofie.
Tumawa lang si Sandro.
Sabay kaming tatlo buong maghapon. Naging magkaibigan na rin sina Sofie at Sandro dahil sa akin simula noong umaaligid sa akin si Sandro. Kaya heto ang labas ei naging matalik kaming magkaibigang tatlo.
Nalibot na naming lahat ang school ay wala akong Ford na nakita. Umaasa akong makikita ko sya pero natapos ang maghapon ni anino nya Hindi nagpakita, kahit sa awarding ng basketball nila ay hindi sya pumunta. Ano kayang nangyari 'don?
Iniisip ko pa rin sya. I know there is something in him that part of me gets trembled everytime we get in countered. Natatakot ako sa Ford Michael Pineda na yon, dahil baka pag pinagpatuloy nya ang kung ano mang-ipinapakita nya ngayon sa akin ay ako mismo ang huhulog ng sarili ko sa bangin.
Maaga akong umuwi ng bahay. Walang tao sa sala namin ng makapasok ako. Nasaan si mama at papa? 5:00 pm na. Siguradong nakauwi na si papa galing opisina.
Nilapag ko ang sling bag ko sa sofa nang saktong pumasok si mama galing garden sa likuran.
"Hi! Ma, akala ko wala kayo. Ang tahimik kasi.""Mabuti at dumating kana, kanina pa ang bisita mo rito, kakahintay sayo." bisita? Wala naman akong inaasahan na bisita. Napakunot ang noo ko.
"Puntahan mo doon sa garden, kasama nya ang papa mo. Mag-hahanda lang ako ng meryenda."
Dali-dali akong pumunta sa garden. Nakita ko agad si papa na tumatawa kasama ng lalaki. Hindi ko makita ang mukha ng lalaki dahil nakatalikod ito sa akin. Nakaupo sila sa garden table namin.
BINABASA MO ANG
I Still Love Loving You (Ford Michael Pineda)
RomanceIsang inosenting babae si Olivia pagdating sa pagmamahal. Kahit na maraming nagkakagusto sa kanya ay binabaliwala nya lamang ito hanggang sa dumating sa buhay nya ang isang lalaking magpapa-ibig ng husto sa kanya. Makikilala nya ang isang Ford Mic...