Kabanata 11

83 0 0
                                    

"I don't want anyone else to have your heart, kiss your lips, or be in your arms because that's only my place."

Ang akala ko ay sa bahay ako dadalhin ni Ford, pero napagtanto ko na patungo kami sa Condo nya. Hindi pa sya nakapagbihis at naka jersey pa sya na sinuotan nya lang ng jacket.

"Akala ko ba uuwi tayo?" tanong ko habang paakyat kami sa palapag ng unit nya. Naramdaman ko ang kamay nya sa bewang ko, hinapit nya ako papalapit sa kanya.

"Uuwi nga." pabalik-balik ang kamay nya pataas pababa sa bewang ko tila hinahaplos nya ito at dahil 'don milyon-milyong boltahe na naman ang nararamdaman ko sa pagkakahaplos nya.  "Dito sa bahay ko."

Bigla kong naalala ang nangyari noong huling punta ko rito.  Namula ang mukha ko ng maalala iyon. Napansin siguro ito ni Ford kaya medyo napangiti sya. "I have promised to have a quality time with you,  di lang ako makapaghintay kaya dinala kita dito,  nang masolo naman kita."

"Hindi kaya magalit yong mga taong iniwan mo 'don?" tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami.

Hindi pa man sya nakasagot sa akin ay tumunog na ang kanyang cellphone.  Sinagot nya ito habang papasok kami sa unit nya.  "Susunod na lang ako mamaya." 

Umupo kaagad ako sa sofa nya. Habang sya nakatayo at nakapamewang.

"Oo. mabuti at nandyan si Tobias, kayo na muna dyan.  Sige.. Sige.  Bye." binaba nya ang cellphone at tinapon si mesang nasa harap nya.

"What do you want to eat,  my love? Tinabihan nya ako at hinubad ang jacket nya. Nalantad tuloy ang muscle nya.

"Kahit ano." nagkibit ako ng balikat. "Gusto mo ako na ang magluto?"

"I think that's a good idea." malagkit nya akong tinitigan and then he kiss me gently. Hindi ko ito first time pero nakakaadik ang bawat halik nya mas lalo pa ng hinawakan nya ako sa batok at mas idiin ang labi ko sa kanya.

"Shit! I miss you." sabi nya sa gitna ng halikan namin.  Kinagat nya ang ilalim ng labi ko bago ito bumitaw. "Magbibihis lang ako."

"Hmmm.. Sa tingin ko kailangan ko ng pumunta sa kusina." inayos ko ang sarili ko at tumayo.  That was mind blowing kiss and it makes me terribly crazy.

Habang nasa harapan ako ng ref at nag-iisip ng lulutuin nakita kong pumasok si Ford sa kwarto nya.  Magpapalit siguro,  mas mabuti na 'don muna sya dahil baka hindi ako makapagluto ng maayos hindi pa naman ako expert sa gawaing kusina.

May nakita akong chicken breast na naroon.  Mag-aadobo na lang siguro ako natatandaan ko pa naman yong tinuro ni mama  kung paano ito lutuin.  Sana lang magustuhan ni Ford ang magiging lasa.

Hinugasan ko muna ang manok tsaka naghiwa ng mga sahog nito. Paano kaya kung maging mag-asawa kami ni Ford,  ang sarap ng feeling pag ganong ipagluluto mo ang taong mahal mo. Napapangiti ako sa pag-iisip.

Bubuksan ko na sana ang stove ngunit napatalon ako nang biglang may kamay na humaplos sa kamay ko.

Nagulat ako sa ginawa ni Ford. Nilagay nya ang kamay ko sa gilid at niyakap nya ako patalikod.  Pinatong nya ang baba nya sa balikat ko. Naamoy ko ang aftershave nya at nakakawala na naman sa sarili. Kahit nakatalikod ako alam kong nakasuot lang sya ng robe.

"Ford,  nagluluto ako."  hindi pa ako nag-uumpisa pero baka hindi ko na matapos itong ginagawa ko.

Iniharap nya ako sa kanya.  Pinalandas nya ang diliri nya sa mukha ko hanggang sa makarating sa labi ko. Maingat nya itong panasadahan ng haplos. Dinama ko ito ng husto at napapapakit ako sa ginagawa nya."My heart is pounding, eagerly to take you." Bulong nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Still Love Loving You (Ford Michael Pineda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon