Kabanata 7

43 3 2
                                    

"My thoughts are free to go anywhere, but it's surprisingly how often they head in your direction"

Isang itim na SUV ang sumundo sa aming dalawa ni Ford. Ilang minuto rin kaming naghintay bago dumating yong tinawagan nya kanina.

"Sir, Saan po tayo?" tanong ng driver nya na Gerald ata ang pangalan.

"Sa Reyes Subdivision tayo." tinutukoy nya ang address ng bahay namin . Magkahawak ang kamay namin ni Ford. Nasa back set kami kaya hindi ito nakikita ng driver. Simula kaninang pumasok kami sa sasakyan ay hindi nya na binitawan ang kamay ko. Nahihiya tuloy ako dahil nakikita ko nang bumabakat ang bra ko dahil hindi naman makapal ang soot kung damit. Buti na lang at nasa akin pa rin ang jacket nya at medyo hindi nila nahahalata na hindi ako komportable.

"Baha na po ang daan papuntang Reyes, Sir. Baka hindi tayo makaalis pagpinilit nating pumunta doon."

Tamango-tango si Ford.

"Wala na bang ibang daan?" ani ko. Mag-aalala sina mama pag hindi ako nakauwi, at si papa kaya, baka na stranded din sa daan?

"Wala na ho Miss."

Binalingan ko si Ford. "Paano na yan?"

"Sa Condo ko na lang e diretso, Gerald." utos nya.

Tumingin sya sa akin at hinila ang suot kong jacket papunta sa dibdib ko. Napatalon naman ako sa ginawa nya. "Anong ginagawa mo?"

"Takpan mo ng maayos yang dibdib mo. Don't temp me here at baka hindi ako makapagpigil at pababain ko si Gerald dito ng wala sa oras." kagat labi syang nakangisi na parang may maitim na balak.

"Ang bastos mo." Binitawan ko ang kamay nya at tinakpan ng maayos ang sarili ko. Bakit pa kasi ako bumaba kanina para samahan sya. Kung sana ay nakauwi na ako. Tinawanan nya lang ang naging reaksyon ko. Tiningnan ko naman si Gerald at mukhang wala namang pakialam.

Medyo gumagabi na. Sa isang magarang building kami binaba ng driver. Sinabihan na lang ni Ford ang driver na balikan kami pag medyo okay na ang panahon. Habang umaakyat kami ng tenth floor , hindi ko maiwasang magtanong. "'San pupunta yong driver mo kanina, hindi ba sya dito nakatira?"

"Hindi. Mag-isa lang akong nakatira dito. Uuwi sya sa bahay ng dad ko." Nang dad nya? Edi bahay nya rin yon.

"Ah , ganon ba?" Hindi na ako masyado nagtanong pa. Maya-maya ay bumakas na ang elevator.

Nasa bandang dulo ang unit ni Ford. Isang card ang eniswipe nya roon at agad na unlock ang pinto. Pinihit nya ito upang makapasok kami. Isang malapad na sala ang bumungad sa amin. Pinaghalong kulay grey at puti ang kulay ng sofa, dingding at mga decorasyon na nandoon.

"Feel at home." ani nito.

Mas napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig ng aircon sa buong unit.

"Tara doon tayo." sumunod ako sa kanya. Binuksan nya ang isa pang pinto na naroon. Sa tingin ko'y kwarto nya ito. Anong gagawin namin dito?

Hindi ako humakbang para pumasok. "Dito na lang ako sa labas Ford."

"Pumasok ka na. Hindi naman kita aanuhin." nakasilip lang ako sa kanya. Nakikita kong nagpipigil lang sya tawa. "Hali kana rito, may extrang damit dito. Pero kung gusto mo yakapin na lang kita ulit para hindi ka lamigin."

Bakit pwede ba Ford? Mas gusto ko 'yon. Naku naman Olivia. Tumalikod sya sa akin. Nakikita kong naghubad sya ng t'shirt. OMG... Nag-iwas ako ng tingin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Likod pa lang ang nakita ko pero parang nag papalpitate na ako.

Bago sya pumasok sa may pinto na sa tingin ko'y banyo nya ay bumaling sya ulit sa akin. "Nandyan ang mga damit ko sa closet. Feel free na kumuha ng malalaking t'shirt dyan." pagkasabi niyon ay tuluyan na syang pumasok.

I Still Love Loving You (Ford Michael Pineda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon