"That person who enters your life out of nowhere, and suddenly means the world to you"
"Olive, halika dito dali." sigaw ng mga classmate ko.
Punung-puno ang gym sa sigawan ng mga tao. Nasa bandang itaas kami nakapwesto ng mga kaklase ko. Opening ng intramurals namin at magsisimula na ang competition sa cheerdancing at epipresent ang basketball team ng bawat colleges na maglalaban. Bawat isa may kanya-kanyang mga supporters na hindi nagkukumayaw sa pag checheer.
Lumapit ako sa mga kaklase ko at maganda nga ang pwestong nahanap nila. Kitang-kita ang lahat ng mga magpeperform.
"Ohh..diba maganda dito?" excited na sabi ni Bernadette isa sa mga kaklase ko.
"Teka..ayon si Ford Pineda!" Halos mabingi ako sa sigaw nila. Tinuro nila ang direksyon ni Ford.
Napatingin din ako sa kinaroroonan nya. Nakaupo sya sa bleachers at kagat-kagat nya ang towel na nakasablay sa balikat nya. Ibang klase talaga sya, kahit anong anggulo o position ang gawin nya bakit ang gwapo nya pa rin. Mas lalo pa nagsitilian ang mga estudyante ng tinawag na ang College of Business. Kahit ibang Colleges nag checheer sa team nila..hay..
Bukas pa magsastart ang laro, kaya nasa bleachers lang muna ang mga players. Mahigpit ang labanan sa cheer dance pa lang at hindi rin magpapatalo syempre ang College of Education. Nakikisabay na rin ako sa sigawan. "Go Education Go!!"
Minsan napapatingin si Ford banda sa amin. Mukhang kaming grupo dito sa taas ang pinakamaingay. Okay lang di nya naman ako makikita sa dami ng estudyante.
Halos mapaos kami sa kakacheer, pero okay lang dahil kami naman ang nagchampion. Nagkayayaan kami ng mga kaklase kong magmeryenda muna sa canteen. Mukhang napagod rin sila.
"Naku! wala akong ibang panunoorin bukas kundi basketball." sabi ni Daisy na sumipsip sa straw ng softdrinks nya.
"Alam nyo kayo, hindi kayo supportive sa Team natin." saad ko.
"Supportive kaya kami, sa basketball lang naman hindi kasi fan kami ni Ford Pineda." sagot ni Bernadette na ikinatawa naman ng mga kasamahan namin.
"Grabe kayo." tinuro ko sila isa-isa.
"Ohh bakit, ikaw ba hindi?" si Daisy.
Kung pwede nga lang ehulog ko kayo isa-isa kanina sa bleachers e para ako lang ang fan ni Ford. "Iyong Ford nyo? tsss marami pang mas gwapo, macho at hot kesa doon."
"Talaga?"
"Oo naman. Sa basketball lang ata yon magaling e." tumawa ako. "Ang tanong mataas rin kaya ang academics nya? baka naman puro bola rin ang nasa isip 'non."
Wala man ni isa sa mga kaklase ko ang nagsalita. Nakatingin lang sila sa akin. Siguro nga tama ako dahil wala silang masabi.
"Diba playboy din yon? ibig sabihin manloloko." Tumawa ako. "Kaya kayo tumigil na kayo sa kakahanga sa kanya dahil baka isa pa kayo sa madada-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ay tinakpan na ng mga kaklase ko ang bunganga ko. Halos di ako makahinga sa ginagawa nila kaya pilit kong kinukuha ang kamay nila sa bibig ko. "Anu ba?" may tinuro sila sa may likod ko.
"You're talking about me as if you know me?" isang baritonong boses ang narinig ko.
Ohhh Shit! Lumingon ako sa likuran ko. Feeling ko wala na akong dugo sa katawan sa kaputlaan ko. Gusto kong mahimatay.
"Ahh-" walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko.
Lumapit sya sa akin as in sobrang lapit kaya nakatanga ako sa kanya. Binaba nya ang mukha nya sa akin. Nilagay nya ang dalawang kamay nya sa mesang inuupuan ko. Ibig sabihin nakakulong ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
I Still Love Loving You (Ford Michael Pineda)
RomanceIsang inosenting babae si Olivia pagdating sa pagmamahal. Kahit na maraming nagkakagusto sa kanya ay binabaliwala nya lamang ito hanggang sa dumating sa buhay nya ang isang lalaking magpapa-ibig ng husto sa kanya. Makikilala nya ang isang Ford Mic...