"I remember the first day I ever looked into your eyes, and felt my entire world flip."
Wala akong kabalak-balak na siputin si Ford. Bahala sya sa buhay nya kung maghintay man sya.
"Akala ko may banda ngayon sa school nyo eja? Si papa.
Kumakain kami ng hapunan.
"Hindi po ako pupunta, pa."
"Bakit naman? Sige ka isa yun sa mga activities na mamimiss mo." sabi ni mama.
"Tinatamad po kasi ako." ang totoo iba naman ang totoong dahilan ko.
"Alam mo anak, ang mga ganyang event ay dapat enienjoy mo dahil pagkatapos nyan ay subsob ka na naman sa pag-aaral." may point si papa sa sinabi nya. Ang kaso nga iniwasan ko ang Pinedang yon.
Tumunog ang cellphone ko. Dinampot ko ito at may mensahe galing kay Sofie.
Sofie:
Hoy! Besh.. May balak ka bang pumunta rito sa school? Bilisan mo at mag-uumpisa na.
Hindi pa ako nakapagreply ay may mensahe sya ulit.
Sofie:
Besh nandito ang paborito nating banda. Ang sponge cola.
Pagkabasa ko sa huling mensahe nya ay mabilis na nagbago ang isip ko. "Pa, pahatid naman ako sa school oh."
"Akala ko tinatamad ka?"
"Andon po kasi ang paborito kong banda, ma. " bahala na magkita kami ni Ford basta makita ko lang ang sponge cola.
Nagmadali akong magbihis. Isang polo at maikling shorts ang sinuot ko at pinarisan ng puting rubber shoes, at isang itim na sombrero. Kailangan ko ito para hindi mapansin ang mukha ko.
"Sunduin ba kita mamaya Olivia? Sabi ni papa ng makababa na ako sa kotse nya.
"Hindi na pa. Sabay na lang po kami ni Sofie mamaya."
"Oh sige, mag-ingat kayo."
"Salamat po." Hinintay ko muna na mawala sa paningin ko ang kotse ni papa bago pumasok ng school. Syempre nagmasid-masid muna ako dahil baka nakaabang si Ford.
Nakahinga ako ng malalim dahil wala naman sya. Sinasabi na nga bang pinaglalaruan nya lang ako, ako naman itong si papaniwala. Pero bakit may parti sa aking nalungkot dahil hindi ko sya nakita. Hmm.. bahala na nga.
Isang maingay na crowd ang sumalubong sa akin. Ang daming tao. Pinaghalong music at sigawan ang naririnig ko. Sa field ang setting ng stage kaya medyo mahangin.
Paano ko mahahanap si Sofie nito. Etitext ko na lang sya. Kinapa ko ang cellphone ko sa pouch ko. Shit! Wala dito, naiwan ko sa mesa kanina. Hindi ko na nakuha sa pagmamadali ko. Wala akong choice kundi suyudin ang crowd.
Ilang minuto na akong naglalakad wala pa rin sya. Malayo pa ang distansya ko sa unahan. Baka nandoon sya dahil officer naman sya.
Hinahawakan ko ang sombrero ko dahil baka madala ng hangin. Sakto naman nakita ko si Bernadette kumaway ako sa kanya kaya nabitawan ko ang sombrero ko at natapon sa kung saan.
Suminyas ako sa kanya na hahanapin ko lang ang sombrero ko.
Asan na kaya yon. Anu ba yan hindi ko na mahanap. Minsan na babangga ako sa mga estudyante. Hindi ko pwedeng mawala yon, niregalo yon ni papa sa akin.
Isang kamay ang pumatong sa ulo ko ng isang sombrero. "San-" natigilan ako.
"Manonood ka ba o maghahanap ka ng kung anu-ano?" nakapamulsa nyang sabi.
BINABASA MO ANG
I Still Love Loving You (Ford Michael Pineda)
RomanceIsang inosenting babae si Olivia pagdating sa pagmamahal. Kahit na maraming nagkakagusto sa kanya ay binabaliwala nya lamang ito hanggang sa dumating sa buhay nya ang isang lalaking magpapa-ibig ng husto sa kanya. Makikilala nya ang isang Ford Mic...