1 | Borderline Crazy

237 11 2
                                    

Chapter 1
Borderline Crazy

"What are you doing and where are you taking me ba?", ang tanong ko kay Ian habang inaakay niya ako palabas ng hotel.

Nag-iinarte ako sa kanya habang siya naman ay aliw na aliw sa pagsinghal ko sa kanya.

Pasikat itong lalaking ito kahit kailan. "Ian Tyler, saan mo ba talaga ako dadalhin ha?"

Hindi niya binitiwan ang kamay ko at patuloy niya akong inaakay patungo sa parking lot. Sa laki ng ngisi ni Ian, alam kong isa na naman ito sa mga pa fall niyang moves sa akin. Hindi ata marunong magsawa ang lalaking ito. Lagi na lang niya akong dinadala sa kung saan at sinosorpresa.

He's always full of surprises kaya as always ay lagi kong hinihintay ang ganitong mga pagkakataon. Pero gaya ng dati ay nag-iinarte ako sa kanyang harapan para hindi halata na gusto ko ang ginagawa niya. Syempre babae ako kaya dapat mag astang galit at naiinis kahit hindi totoo. Perks of being a woman.

Na-eenjoy ko ng husto ang mga moments namin na ganito ni Ian. Masaya lang at enjoy sa bawat pagkakataon nagiging parang mga bata kami.

"It's a surprise, just close your eyes and you'll see soon." Bakas sa tinig niya ang galak sa nangyayari.

'Saan ba ako dinadala nitong si Ian Tyler Fraizer Villanueva? Sabagay hindi ako dapat mag-alala dahil kahit kailan puro ikakasaya ko lamang ang nais niyang gawin. Hindi niya ako magagawang pabayaan o saktan man lang sa kahit ano mang paraan.

For more than a year, lagi lang nandyan si Ian sa tabi ko. Siya yung taong pumansin at nagpahalaga at umalalay sa akin habang nagdadalamhati ang puso ko noon sa paghihiwalay namin ng aking ex boyfriend.

Naging totoo siya at naging mabuting kaibigan mula noon hanggang ngayon. Ang laki na nga ng pagbabago sa aming relasyon, mas matibay at komportable na kami sa kilos ng bawat isa. He's my hero, my bestie at lahat na ng pwedeng itawag sa kanya maliban sa pagiging boyfriend.

Isinakay niya ako sa kanyang sasakyan at tumulak kami sa kung saan na ayaw pa niyang sabihin sa akin hanggang ngayon. Kainis siya lagi ngunit hindi ko magawang totoong magalit sa kanya.

Ian is a great guy. A total package kung tutuusin. Mayaman, mabait, matalino, kagalang-galang at gwapo na meron nakakakilig na katawan. I'm lucky to have him as my BFF.

Hindi ko ikinakaila na higit pa dito ang nais ni Ian sa relasyon namin dalawa. Marahil ito ang dahilan kung bakit niya pinagtitiyagaan ang isang tulad ko. I am not that girl na sobrang ganda. Maputi yes, mapungay ang mata yes. Ano pa nga ba? Higit pa sa pagkakaibigan ang pagtingin niya sa akin dahil madalas niyang sabihin sa akin kung gaano ako kaimportante sa kanya. He expressed his love for me sa anong mang pagkakataon magkasama kami, countless times na nga kung tutuusin at patuloy niya itong ginagawa hanggang sa ngayon.

Si Ian ang taong may busilak na puso na nakapagpabalik ng mga ngiti sa mga labi ko. We basically spend almost all our time with each other kapag hindi kami abala sa work. We go out kapag weekends at madalas nag lalunch at dinner ng sabay. We live together kaya akala halos ng lahat na tao na nakakilala sa amin na 'we're a couple' o marahil sa mata nila ay magka live-in partner kami, maybe others call us lovers. Ang hindi nila alam ay magkaibigan lang kami. Best Friends Forever yun kami.

Nagsimula ang lahat noong biglang nag-krus ang landas namin sa kanyang hotel.

Nasa cottage ako malapit sa beach at kusa ng pumipikit ang mga mata ko dahil nakakatatlo na akong beer na apple flavored. Mali pala, lima na pala ang naiinom ko mula kanina. Hindi naman ako madalas uminom kaya sa pangatlong bote pa lang ay inaantok na ako.

How I Fell In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon