Chapter 37
Be My Date"Mr. Ian Tyler Villanueva, saan mo ba ako dadalhin ha? I told you kaninang tumawag ka na mas gusto ko pa ang matulog kaysa kumain sa labas. Now bigla mo na lang akong binuhat at isinakay sa sasakyan mo. Kainis ka kahit kailan", ang pagsusuplada ko sa kanya.
"Mrs. Villanueva, it's your duty as my wife to comply to my wishes", ang sabi niya habang mukhang nasisiyahan sa pagsusuplada ko sa kanya.
"Ibaba mo ako dito. Now na!", ang pag-iinarte ko ng husto.
"Nah, can't do that hon. I already made a reservation. We need to see someone before we go on our date."
"Ayaw kong kumain sa labas ang kulit mo talaga. Ipagluto mo na lang ako ng hotdog at itlog buti pa para matuwa ako sa iyo." Naiinis na talaga ako kay Ian bakit ba kasi ang gwapo niyang tignan.
"Be an angel alright and be my date tonight please", at kinindatan pa ako.
"Ayaw ko nga eh. If you want you can take Christian with you. He will be my proxy on this date you're talking about."
"Sorry hon he can't take your place tonight", at ngumisi siya. "This will not take long I promise you. I will take you home after and let you eat alot of your hotdogs and eggs okay. I just want to confirm something."
May lakad pala siya bakit pa kasi niya ako isinama-sama. Sa lahat ng kinaiinisan ko yung pinipilit sa mga bagay na ayaw kong gawin. Mas maganda pa ang magpahinga at matulog kaysa lumabas ng bahay.
"If you need to see someone Ian you don't have to take me with you. I'll rather sleep than tag along with you."
"I'm sorry about this hon. I'll let you rest once this is all settled."
Settled daw? Meron ba siyang problema na hindi ko alam?
Hindi ko na siya inabala sa kanyang pagdadrive dahil naging abala ako sa kaiisip sa sinabi niya. Nagulat pa ako ng tumambad sa akin ang OMC. Is he sick? Ayaw ko na atang bumaba kung doctor ang pupuntahan namin.
"Let's go", ang yaya niya sa akin pagkatapos niya akong pagbuksan ng pinto ng sasakyan.
Nilalamig bigla ang kamay ko. I'm worried for him. Ayaw kong nagkakasakit sila ni Ian Christian, our two year old son. Silang dalawa ang kumukumpleto ng buhay ko. Masyado akong mag-alala para sa kanilang dalawa kapag may dinaramdam sila.
"Hey, what's wrong? Your hand is cold", ang tanong niyang may pag-aalala.
Huminto ako sa paglalakad at tinanong ko siya.
"Hon, be honest with me. Are you sick?"
Tumawa siya bigla sa tanong ko. Nabawasan ang kaba ko dahil sa biglaan niyang pagtawa. Bakit ba kasi kami nandito kung ganun?
"No, I'm perfectly fine."
Napigtas na niya ang pisi ko kaya naman tumaas na bigla ang tinig ko. "Perfectly fine pala eh, bakit tayo nandito?"
"To see your doctor", ang pasimple niyang sagot.
"O bakit pupuntahan natin ang doctor ko? At sino ba sa mga doctor natin ang pupuntahan natin dito?"
Tumawa ulit siya sa mga tanong ko.
"I just want to be sure so that we can take precaution", ang sagot niya.
Uminit lalo ang ulo ko sa dami ng paligoyligoy niyang mga sagot sa mga tanong ko."Ian Tyler iniinis mo ba ako?"
"Nah, I wouln't do that in your condition."
Ano kondition na naman ang sinasabi nito? Hindi ba talaga ito makausap ng matino?
BINABASA MO ANG
How I Fell In Love With You
Mystery / ThrillerMahal ko ba siya o mahal ko ay iba? Paano ko susukatin sa puso ko kung sino ang tunay kong minamahal. May sukatan ba sa larangan ng pag ibig? Kung meron man paano ko ito masusukat? Paano ko malalaman kung sino sa kanila ang tunay na nararapat na...