3 |My Lucky Day

159 9 0
                                    

Chapter 3
My Lucky Day

Tsaka yung tissue na pinabili mo nga pala. Saglit lang at kukunin ko."

Ang sarap naman ng pagkakaluto nitong noodles sakto lang sa nakasanayan ko. Gusto ko yung hindi gaanong malambot.

"Gusto mo bang sumama sa talipapa?" ang tanong ni Manang Loleng sa akin.

"Sige po sasama ako sa inyo. Magpapalit lang po ako ng damit."

Malinis ang talipapa nila dito, gusto kung kumain ng sinigang sa bayabas na bangus o kaya liempo. Tumingin tingin muna ako sa nagtitinda ng gulay kung meron silang bayabas buti naman at meron. Kalahating kilo ng bayabas ang binili ko para maging malasa ang lulutuin ko. Bumili pa ako ng ibang sahog gaya ng gabi, kangkong, sili, okra at sitaw. Bumili ako ng karne ng baboy. Kahit kalahating kilo lang ay pwede na pero dinagdagan ko ng kalahating kilo pa ang karne kasi gusto kong bigyan sina Manang Loleng.

Tinulungan ko sa kusina si Manang pagbalik namin dahil nakakahiya naman kung hahayaan ko siyang maghanda sa lahat ng kailangan para sa lulutuin ko. Pagkalipas ng isang oras ay tapos na ang lahat. Luto na yung kanin at yung sinigang.

"Iha, ano nga ba ang pangalan mo?"

"Allie po", ang mabilis kong sagot.

"Allie ba ika mo iha?"

"Opo tama po kayo, Allie."

"O ano, ipaghahanda na ba kita ng tanghalian?"

Naku si Manang ginagawa akong bata. Ipaghahain pa daw ako. Likas na mabait si Manang yun ang kilatis ko sa katauhan niya.

"Huwag na muna po Manang. Mamaya nalang po ako kakain". Gusto ko kasing maglinis muna ng katawan bago ako kumain ng tanghalian.

"Manang kumuha po kayo dito sa niluto ko ha. Huwag po kayong hihindi kasi dinagdagan ko po talaga iyan para matikman ninyo."

"O sige Allie kukuha ako dyan sa luto mo para matikman ko at para hindi na rin ako magluto ng uulamin namin. Salamat ha."

Mabuti naman at umayon si Manang na tikman ang niluto ko. Hindi ko iyon mauubos dahil naparami ang niluto ko.

"Walang ano man po Manang", ang sagot ko naman sa kanya.

Pumanhik ako sa taas at pumasok na ako sa kwarto. Tinignan ko ang phone ko, nag-check kung meron akong messages. Syempre meron akong text galing kay Jhane kaya sumagot agad ako.

Jhane
Friend kumusta na? Okay ka lang ba? Ano ba kasi ang masamang hanging na nagdala sa iyo dyan sa Batangas?

Me
Okay lang ako dito. Walang masamang hangin. Sakit sa puso lang naman kaya naligaw ako dito sa Batangas.

Hindi nagtagal at sumagot agad si Jhane sa akin.

Jhane
Ano ang pinagsasabi mo na sakit sa puso? Nagpa check-up ka ba? What's wrong with your heart?

Bilib talaga ako dito sa BFF ko. Kung makapag inarte akala mo hindi niya alam ang kaganapan sa love life ko na puro drama.

Me
I have a broken heart. Yan ang problema ko. Text na lang kita ulit later ha. Ayaw ko munang mag kwento. Bye na muna.

Jhane
Okay sige hindi na muna kita kukulitin pero need ko malaman ang lahat pag-uwi mo dito sa Manila.

How I Fell In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon