5 | A New Beginning

152 8 0
                                    

Chapter 5
A New Beginning

Bakit ba ang hirap sabihin ang salitang goodbye sa taong minamahal mo ng labis? Akala ko sa muling pagbabalikan namin ni Ryan ay magtatagal na ang relasyon namin pero hindi pala.

Mahal ko siya, pero tunay nga ba niya akong minamahal? Noon alam ko at ramdam ko na mahal niya ako pero sa ngayon parang hindi ko na ito maramdaman pa.

Ang gulo kasi ng relasyon namin. Everything was all wrong all of a sudden. Isang araw bigla nalang nagbago ang lahat. Everything between us just suddenly changed. It wasn't obvious the first 2 or 3 weeks but the week after that everything become totally out of the ordinary. Iniiwasan niya ako pero hindi ko alam ang kanyang dahilan. Pinag-iisipan ko ito halos gabi-gabi. Gulong-gulo na ang isip ko.

Tinatanong ko ang sarili ko kung meron ba akong nagawang pagkakamali. Marami ang ipinagbago ng pakikitungo niya sa akin. Ramdam ko na hindi na ako mahalaga sa kanya gaya ng dati. I tried to ask him nicely if there's something wrong with us.

He keeps on telling me that we are fine. Kaya tinatanong ko ang sarili ko kung tunay ba ang pag-ibig ni Ryan sa akin dahil ito na marahil ang pinakamahirap na pagsubok na pinagdaraanan ko sa ngayon.

Paano nga ba masusukat ang pagmamahal ng isang tao? Marami akong gustong itanong kay Ryan dahil sa dami ng alinlangan bumabalot sa puso ko pero hindi ako nabigyan ng pagkakataon.

Nagagawa niya akong tiisin na hindi makausap. Pagmamahal ba ang maitatawag doon?

I have decided to let him go again but this time I think everything is finally over between us. Mas mabuti pa na wala na kami kasi I'm not sure with his real feelings for me.

Mahirap bigkasin ang salitang goodbye kaya mas nanaisin ko pang lumayo na lang sa kanya. Higit na magiging magaan ito para sa kanya. If he can't say goodbye kahit ramdam kong ito ang gusto niya ay magpaparaya na ako para maging madali ang paghihiwalay naming dalawa.

Hindi ko kakayanin sabihin ang salitang "goodbye" sa kanya dahil puso ko ang nakataya, dahil puso ko din ang masasaktan. Mas nanaisin ko ang magpakalayo na lang sa kanya.

Kagaya lang naman ito ng dati namin paghihiwalay noong mga bata pa kami. Iiyak ako at malulungkot sa pagbitiw ko sa relasyon namin. Ngunit higit na masakit ang nararamdaman ko sa ngayon dahil umasa ako na kami na habang buhay. Asawa na nga kung tutuusin ang turing ko sa kanya.

Alam ko na mahihirapan akong pakawalan siya dito sa puso ko dahil mahal na mahal ko siya. Siya na marahil ang inaakala ko na perfect guy for me na magiging kabiyak ng aking puso sa hinaharap pero bakit bigla siyang nagbago.

I have no choice but to let him go. Hindi ko kasi kinakaya ang sakit na nararamdaman ko sa bawat pag-iwas niya. I'm setting him free dahil ganun kalalim ang pag-ibig ko sa kanya. Gusto ko na maging masaya siya kaya gagawin kong madali ang lahat ng ito para sa kanya. Kung ayaw na niya akong makausap pa kahit kailan ay pagbibigyan ko siya.

Kung tutuusin kaya kong magtiis sa lahat ng ginagawa niya, kaya kong gawin ang lahat para lamang sa kanya. Ngunit sa paglipas ng mga araw nararamdaman ko na meron mali sa relasyon namin na kailangan kong itama.

Ganito ang mga kaganapan sa aking alaala na siyang inilahad ko kay Ian.

Nagising ako bago pa tumunog ang alarm clock. Dali-dali kong kinuha ang cellphone para maitext ko si Ryan. Ito na ang naging routine ko mula ng nagkabalikan kaming dalawa. Gusto ko na siya ang una kong makausap pagkagising ko sa umaga at siya din ang huli kong makausap bago ako matulog sa gabi.

How I Fell In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon