Chapter 4
Smile For Me"Nakakahiya na sa iyo pero wala akong magagawa. Ganyan lagi yan kapag gutom ako. Nakalimutan kong magdala ng cookies kasi. Dapat meron akong makain kahit ano lang para hindi nag-iingay ang tiyan ko."
"Let's hurry, let's not make that grumpy tummy of yours to keep on waiting much longer. Shall we go now?"
"Kanina pa nga ako gutom. Saan ba tayo kakain?"
Sana kumain kami sa malapit lang. Gutom na talaga ako.
"I want to take you somewhere special, where the view and food is great and where you can enjoy and relax but we'll do that some other time. I'll take you to the hotel resto, if it's fine with you?"
Hindi pa ba espesial sa kanya ang lugar na ito? Ang gara na nga ng view nila dito. Malinis, maganda at maraming halaman. Nakakarelax ang lahat ng tanawin.
"Kahit saan, okay lang. Hindi naman ako choosy." at nginitian ko siya ng matamis.
"With that face of yours, you should be choosy. I think you should always eat where they only serve the best food."
Ano daw ang sabi niya? Dapat ba maging pihikan at maarte ako ganun? Akala ko ba inis ang mga lalaki sa mga babaeng ganun.
"Hindi ako ganun kahit nga sa karinderia sa tabi-tabi okay lang sa akin, basta malinis."
"Wow, you're really are something, aren't you?"
Nose bleed naman ako kay Ian Tyler, ingles lang naman siya ng ingles. Mukha naman marunong mag Filipino pinahihirapan pa ako.
Buti nalang nasa resto na kami kaya hindi ko na kinakailangan mag-comment sa ibang sinabi pa niya.
"Good evening sir, ma'am," ang sabi ng waiter sa amin.
"Good evening", ang pormal na sagot ni Ian sa kanya.
Aba, iba pala aura ng mukha niya kapag pormal siya. May authority ang galaw at tunog ng pananalita. Nakaka-impress kahit papaano. Syempre kailangan siguro niyang mag-act na ganito kasi mga empleyado niya ang lahat ng nandito sa hotel.
"Are you done checking the menu? What do you fancy eating?"
Ang daming pagpipilian dito sa menu pero gusto ko soup at salad lang. Baka kasi mabigla ang tiyan ko.
"Something light perhaps.
Umiiling sya na parang hindi kumbinsido sa gusto ko. Pakialam ba nya eh yum ang gusto ko. Manigas sya sa kakailing pero di nya mababago ang gusto ko.
I'll have crab and corn soup, garlic bread and the green salad platter."
"Is that all you're having? I think you should try the chef's special for tonight."
"Ano ba kasi ang special ninyo dito?"
"I have no idea. Let me ask."
Itinaas niya ang kamay niya at lumapit yung waiter kanina.
"Yes sir?"
"Tell the chef to see me right away."
Hala pinapatawag niya ang chef. Kailangan ba niyang talagang gawin yun? Ayaw ko naman kumain ng marami.
"Bakit kailangan mo pang tawagin ang chef?"
"I need to ask him about the special for tonight."
BINABASA MO ANG
How I Fell In Love With You
Mystery / ThrillerMahal ko ba siya o mahal ko ay iba? Paano ko susukatin sa puso ko kung sino ang tunay kong minamahal. May sukatan ba sa larangan ng pag ibig? Kung meron man paano ko ito masusukat? Paano ko malalaman kung sino sa kanila ang tunay na nararapat na...