Chapter 10
My Heart Belongs To YouShe smiled at me and I know now that we're still good.
"Ian kung hindi lang kay Agatha ay nag-enjoy ako ng husto sa party. Alam mo ba ngayon lang ako nakadalo sa ganun kagandang selebrasyon."
"It's a fund raising party. It's not really that fancy. If you enjoyed it maybe I could take you along to another party. It will be held on a Sunday evening three weeks from now. I hope it'll be a delight to you, especially that Agatha will not be an attendee. This party is for global business magnets. If you're good in business then you'll surely be invited."
Gaya ng sinabi ni Ian ay dinala niya ako sa isang party na mas bongga pa doon sa pinuntahan namin noong isang buwan. Nandoon din si Marco na kaibigan pala ni Ian. Isa rin pala siyang matagumpay na businessman. His circle of friends and acquiantances are over the top.
Ang dami kung nakilala sa event na ito dahil marami ang bumati kay Ian dahil isa siya sa mga nagkamit ng award sa gabing ito. We are both having a good time ng biglang tumigil si Ian sa kanyang pagkikipagkwentuhan sa akin. Napirmi ang kanyang tingin sa di kalayuan kaya napatingin din ako kung saan siya nakatingin. He was staring at this glamorous woman wearing a black shimmering gown that hugs her perfectly sculptured body. Hindi maiwasan mapansin siya ni Ian dahil sobrang ganda talaga noong babae. She was tall, morena na parang meron lahing mexican ang itsura.
For a few minutes ay pinagmasdan lang niyang mabuti ang babae. Hindi ko mahinuha kung ano ang sumasagi sa isip niya habang tinititigan niya ito. Nasa ganun ayos kami ng biglang sumulpot si Marco sa tabi niya at kinuha nito ang kanyang atensyon.
"Ian bro, your ex is here", ang sabi niyang natatawa.
Sinuklay bigla ni Ian ang buhok niya gamit ang kanyang kamay. Mukhang malalim ang iniisip. What's wrong with him? Mukha siyang tensyonado bigla.
"Aren't you going to say hi to her man?", ang tanong ni Marco na ngingisi-ngisi. Napasinghap ako bigla kaya napansin ako ni Marco at biglang yumuko ng kaonti. Marahil ay nahiya dahil akala niya ay magkasintahan kami ni Ian. Hindi naman niya alam na nagpapangap lang kami dahil sa kakulitan ni Agatha.
"Oh, I'm sorry Allison. I almost forgot that you're here. I'm sorry", ang mabilis na paghingi ng paumanhin ni Marco.
"It's okay Marco", at nginitian ko siya. Nagpatuloy si Marco sa kanyang pagsasalita.
"You have to talk to her man. This is your chance", ang sabi pa ni Marco kay Ian.
"We have nothing to talk about", ang simpleng sagot naman ni Ian kay Marco.
"Just saying bro. If it's really over", at bigla niya akong tinapunan ng tingin, "you must end it. You need closure. Well it's been what, 18 months?"
"18 months and 12 days to be exact", ang sagot naman ni Ian sa kanya.
Girlfriend ba ni Ian yung glamorosang babae na super ang ganda? Hindi nakapagtataka dahil mukhang bagay na bagay sila. Ganito siguro ang tipo ng babae ni Ian. Sopistikada at mukhang kagalang-galang at edukada. Hindi maipagkakaila na parehas sila ng mundong ginagalawan. High profile silang mga tao dahil sa angkin nilang talento sa business at laki ng mga pera nila sa bangko. Iba ang mundo nila sa mundong ginagalawan ko. Bakit ko nga ba nakahalobilo ang mga matataas na taong ito?
Eh di dahil sa isang gabing katangahan at pagwawala mo ang sagot ko sa sarili kong tanong. Yun ang totoo, naging kaibigan ko si Ian dahil doon. Ngayon ay kitang kita ko kung gaano kalayo ang agwat namin sa buhay. Mahihibang si Jhane kapag naikwento ko ito sa kanya. Suot palang at alahas ng mga tao dito ay mahihibang ka na.
Napalingon sa amin yung babaeng tinititigan ni Ian kanina at mukhang hahakbang papalapit sa amin.
Biglang hinawakan ni Ian ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
How I Fell In Love With You
Mystery / ThrillerMahal ko ba siya o mahal ko ay iba? Paano ko susukatin sa puso ko kung sino ang tunay kong minamahal. May sukatan ba sa larangan ng pag ibig? Kung meron man paano ko ito masusukat? Paano ko malalaman kung sino sa kanila ang tunay na nararapat na...