LKS 1: Scared and Lost

478 7 1
                                    

I woke up feeling alienated on the room I'm staying at. Puro puti ang buong paligid at ang mga gamit na naroroon sa silid. Pati man ang aking suot na bestida ay kulay puti. I was hooked up to an IV. Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan at may lumabas doon na babaeng nakaputing coat.

Napakunot ang aking noo. Bakit ako nasa ospital?

"Good morning, Sera! I'm your doctor, Doc Femina and I'm glad you're finally awake! I like to tell you that..."

Wala akong maintindihan sa sunod na sinabi ng doktor maliban sa naaksidente ako at nagpapagaling sa mga sugat na natamo sa sinabing aksidente.

"Doc, wala akong maalala."

The lady in front of me looked shock in a second but then suddenly, she remained calm and sighed. "Siguro ay dahil ito sa pagkakabagok ng ulo mo but still we have to check. You can't remember anything? Any fragments?"

I shook my head hastily. I can't remember anything and I'm confused!

Pagkaraan ng ilang pag-examine sa akin ng doktor ay nagpaalam muna itong umalis. Hinayaan ko naman dahil naguguluhan ako sa nangyari.

"Miss, saan kayo pupunta? Miss Sera!" Sumigaw ang babaeng nakaputing uniporme ng nagtatakbo ako sa hallway. Nakahanap kaagad ako ng lalabasan ng ospital na iyon nang hindi nahuli o naharang ng ibang nurse. I stopped running to chase my breathing.

The cold wind of the night makes me shiver. My hair was flowing freely in the air. Ang lamig ng semento ay nararamdaman ko sa aking paa dahil wala akong suot na tsinelas ngunit hindi ko iyon inalintana. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa mapagod ang sarili at ang mga paa.

I ended up on a park. Walang katao-tao roon kaya napagpasiyahan kong umupo sa isang bench. Wala akong maalala. Kahit ang mga nadaanan kong lugar ay hindi ko matandaan. Walang sense of familiarity. I sighed.

"May pamilya po ba ako, doc?"

Napayuko saglit ang doktor at tinignan ako ng malungkot. Nakadama ako ng kalungkutan at dismaya. "Unfortunately, wala, Serafina pero--"

"Okay lang, doc. Thank you."

Kung wala akong pamilya ay sino ang pupuntahan ko? Wala akong maalalang kahit sino.... Wala akong matandaan kung saan ako nakatira. I ended up sighing. My mind is at lost.

"Sera! Bakit ka umalis ng ospital? Pinag-alala mo ako." Napamaang ako ng biglang may yumakap sa aking isang lalaki na matangkad. Bigla na lang itong lumitaw sa harapan ko para lumuhod at yakapin ako ng mahigpit.

Ang higpit-higpit na para bang mawawala ako ng matagal kapag binitawan niya. Hinihingal pa ito na parang tumakbo mula sa malayo.

"Ano bang naisipan mo't umalis ka roon, Sera? Mabuti na lang talaga nahanap na kita..." He looked at my eyes and I saw the sincerity. He caressed my cheeks with the tenderness on his voice.

Kaagad naman akong naalerto kung kaya't tinabig ko ang kamay niya at umalis sa pagkakaupo sa bench upang makalayo rito.

"Sino ka? Bakit mo ako kilala?"

Napakunot noo ito habang nakatingin sa aking lumalayo sa presensya niya. Hindi ko siya matandaan na kilala kaya bakit kaagad ako magtitiwala? Ilang segundo lang ay lumamlam na ang mga mata nito at napabugtong hininga.

Last Known SurroundingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon