LKS 2: Getting closer

248 6 0
                                    

"Nurse..." I called the nurse outside. Nakabukas ang pintuan kaya napansin ko siya. She looked at me. "Can I ask you something?"

"Yes, Miss Sera?"

Nginitian niya ako kaya naglakas loob na akong magtanong. "Kilala mo ba iyong naghatid sa akin dito kagabi?"

"Ah si Sir Gideon, longtime boyfriend nyo na po iyon. Mga five years na."

"Totoo ba iyan? Paano mo naman nalaman?" Napangiti pa siya lalo at naupo sa silya na nasa gilid ko. Naglabas siya ng phone niya.

"Kasi po sikat po kayong model dati tapos tinigil nyo lang last year dahil kay Sir Gideon kaya ayun, mas pinili nyo ang love life kaysa sa career." Sa pagsasabi niya noon ay pinakita niya sa akin ang account ko raw sa isang website at isang article tungkol nga sa pag-quit ko sa pagiging modelo. May napanuod pa akong nakalink na video na interview.

Ang tumatatak sa akin doon ay ang sinabi ko na, "I'll give up anything just for love."

"Any deep reason? I mean, Miss Sera, your boyfriend-- Gideon Vergara, the famous photographer in our country was known as the cool and ever supportive boyfriend in your career... so why are you quitting now?"

"Is it about time to quit? As you've said, he's cool about it but we have to consider this special thing coming to us right now. I'll say it to all of you guys but not right now. Thank you for the interview." 

"Do you have any idea about the special thing na sinabi ko?" pagtatanong ko roon sa nurse dahil parang fan na fan ko siya. Ako pa nga ang wallpaper niya sa phone.

"Wala rin akong idea, Miss Sera. Iyon nga dapat ang itatanong ko sa inyo kaso may amnesia kayo. Baka naman magpapakasal na kayo ni Sir Gideon?"

Napailing ako ng marahan. Ang sabi naman ni Gideon ay hindi pa kami pwedeng ikasal. Dumami na naman ang tanong ko at wala pang nasasagot kahit isa. Tumikhim ako.

"Bakit naman ako naaksidente?"

"Ah, alam ko ho ang sagot dyan! Naaksidente kasi kayo noong September ni Sir Gideon sa kotse habang bumabyahe. Nalaglag ang kotse sa bangin at mabuti nga pong nakaligtas kayong dalawa ng buhay."

Napahawak ako sa ulo ko dahil para yatang sumakit iyon. Napalunok ako habang pinipilit na may maalala. "Anong month na ngayon?"

"February na, Miss Sera! Katatapos nga lang ng Valentines. Sayang at di ka pa nagising noon. May dala pa naman si Sir na chocolates at balloons dito." She shook her head sadly. Napakunot noo lang ako. Kung ganoon ay seven months din akong hindi nagising.

"What is the reason kung bakit kami naaksidente?"

Napailing siya at napangiwi. "Hindi ko po alam, Miss Sera. Hindi na naibalita iyon—ay kabayo! Gwapo pala! Good morning po, Sir Gideon!"

Last Known SurroundingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon