LKS 5: Love and Trust

154 3 0
                                    


"Ang sarap ng hangin, amazeballs! Sama ka sa bonfire namin ng asawa ko, matutuwa iyon at makikita na niya ang hipag niya." She giggled. Kung makadaldal siya ay parang close na kami dati. Nakaangkla pa ang kamay niya sa braso ko habang naglalakad kami. Nangiti na lang ako at tumingin sa kalangitan. Malaki at bilog na bilog ang buwan. Maraming pang stars.

"Babe! Si Seraphina, girlfriend ni Gideon. Sera, si Fred, asawa ko." Pinaupo niya ako sa isa sa mga kahoy na nakapaligid sa apoy. Nagtutusta ng hotdog at mallows iyong si Fred ng binati ako. Niyakap pa siya ng asawa niya. "Sabi sa akin nitong si Gandi ay matagal na kayo ni Gideon."

"Mas matagal pa nga sila sa atin." komento naman ni Gandi. Kakaiba ang name niya. Unique. And weird. "Nga pala, kamusta ka na? Mabuti at hindi sobra ang naging aksidente nyo ni Gideon na siraulo."

"Babe... huwag masyadong hyper, baka mapano si baby."

"Ay oo nga pala, sorry, na carried away lang!" Natawa siya at nang makitang natatawa lang ako ng kaunti ay tumabi siya sa akin. Doon ko napansin ang umbok sa tiyan niya. "Okay ka lang ba? Ang tahimik mo talaga kahit kailan."

"Sorry, hindi lang kasi ako nakakaalala."

Nanlaki ang mata niya at napatakip pa sa bibig. "Oh my jelly! Totoo itey?"

Napatingin ako sa asawa niyang natatawa na lang na naiiling sa pananalita ng asawa. Kanina nga ay akala ko ay bakla siya kung hindi lang babaeng-babae ang mukha niya.

"Sorry, Seraphina kung nagulat ba kita o natakot sa mga ginagawa ko! Siguro nawiweirduhan ka na sa akin ngayon." She pursed her lips. Hindi ako umimik. "Ih! Kasi naman! Close kasi tayo dati nung nandito pa kayo ni Gideon!"

Napatango pa siya habang titig na titig sa akin. Para bang gusto niyang maniwala kaagad ako sa kanya. I believed her anyway. Iba ang aura niya at trip sa buhay. Hindi naman ako nat-threaten sa kanya. "Ako pa nga ang saksi sa pagmamahalan ninyo noon! Ngayon nga pati paglalandi ni Gideon nasaksihan ko pa, shutangina talaga si Gideon, babe! Gusto pa atang isunod sa anak natin ang edad ng magiging anak nila!"

"Babe, bibig mo naman." saway ni Fred habang binibigyan ng warning look si Gandi. Binigyan niya kami ng tig-isang hotdog na nakatusok sa stick. 

"Di ko kasi mapigilan! Iyan naman kasing si Gideon eh! Baby brother ko pa iyan ha. Paano naman itong si George parang bakla yata. Walang gf! Walang hilig sa babae." Napailing pa si Gandi saka kinain yung hotdog niya. 

"Who's George?"

Binalingan ako ni Fred at saka siya ang sumagot. "Pangalawang kapatid nila."

Napatango na lang ako.

"Oy bakulaw! Bakit ngayon ka lang nakasunod? Para namang kay layo ng bahay natin dito sa tabing dagat!"

Naramdaman ko ang presensya ni Gideon at naupo siya sa kaliwa ko. Hindi niya pinansin ang sinabi ng ate niya.

"Hoo! May ginawa ka ano? Naligo ka oh." patuloy pang pang-aasar ni Gandi sa kapatid. Ang lakas ng tawa niya ng napasimangot na si Gideon.

Tinitigan ko lang si Gideon at napailing.

"Magtigil ka nga! Kanina ka pa!" He hissed. Inabot niya sa akin ang dala niyang tsinelas na naiwan ko sa kwarto. Sinuot ko iyon. Panay pa rin ang tawa ni Gandi. Ibinigay ko na lang kay Gideon ang hotdog na hindi ko pa naman nakakagatan. Kinuha naman niya saka tinapat sa bibig ko. Napairap ako.

He chuckled. Sa akin lang siya nakatingin. "Kain na, dali."

Kinagatan ko iyong hotdog at saka umiling na. Ayoko noon. "Ayaw mo na?"

Last Known SurroundingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon