"My father is still not awake?" tanong ko sa kararating lang na si Will kasama ang maraming kawal na sirens. Namumukhaan ko sila dahil sa exposed naman ako noon sa mga gawain ni ina na kasama ang mga kawal at tauhan ng kastilyo. Naupo ako sa aking trono.
"Hindi pa siya gising katulad ng mag-ina." napatango ako sa sinabi ni Will. Ang mag-ina na tinutukoy niya ay sina Gordon at Paloma. Hindi ko mapaniwalaan na pati si Paloma ay nagawa akong lokohin habang wala akong naaalala.
At kung tutuusin ay kaya naman niyang ibalik ang memories ko kung talagang nag-aalala si Paloma sa akin sa pagpapakita sa akin ng anak ko. Kung kaya't pinagtaksilan din niya ako ng ilang beses ko nang tinangka na buksan ang kwarto kung nasaan si Clarina pero lagi nila akong pinipigilan ng anak niya. Kaya pala takang-taka ako noon sa kwarto na iyon. Nandoon pala ang dahilan ng ikapapahamak nila. Nasa kwintas na suot ni Clarina ang nawala kong memorya. Ginamit ang memorya ko pang palit sa paglalagay ng anak ko sa maternal shell.
Wala namang dapat kapalit iyon kung hindi ako umalis ng karagatan. But I left, tumira pa ako sa lugar kung saan tingin ng mga sirens ay hindi maganda. Isa na rin ako sa tingin nilang nagtaksil sa Proserpina kung kaya hindi na ako nagtataka nang may nagalit na sirens sa pagbabalik ko at pagkuha ng trono noong nakaraan.
"Gisingin nyo na silang tatlo." utos ko pa. Naiwan naman ako pati na rin ang nag-alaga pala sa anak ko mula noong makuha ito nila Gordon sa Infirmary kung saan nakalagay ang mga maternal shells. Pagkasilang ni Clarina ay nalaman iyon ni Gordon kaya kinuha niya ang anak ko at dinala sa kastilyo lalo pa nang malaman na ang memorya ko ang kapalit ng paglalagak sa kanya sa Infirmary. Lahat nang iyon ay nakwento na ni Rena sa akin.
Pati ang mga kasamaan ng mag-ina na takutin ang mga tauhan ni mama sa buong kastilyo na manahimik sa pagdating ko at hayaan akong maniwala sa mga sinasabi nila. My father even agreed with it and fooled me for being sick which was a lie, of course. They even heard that they will kill me after I marry Gordon. Nang mapasa sa kanya ang trono kapag nawala ako. Exactly what happened to my mother.
And it was all plan by my despicable father. Hindi ko na talaga masikmura ang kasamaan niya. I despised him a lot. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang kilalaning ama o hindi sa mga pinaggagawa niya. Talagang kaya niyang sikmurain na ipapatay ako para lang sa kapangyarihan.
"Oh father, huwag mo na akong lokohin na maysakit ka pa. Wala kang sakit at alam na alam ko na iyon ngayon." My voice was full of sarcasm and hatred towards my father. Hinihila siya ng kawal papunta sa harapan ko. Ganoon na rin si Paloma na nangiyak-ngiyak at si Gordon na masama ang tingin sa akin. I know them too well. Gordon will never deny about his plans at iyon ang kabaligtaran ng kanyang ina. She will definitely cry like this. Naghanda na ako para rito.
"Nagkakamali ka, Devora. Kilala mo ako, tinuring kitang anak kaya bakit kita---"
"Bullshit! Tigilan mo na ang paggamit ng ganyan dahil hindi na ako maniniwala! You betrayed me after all the good deeds we did to you and to your son! Pati ang anak kong walang laban isinasali nyo rito? You despised me!" I shouted. Lumapit pa ako sa kanya para sampalin siya ng magkabila. I cupped her harshly and I looked at her eyes. "You can hurt me all you want but when it goes to my daughter, you don't have the rights! How dare you to slapped my daughter twice?! You even called yourself a mother after that? Ang kapal ng mukha mo!"
I slapped her again. Napabagsak siya noon sa sahig ng umiiyak. Gigil na gigil ako ng malaman iyon at ngayong nakita ko si Paloma ay mas lalong nag-init ang dugo ko sa kanya. Hindi ko na nga maalala ang panahon na tinuring ko siyang ina sa galit ko. Wala siyang karapatan na saktan ang walang kalaban laban kong anak. No one.
"Sumosobra ka na talaga!" sigaw sa akin ni Gordon nang hindi na siya makapagpigil. Hinawakan naman siya ng dalawang kawal ng susugurin niya ako. Siya naman ang binalingan ko.