Hinihingal akong napaupo sa sofa sa living room pagkabalik namin sa mahabang pagtakbo sa loob ng village. Sila Dylan at Dally ay binigyan kaagad ng tubig na maiinom ni Gideon.
"I'm sweating but I have to rest muna bago maligo." salita ko nang abutan ako ni Gideon ng basong tubig. He agreed on me by nodding his head. Naupo siya sa tabi ko pagkatapos uminom at sumandal sa balikat ko.
"Amoy pawis ako." pagtataboy ko sa kanya. Nakagawian na namin tuwing umaga na tumakbo sa loob ng village. Ganoon naman daw talaga ang morning habits namin noon.
"Okay lang, ikaw lang ba? Ako rin naman." At least mas mabango ka.
Nagkwentuhan lang kami ng halos thirty minutes din saka siya nagpaalam na maliligo na. Kating-kati na raw kasi siya.
Sumandal lang ako sa sofa ng maigi saka pinanuod matulog iyong dalawa naming babies. All of a sudden, pictures keep on flashing on my mind.... No, fragments of my memories.
"Miss, are you okay?" Ang boses niya ay nag-aalala at napaisip kaagad ako. Bakit siya mag-aalala sa isang katulad ko? Isa siyang tao...
"Miss, okay ka lang? Miss--" Huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.
Madilim ang kalangitan, walang kabituin-bituin at nakatago ang buwan sa ulap. Napatingin sa akin si Gideon. Nginitian ko siya.
"Mahal kita, Gideon. Mahal kita higit pa sa kanino." salita ko habang umiiyak. Hinaplos niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa labi. Sinuklian ko naman iyon. Mahal ko siya. Gagawin ko ang lahat makasama lang siya habambuhay. Hindi ko hahayaan na mangyari ang sinabi ni papa.
"Seraphina, I love you. I really do. Please do me a favor of letting you as my only woman in my life. My half..."
"No... You can't, hindi pwede, Gideon. You don't deserve me. I'm sorry. I love you but I can't marry you right now. Alam mo naman ang sitwasyon ko. Kung ano ako..."
"Does it matter? I don't care. I don't care whoever you are because I love you. All I have been thinking right now is to marry you and as return, you break my heart..."
I bit the back of my palm just to stopped myself from shouting because of pain. Parang hinihiwa ng lagari ang ulo ko. Pero mas higit doon ang sakit sa puso ko ng maalala ang pangyayaring iyon. The pain in his eyes hurts me even more. Bakit hindi ko tinanggap ang kasal na gusto naman namin parehas? What is the reason why I declined his proposal?