LKS 9: First human I've ever noticed

146 2 0
                                    

"Isa siya sa nahuli namin, mahal na reyna."

Nadapa sa harapan ko ang isang ginang na kinaladkad ng mga kawal pagkahuli nilang tinataboy paakyat sa ibabaw ng dagat ang mga endangered species na pilit naming pinaparami rito sa Proserpina.

"Paano mo napapalabas ng sacred bubble ang mga isda na iyon?" tanong ko sa babae na umiiyak sa harapan ko. Ang sacred bubble ay ang mas malaking bula na sumasakop sa buong kastilyo at sa nakapaligid dito upang protektahan ang mga sirens sa panganib at ganoon na rin ang mga prinoprotektahan naming mga yamang dagat na nanganganib ng mawala at kakaiba sa lahat. Isa itong malaking barrier upang kapag may nagawing tao o kung anupamang magdudulot ng kapahamakan sa Proserpina ay walang makikita kundi dagat lamang.

Ilusyon lang kumbaga tulad ng pagkakakilala ng mga tao sa mga sirens o mermaids. Ang pagkakaalam nila ay magaganda at kahali-halina ang mukha ng mga katulad namin ngunit hindi iyon totoo. Kakaunti lang sa lahi ng mga sirena ang may itsura at karamihan pa roon ay dugong bughaw tulad ko at ni Gordon. Totoong nakikita ng mga tao gamit ang kanilang mga mata na magaganda sa pisikal na anyo ang mga sirena ngunit ilusyon lamang iyon. Isa iyon sa mga kakayahan ng mga sirens na napansin ko dahil kahit ako minsan ay nalilinlang noon.

"Hindi ko po alam ang sinasabi nila, mahal na reyna! Ako po ito si Vienna--"

"Manahimik ka! Mahiya ka sa iyong mga kasinungalingan sa harapan ng reyna!" galit na turan ng kararating lang na si Gordon. Napailing ako at hinayaan na si Gordon na magpasya sa gagawin sa traydor. Patuloy naman itong umiiyak at nakatingin sa akin. Tinitigan ko lang siya.

"Dahil sa ginawa mo ay inaakusahan kang isa sa mga traydor sa ating kaharian at dahil doon ay nararapat ka ng maglaho." salita pa ni Gordon. Dumating naman sa gilid ko si Paloma at tinanguan lang ako bilang pagsang-ayon.

"M-mahal na reyna! Maawa po kayo!" Iyak ng babae na iyon at nagtatakbo papalapit sa akin. Nayakap niya ang mga paa ko at kaagad naman siyang nailayo ng mga kawal sa akin.

"Mahal na reyna," natingin ako sa nagsalita at bumukas ang pintuan ng kastilyo. Tatlo ang mga sirenang dala-dala ng mga kawal at ang nagpalaki ng mga mata ko ay ang huling pumapasok na si Gideon na walang malay.

"Heto na po ang mga traydor at ang kanilang kasamahang tao."

"A-anong nangyari sa isang iyan?" turo ko kay Gideon na hawak-hawak ng dalawang kawal.

"Nawalan lamang ng malay dahil sa pwersa ng tubig dito, kamahalan."

Kaagad akong gumawa ng bubble mula sa aking bibig at pinalipad iyon papunta sa ulo ni Gideon nang sa ganoon ay makakuha siya ng oxygen doon.

"Devora..." Gordon hissed at me. I looked at him.

"I can't let him die easily, Gordon."

"Mahal na reyna! Wala po kaming kasalanan!" Iyak ng mga babaeng bagong dating at tinawag ang pangalan noong kanina pa nagmamakaawa sa akin.

"Magsitahimik kayo! Nahuli na kayo't lahat ay magsisinungaling pa kayo sa reyna? Lapastangan!" sigaw naman ni Paloma. Iginitna na ng kawal ang babaeng nagngangalang Vienna at pilit kinuha ang kwintas nito sa leeg. Panay naman ang palahaw ng mga kasamahan niyang traydor.

"Mahal na reyna, maawa ka sa kanya!"

"Inosente siya sa lahat ng ito, mahal na reyna!"

"Tanggap ko na ang mangyayari sa akin ngunit sana naman mahal na reyna ay malaman mo kung sino talaga ang tunay na may pakialam sa'yo at tunay na nagmamahal..." She said it while looking at my eyes. The guard slapped Vienna on her face that made her sat on the floor. Doon naman binuhos ng kawal ang buong tubig sa paa nito kasama ang pulang likido. Ilang minuto lang ay nangingitim na ang buntot niya, paunti-unti hanggang sa magkulay itim na ng buo at natuyo na ang kanyang balat. Napapikit ako ng dahan-dahan na siyang naglaho na parang ashes na nahanginan. Lumakas ang iyak ng ibang sirena.

Last Known SurroundingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon