LKS 10: Coming back to senses

141 2 0
                                    

Hindi ko napansin ang paglipas ng panahon. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako naging ganito masaya mula ng mamatay ang aking ina. Dalawang taon na pala ang lumipas, taon na hinihintay ko para sa aking kaarawan.

"Maligayang kaarawan, Devora! Ito na ang araw na makukuha mo ang iyong kwintas!" masayang pagbati sa akin ni Paloma. Matalik siyang kaibigan ng aking mga magulang mula noon pang bata ako. Siya ang ina ni Gordon na kababata ko.

Nangiti naman kaagad ako. Ito na ang araw na pinangako sa akin ni Gideon. Nasasabik na akong makapunta sa ibabaw ng dagat.

"Siguro naman ay alam mo na ang mga patakaran lalo pa at nasa tamang edad ka na." Tumango ako kay Paloma na inalis ang bula na nakapalibot sa akin mula pa noong bata ako. Napaupo ako sa isang kabibe na nakahanda para sa akin at pinatakan ni Paloma ang buntot kong nangingitim na sa kadahilanang walang tubig sa loob ng kastilyo. Sa hindi malamang dahilan ay binalot ng tubig ang aking buntot at ilang segundo lang ay paa na iyon. Bumuka ng kaunti ang bibig ko sa gulat.

"Muli, maligayang kaarawan, Devora."

"Salamat, Paloma. Para ka na ring tumayong ina sa akin ng mawala sa ina." Nginitian ako ni Paloma at tinulungang makatayo gamit ang mga paa ko. Nanginginig pa ang mga paa ko ngunit kaya ko namang tumayo at maglakad. Hindi ko na mahintay na makita si Gideon!

"Ang tagal naman yata niya..." naiusal ko ng nasa tagpuan na ako at naghihintay kay Gideon. Tumakas lang akong muli sa Proserpina ng matapos ang pagdiriwang ng aking kaarawan.
Mula sa malayo ay naririnig ko ang kanta ng mga sirenang panay ang pang-aakit sa mangingisda upang maaksidente gamit ang kanilang mga boses. Patuloy pa rin ang gusto ni ama na mamatay ang mga tao at inuuna niya ang mga tao sa Isla Sirenia. Palala ng palala ang mga paraan ni ama para makapatay ng tao at hindi ko iyon makayang sikmurain. Limang taon na lang ay ako na ang magmamana ng trono at hindi ko alam kung kakayanin ko bang ipagpatuloy ang mga gusto niya at pamamaraan.

"Happy birthday to you..." Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko si Gideon na may hawak na cake. Alam ko na ang pagkain na iyon dahil naipatikim na sa akin dati ni Gideon. Tumayo ako sa pagkakaupo at hinintay siyang makapunta sa harapan ko.

"Happy birthday, Sera! May paa ka na!" masaya niyang turan. Tumango ako ng nakangiti.

"Salamat." Kinindatan lang niya ako at pinahipan sa akin ang kandila na nasa cake. Pagkaraan noon ay kinain namin iyon. Parang sa tao lang din ang panlasa ko. Iyon nga lang ay madalas naming kinakain sa dagat ay puro seeweeds at halamang dagat. Mas gusto ko ang lasa ng mga pagkain na binibigay sa akin ni Gideon.

"Twenty five ka na pala. Apat na taon ang tanda ko sa'yo." Tumabi siya sa akin sa buhanginan. Hinahaplos haplos ko naman ang kwintas na nasa leeg ko. Napansin niya iyon kaya napatingin siya sa leeg ko.

"Iyan ba yung para magkapaa ka?"

"Oo. Alam mo ba ang halaga nito sa amin?"

"Ano?"

Napahinga ako ng malalim. "Para ito sa paglilinlang ng mga tao, Gideon. Ito ang nagbibigay ng paa sa amin upang makahalubilo sa inyo. Para malaman namin kung nasaan ang mga kalahi namin at mailigtas sa mga tao. Pangalawa, dito nanggagaling ang ilusyon na lahat ng mga sirens ay magaganda. Hindi kasi kami mukhang normal. Kakaunti lang ang nahahawig sa anyo ninyo na may dalawang paa, maayos na mukha, may dalawang tainga... Hindi kami katulad ng mga pinapabasa mo sa akin noon na Little Mermaid..."

"Pero bakit ang itsura mo ay normal? Noong mga nakaraan naman ay wala ka pang kwintas pero nagagandahan na ako sa'yo."

Napatitig lang ako noon kay Gideon. Natawa naman siya at napakamot ng ulo. "Maganda ka naman talaga."

Last Known SurroundingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon