Chapter 3

359 10 0
                                    

"GUYS, please. Pigilan niyo ko. Sasabog na ang dibdib ko sa sobrang pagka-in love ko sa maling babae," pagmamakaawa ni Spontaneous sa mga kaibigan. Nilabas niya ang dinala niyang lubid at inabot 'yon kay Blurred na katabi niya sa backseat ng kotse. "Please. Itali niyo ko bago ko pa puntahan si Candid at baka kung ano pang magawa kong pagsisisihan ko."

Tumaas ang kilay ni Blurred. "Bakit? Ano bang iniisip mong gawin kay Candid?"

Bumuntong-hininga si Spontaneous at ipinatong ang kamay sa dibdib niya. Kapag naiisip niya si Candid, kahit ayaw niya ay bumibilis ang tibok ng puso niya sa sobrang excitement. "I want to squish her with my love."

Napasimangot si Blurred sa sagot niya. Si Random naman na nasa passenger's seat ay umarteng nasusuka. Si Lense na nasa driver's seat, napailing na lang (mas matanda ito sa kanila ng isang taon kaya may lisensiya na itong magmaneho at may sarili nang sasakyan.)

"I feel like a pervert now. Baka atakihin ko na lang si Candid kapag nakita ko siya. That's kinda disgusting," nakangiwing reklamo ni Spontaneous. Candid was his best friend. Isipin pa lang na nakikita niya sa ganitong paraan ang kaibigan niya, gusto na niyang sapakin ang sarili niya. Pero hindi naman niya magawang labanan ang love potion na kumokontrol sa damdamin niya ngayon.

"That's not how the potion works," reklamo naman ni Grid na nasa kabilang gilid niya. "Sobrang in love ka lang kay Candid kaya mo nararamdaman 'yan, pero hindi mo naman siya magagawan ng masama. You're only programmed to love and to treat her like a queen. Pinipigilan ng spell ang pagwawala ng hormones mo para manatiling inosente ang feelings mo para kay Candid."

Napasimangot si Spontaneous. That actually made sense. Hindi naman kasi hormones niya ang nag-uutos sa kanya na "ma-in love" kay Candid. Minamanipula lang ng magkahalong spell at love potion ang damdamin niya.

"Kung gano'n naman pala, makakahinga na ko ng maluwag," sabi naman ni Lense, pagkatapos ay sinalubong ang tingin ni Spontaneous sa rearview mirror. "Makipag-date ka na kay Candid. Baka kanina pa siya naghihintay sa'yo."

Sumipol si Random. "Today is the day, remember? Make this the best date ever."

Umungol sa reklamo si Spontaneous. Pero ang traidor niyang puso, na-excite sa ideyang mag-de-date sila ni Candid ngayong araw. Pambihirang spell talaga 'yon, wala nang pahinga ang dibdib niya. Hindi pa nga siya nakaka-get over sa text ni Candid nang ayain siya nitong mag-date, ngayon ay para na namang nasa marathon ang puso niya.

Nagiging corny na siya at gusto niyang sakalin si Tita Greta ng dahil sa nangyayari sa kanya ngayon. But then again, he was also to blame for his misfortune.

Tama si Candid. Bakit nga ba hindi pa siya natuto sa kuwento ng Hansel and Gretel?

Nilabas ni Spontaneous ang mobile phone niya para titigan ang picture ni Candid na ginawa na niyang wallpaper niya. "Candid, Candid, Candid. Puro ikaw na lang ang nasa isip ko, ha? Bigyan mo naman ng space ang studies nang maka-graduate ako at maging successful para sa future natin."

Umungol sa reklamo si Random na niyakap pa ang sarili. "Gah, Spon! You're giving me goosebumps! Umalis ka na nga at makipag-date kay Candid bago mo pa ko ma-suffocate sa ka-corny-han mo ngayon."

"Sa tingin mo ba gusto kong maging ganito ka-corny?" reklamo rin ni Spontaneous habang binibigyan ng masamang tingin si Random. Gusto sana niyang maglakas ng hinanakit, pero iba ang lumabas sa bibig niya. "Try mo kayang ma-in love kay Candid. Tingnan natin kung hindi ka mabaliw sa sobrang perfect niya."

Muli, nangilabot si Random. Umarte pa ang mokong na sinasakal ang sarili hanggang sa "mamamatay" ito na lawit pa ang dila.

"Grid, I'm starting to hate your mom," reklamo uli ni Spontaneous.

Bewitched Class Officer: The Happy Couple By: Luna King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon