Chapter 2

409 9 0
                                    

HINDI maipaliwanag ni Spontaneous ang nararamdaman niya habang pinagmamasdan ang natutulog na si Candid. He had known her since they were little, so it felt weird to have this strange feeling inside him while simply watching her sleep. It was making his heart pound hard.

At sa seventeen years na pagkakaibigan nila ni Candid, ngayon lang siya nagandahan dito ng sobra. He knew that she was pretty, but it was the first time that he felt star struck with her.

Kusang umangat ang kamay niya na hawak ang mobile phone niya. Gusto niyang kuhanan ng picture si Candid habang natutulog ito dahil ang cute nitong tingnan ngayon, pero may matinong bahagi ng isip niya ang nagsasabing hindi niya dapat tingnan ng gano'n ang best friend niya. Siya mismo ay kinikilabutan na sa mga nararamdaman niya.

Hinawakan niya ang pupulsuhan niya gamit ang isang kamay niya para pigilan ang sarili

"Gah, why the hell is this happening to me?"

"It's because you ate something you're not supposed to," sagot ni Grid sa iritadong boses, saka siya marahang pinitik sa noo. "Alam mo ba kung anong meron sa cupcake na kinain mo?"

Umungol sa reklamo si Spontaneous. Alam niya ang sagot dahil nararamdaman niya 'yon sa buo niyang pagkatao. "Love potion."

"Exactly. Right now, you're deeply in love with Candid because she was the first person you saw when you opened your eyes after the potion has taken its effect." Namaywang si Grid at bumuga ng hangin. "Mabuti na lang at hindi ako ang una mong nakita."

Natawa si Spontaneous. Sa kabila ng pagbabago sa feelings niya dahil sa love potion, hindi pa rin nagbago na mababaw lang ang kaligayahan niya kaya madali pa rin siyang matawa. Kahit pa gaano kaseryoso ang sitwasyon niya ngayon. "Right, that would have been more awful."

Sa pagkakataong iyon ay marahan siyang binatukan ni Grid. "Talagang nagagawa mo pang tumawa. Alam mo naman kasing bahay ito ng witch. Pagkatapos kumain ka pa rin nang hindi naman pinapakain sa'yo. Dinamay mo pa si Candid."

Marahang hinimas ni Spontaneous ang likod ng ulo niya. "Sorry na. Hindi ko lang na-resist 'yong red velvet. Pero bukod do'n, parang hindi ko rin nakontrol ang sarili ko dahil may bumulong sa'kin na kainin 'yon. Hindi ko masyadong matandaan. Pero sigurado akong may naramdaman akong kakaiba."

Tiningnan siya ni Grid na para bang may na-realize ito. "You're right. May naramdaman akong ibang presensiya sa bahay kanina. And it wasn't friendly."

"What do you mean?"

Bago pa makasagot si Grid ay mahinang umungol si Candid na nakahiga sa sofa. Doon inihiga ni Spontaneous ang dalaga matapos nitong mawalan ng malay kanina.

Hayun na naman ang kakaibang kabog sa dibdib ni Spontaneous habang pinapanood si Candid na bumangon habang nagmumulat ng mga mata. Nang magtama ang mga tingin nila, pakiramdam niya ay may sumuntok sa dibdib niya. Labag man sa kalooban niya, lumuhod siya sa harap ng dalaga.

Halatang nagulat si Candid. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Anong nangyayari sa'yo, Spon?"

Dinaan ni Spontaneous sa tawa ang nararamdaman niya. "Apparently, I'm deeply in love with you. And that's the love potion talking."

Umungol si Candid, pagkatapos ay pinitik siya sa noo. "See? Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na nangyayari rin ang cliché sa totoong buhay? Sa susunod, huwag ka nang kakain ng kahit ano mula sa isang witch house."

"Hindi na uli ako aapak sa kahit saang witch house," natatawang sagot ni Spontaneous. "Because from now on, you're my home." Napaungol siya nang siya mismo ang kinilabutan sa kabaduyan niya. "That's the love potion talking... again."

Bewitched Class Officer: The Happy Couple By: Luna King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon