Chapter 11

287 5 0
                                    

NAKOKONSENSIYA si Spontaneous pagkatapos ng mga sinabi niya kay Candid kaya hindi siya nagreklamo nang batukan siya ni Grid. Kahit sina Random at Blurred ay binatukan siya. Tahimik lang si Lense pero masama ang tinging ibinibigay ng mga ito sa kanya.

Sina Retrica, Latte, Clarity, at Inagram naman ay sinundan si Candid.

Umungol siya sa reklamo dahil pinaparamdam talaga sa kanya ng mga kaibigan niya kung gaano siya kasama.

"Hindi ko sinasadya, okay?" depensa ni Spontaneous sa sarili, nakataas pa ang mga kamay. "Hindi ko sinasadyang masaktan ang feelings ni Candid."

"Then, bakit mo sinabi ang mga 'yon?" iritadong tanong ni Blurred. "Napaka-insensitive mo, dude!"

Ayaw sanang umamin ni Spontaneous, pero sa pagkakataong 'yon, napilitan siya. "Nagseselos ako sa Isaac na 'yon kaya gusto ko ring pagselosin si Candid. Sinadya kong sabihin ang mga sinabi ko kanina para makita ko ang reaksyon niya. Gusto kong magselos siya kay Kessandra."

Sabay-sabay siyang binatukan ng mga kaibigan niya na ikinareklamo naman niya.

"Ang childish mo, dude!" iritadong sabi naman ni Random.

"What can I do? I feel jealous, so I want to make her feel jealous, too," giit pa rin ni Spontaneous."Ang sabi ni Grid noon, walang kakayahan ang love potion para diktahan ako sa mararamdaman ko sa ibang tao. Kaya bakit ako nagseselos sa Isaac na 'yon? Nang makita kong hawak niya ang pisngi ni Candid, gusto ko siyang sapakin. Ayokong may ibang lalaki ang lalapit kay Candid. Gusto ko, akin lang siya. Para akong mababaliw isipin pa lang na papalitan ako ni Isaac sa buhay ni Candid.

"Hindi ko tuloy maiwasang isipin na ang selfish ko. Pinayagan ako ni Candid na makipagkita kay Kessandra, pero kapag siya, ayokong makipagkita siya sa ibang lalaki. Dahil do'n, alam kong mali ang ginawa ko, okay? Hindi ko ginustong saktan ang feelings ni Candid. Gusto ko lang umamin siya sa nararamdaman niya."

"May feelings ka na ba kay Candid?"

Marahang tumango si Spontaneous. Kung hindi pa nag-walk out sa kanya si Candid kanina, hindi niya ma-re-realize ang totoo niyang feelings. "Hindi ako magiging ganito ka-childish kung hindi ko gusto si Candid." Hinawakan niya ang dibdib niya. "Ang sakit dito, isipin ko pa lang na magkasama sila ni Isaac. Para na kong mababaliw. I think wala nang kinalaman ang love potion sa feelings ko."

"That's right," sang-ayon ni Grid. "The love potion is only capable of making you feel in love. At ang spell na 'yon, tinatawag ding "Happy Couple" dahil ang objective no'n ay alisin ang negative feelings mo. Pero nakaramdam ka ng sakit at selos. Sarili mo nang feelings 'yan at hindi gawa ng spell."

"I like Candid," hindi makapaniwalang bulalas ni Spontaneous.

Sa pagkakataong 'yon, si Lense naman ang bumatok sa kanya. "Natauhan ka rin, sa wakas. Pero ano nang gagawin mo kay Kessandra? Akala ko ba, kailangan niyo pa ng closure?"

Napakamot ng batok si Spontaneous. "Kakausapin ko siya one of these days." Binalingan niya si Grid. "Dude, puwede mong alamin kung nasa'n si Candid gamit ang powers mo?"

Bumuntong-hininga si Grid, pero tumango rin naman. "Fine. Just this once."

May sasabihin pa sana si Spontaneous, pero nag-ingay ang phone niya. Bigla siyang napatayo nang mabasa ang text message na natanggap niya.

"What's wrong, Spon?" nag-aalalang tanong naman ni Lense.

"Kessandra. She's here," hindi makapaniwalang sagot ni Spontaneous.

Bago pa makapagtanong si Lense ay tumakbo na siya papunta sa carspace kung saan sinabi ni Kessandra na maghihintay ito sa kanya. Ilang minuto lang, dumating na siya sa meeting place nila. Hindi siya makapaniwala na naroon nga ang first love niya.

Bewitched Class Officer: The Happy Couple By: Luna King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon