NAKATULOG at nagising si Spontaneous na si Candid ang iniisip. Ang partner in crime niya ang first thought niya sa umaga kaya hindi niya napagilang mapangisi. Ewan ba niya pero sa tuwing iniisip niya ang best friend niyang 'yon, ang gaang sa pakiramdam.
Noon, aaminin niyang naiinis siya dahil sa mga inuutos sa kanya ng love potion na maramdaman para kay Candid. Pero kahapon, pagkatapos nilang mag-bonding ng partner in crime niya, alam niyang hindi na lang kagagawan ng spell ang nararamdaman niya.
Best friend naman kasi niya si Candid kaya hindi nakakapagtakang magaang ang loob niya rito. Nagkaro'n lang sila ng mas malaking barkada kaya hindi na sila gaanong nakapag-bonding. Idagdag pa na no'ng pareho silang nag-dalaga at nag-binata ay medyo nagkaro'n sila ng distansya sa isa't isa. Hindi rin niya alam kung bakit, pero baka parte iyon ng pagma-mature.
Pero lately ay naging sobrang close uli ni Candid kaya nawala na ang pagkailang na nararamdaman niya. Masaya siya kapag magkasama sila kaya hindi na labag sa loob niya kung hindi man siya makalayo kay Candid dala ng love potion.
Bumangon si Spontaneous at gaya ng parati niyang ginagawa, humarap siya sa picture frame ng namayapa niyang ina at kinausap ito. "Good morning, Mommy. You know what? Candid is very sad right now. Na-finalize na kasi ang annulment nina Tita Carmen at Tito Dias," aniya na ang tinutukoy ay ang mga magulang ni Candid. "Gusto ko siyang i-cheer, 'My. Gaya ng ginawa niyang pag-cheer sa'kin no'ng nawala ka sa'min ni Daddy."
Naalala ni Spontaneous ang nakaraan...
No'ng pumanaw ang mommy niya dahil sa breast cancer, nag-break down ang daddy niya. Siya ang nag-iisang anak ng mga magulang niya kaya nagpakatatag siya para sa ama niya. Hindi siya umiyak. Pero no'ng huling gabi ng lamay, pakiramdam niya ay na-suffocate siya. Kaya tumakas siya. Sumakay siya ng taxi at nagpahatid sa bus terminal.
Ang hindi niya inaasahan, sinundan pala siya ni Candid. Nalaman lang niya 'yon nang makatabi niya ito sa bus. Sa pagkakatanda niya, papuntang Batangas ang bus na 'yon.
Hindi niya pinansin si Candid na tahimik lang din naman sa tabi niya. Natulog lang siya buong biyahe. Nang magising siya, nakahiga na siya sa balikat ng dalaga at mamasa-masa ang mga mata niya dahil sa panaginip niya.
Dumeretso ng upo si Spontaneous. "Napanaginipan ko si Mommy."
"Anong nangyari sa panaginip mo?" malumanay na tanong ni Candid.
"Magkayakap kami ni Mommy. I gave her butterfly kisses on the face. But she kept on crying. Ilang beses kong tinanong kung bakit siya umiiyak, pero hindi siya sumagot. Lalo lang siyang umiyak." Marahan niyang tinapik-tapik ang dibdib niya. "Ang bigat dito."
Matagal bago sumagot si Candid. Nang nagsalita ito, basag ang boses nito. "Alam mo ba kung bakit umiiyak si Tita Sarah? Kasi ayaw mo pa siyang pakawalan. Alam nating lahat na nilabanan ng mommy mo ang sakit niya. She didn't give up until the end for you and for Tito Nat. But maybe God has other plans. Kailangan mo 'yong tanggapin or else, hindi matatahimik ang mommy mo. Hindi ka niya maiiwan kung hindi mo pa siya pakakawalan. Let her rest in peace."
Doon nag-break down si Spontaneous. Umaga na nang nakabalik sila ni Candid sa chapel kung saan nakaburol ang mommy niya. Naro'n na ang daddy niya at mga kamag-anak nila para sa misa.
As soon as he saw the casket, he broke into tears again.
"Mom, I'm sorry if I'm late," umiiyak na sabi ni Spontaneous. "I forgot to tell you this: you will always be the most beautiful woman in my eyes. Even when your hair was falling out and you've lost so much weight, you were still beautiful to me. Kasi kahit nahihirapan ka na, parati ka pa ring nakangiti para sa'min ni Daddy.
BINABASA MO ANG
Bewitched Class Officer: The Happy Couple By: Luna King (COMPLETED)
Teen FictionMay malalang toothache si Candid. Pero hindi niya 'yon nakuha mula sa pagkain ng matatamis. Nagmula 'yon sa love potion na nakain ng best friend niyang si Spontaneous, dahilan para ma-"in love" ito sa kanya. Sa kabutihang-palad, may "kondisyon" nama...