Chapter 12

863 20 10
                                    

"AH, SO hindi kayo papasok buong araw? That's fine. You go and kiss and make-up."

Nag-init ang mga pisngi ni Candid sa mga sinabi ni Grid. Mas nakakainis pa na walang emosyon ang lalaki. Kung puwede lang lumusot ang kamay niya sa screen ng phone ni Spontaneous, sinakal na niya ang class secretary nila.

Dahil hindi sila papasok ni Spontaneous ng araw na 'yon, nagdesisyon silang tawagan si Grid via video call. Ito kasi ang class secretary at ito rin ang naglilista ng mga absent.

Tumikhim naman si Spontaneous. "Now that you know, puwede mo ba kaming i-excuse sa mga klase natin?"

"Sorry. Hindi valid ang reason ng pag-absent niyo."

"Gah, you're useless."

Grid just scoffed. "Magsisimula na ang susunod na klase. I'm hanging up."

"Wait," pigil naman ni Candid dito. "May kilala ka bang Isaac?"

"Isaac what?" nakataas ang kilay na tanong ni Grid.

"Uhm, hindi namin nakuha ang buong pangalan niya," nahihiyang sagot ni Candid. Gah, bakit nga ba hindi niya naisip na itanong ang full name ni Isaac? "Pero ang sabi niya, kilala raw siya ni Tita Greta. Alam din niya ang tungkol sa mga coven."

Halatang nabigla si Grid. "What? Is he a witch's son like me?"

Tumango si Candid. "Malakas din ang kapangyarihan niya. Ang sabi niya, sabihin mo raw kay Tita Greta na nagbalik na si Isaac. I don't know what it means though."

"I think I can send a message to Mom. But it will probably take a whole day bago 'yon matanggap ni Mommy. Pero hindi ko rin alam kung papansinin niya 'yon," nag-aalalang sabi ni Grid. "Anyway, huwag kayong basta-bastang magtitiwala sa Isaac na 'to. Hangga't wala pa tayong naririnig na go signal kay Mommy, huwag na uli kayong makikipag-usap sa taong 'yon, okay?"

Sabay na tumango sina Candid at Spontaneous.

"Call you later," sabi ni Grid, saka pinutol ang video call.

Nakaramdam na naman si Candid ng pagkailang nang namayani ang katahimikan sa pagitan nila ni Spontaneous. Naglalakad-lakad na sila no'n sa loob ng Luna Ville pero dahil mag-uusap pa sila, hindi sila umuwi sa kanya-kanya nilang bahay. Sa halip, naglakad sila papunta sa ruined chapel ng village nila. May mga debris pa na naiwan do'n. Nasa likuran iyon ng man-made forest.

Ngayong makulimlim ang panahon, naging mas maganda ang tanawin. Para silang nasa lumang panahon dahil sa mga naglalakihang bitak ng mga bato sa paligid. Naupo si Spontaneous sa malaking bitak ng bato. Naupo rin si Candid sa malaking bitak ng bato sa tapat ng binata.

Pero kahit face-to-face na sila, hindi naman sila nakatingin sa isa't isa. Sigurado siyang parehong namumula ang mga mukha nila ng mga sandaling iyon.

Tumikhim si Spontaneous bago nagsalita. "Uhm, Candid. About this morning..."

Pasimpleng napahawak si Candid sa dibdib niya. Sinasabi na nga ba niya't iyon ang pag-uusapan nila. Kailangan din naman talaga nilang pag-usapan 'yon kaya hinanda na rin niya ang sarili niya.

"I'm sorry," puno ng guilt at sincerity na sabi ni Spontaneous. "I'm so sorry, Candid. Napuno lang naman ako kanina kina Random kanina. Tanong kasi sila ng tanong kung kumusta ang date namin ni Kessandra. Nang sabihin kong hindi ako sumipot, tanong naman sila ng tanong kung bakit. Na-pressure ako dahil kahit ako mismo, hindi alam kung bakit. Kaya napikon ako.

"Alam kong hindi ko na mababawi ang mga nasabi ko sa'yo. I said a lot of gibberish things but believe me, I don't mean any of them. I'm so sorry, Candid. I never intended to hurt your feelings."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bewitched Class Officer: The Happy Couple By: Luna King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon