NAKAKUNOT ang noo ni Spontaneous habang binibigyan ng nagdududang tingin si Grid. Kanina pa siya nando'n pero kanina pa rin ito abala sa pag-chant ng kung anong spell na parati namang nauuwi sa pagsabog ng kung anu-anong papel na nakadikit sa kisame.
"Why can't I get it right?" bulong ni Grid sa sarili habang kakamot-kamot ng ulo. Nakatitig ito sa mga umuusok na papel na nakadikit sa kisame. "Tama naman ang pag-chant ko ng spells. Gano'n din ang lengguwahe na ginamit ko. Pero bakit hindi ko pa rin ma-contact si Mommy?"
"Uhm, hello?" singit ni Spontaneous sa pagmo-monologue ni Grid. "I'm here, Grid."
Nilingon siya ni Grid. Parang nagulat pa ito nang makita siya. "Ah. Nand'yan ka pa pala."
"That's rude!" reklamo niya, pero hindi na siya na-offend dahil sanay na siya sa ugali ni Grid. Kay Retrica lang naman tumitiklop ang isang 'to. "Ano bang ginagawa mo at kanina ka pa bulong ng bulong d'yan ng mga palpak na spell?"
Bumuga ng hangin si Grid ay namaywang. "Hindi ako makapagpadala ng kahit anong message kay Mom. I'm starting to get worried. Noon naman, kapag umaalis siya ay nag-iiwan siya ng mensahe, at kino-contact niya ko from time to time. Pero ngayon, wala. Kahit ang mga kaibigan niya, hindi ko rin ma-contact."
"Well, I understand your sentiment. Alam kong kahit sino naman ay hindi mapapakali kapag nawala ng ganito ang mommy nila. But you look quite different. Ano ba talaga ang nangyayari?"
Sa unang pagkakataon simula nang nakilala niya si Grid, bumakas ang takot sa mukha nito. "I'm starting to think that the day my mom disappeared, she was attacked."
Napaderetso ng upo si Spontaneous. Maging siya ay nakaramdam ng takot. "Pero sino ang posibleng umatake kay Tita Greta?"
Marahang umiling si Grid. "Hindi ko rin alam, Spon. No'ng una, inisip kong normal lang ang pag-alis ni Mommy na gano'n ang estado ng bahay namin dahil madalas niyang gawin 'yon. Pero nitong nakaraan, habang binabalikan ko ang mga nangyari, naalala kong sinabi mong may bumulong sa'yo na kainin ang red velvet cupcake..."
Spontaneous shifted uncomfortably. "Ahm, yeah. That's true. Pero hindi ko alam kung totoong narinig ko 'yon o gumagawa lang ako ng excuse para hindi ako ang masisi sa nangyari."
Muli, umiling si Grid. "Sinabi ko sa'yo no'n na may ibang presensiya rin akong naramdaman ng araw na 'yon. Pero nawala rin agad 'yon kaya ipinagwalang-bahala ko na lang. But just recently, I've felt the same presence again. This time, malapit sa Armstrong Academy. Pakiramdam ko, may nagmamatiyag sa bawat galaw ko. I can't shake off the feeling. Kung totoong may sumusunod-sunod sa'kin, hindi imposibleng inatake nga si Mommy. Iyon ang pinag-aalala ko."
"Pero bakit naman may magtatangkang umatake kay Tita Greta? 'Di ba ang sabi mo, nang makilala niya ang daddy mo ay umalis na sa coven si Tita Greta at namuhay bilang normal na tao?"
Tumango si Spontaneous. "Ang totoo, wala akong masyadong alam sa mundo ni Mommy. Kung hindi pa lumabas ang namana kong magic sa kanya, wala siyang balak sabihin sa'kin ang tungkol sa pagiging witch niya. My mom wanted me to have a normal life. Pero sa pagkakaalam ko, isa si Mommy sa mga pinaka-talented na witch sa coven nila. Baka may nagkaka-interes sa kapangyarihan ng mommy ko na hindi nabawasan kahit love potion na lang ang ginagawa niya ngayon."
Nakuha no'n ang interes ni Spontaneous. "You mean to say, hindi talaga ang paggawa ng love potion ang forte ni Tita Greta?"
Grid scoffed. "Gumawa lang ng love potion si Mommy nang pumunta siya rito sa mundo ng mga tao dahil kailangan niyang magkapera. Hanggang sa nakahiligan na rin niya ang pakikialam sa love life ng kung sino-sino But before that, my mom was a war witch. Isa siya sa mga namuno sa coven nila para labanan ang ibang mga coven na nagtangkang pabagsakin ang mga Silver Witches."
BINABASA MO ANG
Bewitched Class Officer: The Happy Couple By: Luna King (COMPLETED)
JugendliteraturMay malalang toothache si Candid. Pero hindi niya 'yon nakuha mula sa pagkain ng matatamis. Nagmula 'yon sa love potion na nakain ng best friend niyang si Spontaneous, dahilan para ma-"in love" ito sa kanya. Sa kabutihang-palad, may "kondisyon" nama...