Chapter 9

252 6 2
                                    

NAKATINGIN lang si Candid kay Spontaneous habang inaayos nila ang pagkain nila. Nag-take out sila ng food sa Burger Patrol kanina kaya ngayon ay may merienda na sila. Dalawang giant burger at dalawang milkshake.

Naro'n sila sa kuwarto niya ng mga sandaling 'yon at nakasalampak sa sahig. Wala pa ang parents nila pero naro'n sa sala si Wacky, naglalaro ng iPhone nito. May pasalubong din ito mula kay Spontaneous pero ayaw sumama sa kanila ng kapatid niya kaya silang dalawa lang ang nasa kuwarto. Bukas naman ang pinto at siguradong mayamaya lang ay sisilipin na sila ng yaya niya.

"Kumain ka muna ng comfort food mo para mawala na 'yong takot mo," sabi ni Spontaneous. "Bakit ka ba kasi nagpunta sa lugar na 'yon ng nag-iisa? Kung gusto mo palang maglaro ng arcade, sana sinabi mo sa'kin. May alam kong safe na arcade center."

Nakagat ni Candid ang ibabang labi. Kailangan na niyang ipagtapat kay Spontaneous ang nangyari para sabay nilang pag-isipan ng solusyon. Kailangan nilang gumawa ng paraan para muling ma-achieve ang one hundred percent of happiness bago matapos ang isang buwan na ultimatum nila.

I'm sure, magagalit siya.

Pero wala naman siyang ibang magagawa kundi ang tanggapin ang galit nito dahil kasalanan naman talaga niya ang nangyari. Saka hindi naman 'yon maitatago ng matagal.

"Why are you looking at me like that?" nag-aalalang tanong ni Spontaneous mayamaya. "You look worried. May masakit ba sa'yo? Na-trauma ka ba sa nangyari kanina?"

Lalong na-guilty si Candid. Nakuha na tuloy niyang mag-confess. "Spon... the happiness meter... it dropped to zero percent."

Ikiniling ni Spontaneous ang ulo sa kanan. "Pardon?"

Humugot ng malalim na hininga si Candid bago inangat ang kamay niya at ipinakita kay Spontaneous ang ring watch niya. "Bumalik sa pagiging zero percent ang happiness meter natin."

Nanlaki ang mga mata ni Spontaneous. Hinawakan nito ang kamay niya at inilapit pa ang ring watch sa mukha nito na para bang sinisigurong hindi ito namamalik-mata. "What happened, Candid? Bakit bumagsak ang happiness meter natin?"

"H-hindi ko rin alam," pagsisinungaling ni Candid. May kung anong nabuhol sa sikmura niya dahil sa kasinungaling sinasabi niya. "Paggising ko kaninang umaga, bumalik na siya sa pagiging zero percent. I'm so sorry."

Umungol si Spontaneous. "Gah! This is so frustrating! Para tayong nanonood ng Youtube vid na panay ang buffer, o nag-download ng movie in 3 hours na biglang nag-error! Nasa ninety seven percent na tayo, eh. Just 3 more and we would have been freed from the spell."

Lalong na-guilty si Candid. Natakot din siya nang makita ang iritasyon sa mukha ni Spontaneous. Gaya niya ay parating nakangiti o nakatawa ang binata kaya nakakapanibagong makita ito na frustrated. "I'm sorry. Galit ka ba sa'kin, Spon?"

Doon parang natauhan si Spontaneous. Napatitig ito sa kanyang kumukurap-kurap. "No, of course not," tila nabigla pang tanggi nito. Nang magsalita ito, mas firm na ang boses nito. "Hindi ako galit sa'yo. Bakit naman ako magagalit?"

"K-kasi nag-drop sa zero percent ang happiness meter..."

Nawala na ang iritasyon sa mukha ni Spontaneous nang ngumiti ito. Hinawakan nito ang mga kamay niya. "Candid, hindi mo naman kasalanan ang nangyari. Sinusukat ng happiness meter natin ang satisfaction rate natin as a couple sa pamamagitan ng mga date natin."

Nakagat ni Candid ang ibabang labi. Kung alam lang ni Spontaneous, hindi talaga sa mga date nila nakasalalay ang satisfaction rate nila. Kung tama ang hinala niya, nakadepende iyon sa nararamdaman niya. At dahil nasaktan at nalungkot siya ng husto kahapon, naging zero percent ang happiness meter nila.

Bewitched Class Officer: The Happy Couple By: Luna King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon