NAKAPATONG ang mga kamay ni Spontaneous sa mga pisngi ni Candid (na abala sa pagkuha ng picture sa lecture sa white board gamit ang phone nito) habang nakaupo siya sa silya sa likuran nito. Kaya kung titingnan sila ngayon, parang binibigyan niya ito ng backhug. Kanina pa naman niya naalis ang toothache ng dalaga, pero hindi niya magawang lumayo rito.
Gustung-gusto niyang parang magnet na nakadikit kay Candid. Gusto niyang lagging nahahawakan ang makinis at malambot nitong balat. Kung puwede lang, CR at entrance sa mall na lang ang makakapagpahiwalay sa kanya kay Candid.
Hindi rin niya maintindihan ang sarili niya. Kahit walang nag-uutos sa isip niya na gawin 'yon, pakiramdam niya ay hindi na niya kayang lumayo kay Candid.
Tinutukso sila ng mga kaklase nila, pero immune na sila. Kaalis lang ng teacher nila para sa isang emergency meeting at naiwan sila para mag-self study kaya walang sisita sa posisyon nilang 'yon.
Habang nakataas pa ang kamay ni Candid, sinamantala na niya ang pagkakataon para maisuot ang bracelet sa pupulsuhan nito. Napangiti siya nang makitang bumagay ang silver band na may nakalawit na pendant ng cupcake.
Gulat na nilingon siya ni Candid, pagkatapos ay dumako ang tingin nito sa bracelet na ngayon ay suot na nito.
"Wow. This is so pretty," namamanghang sabi ni Candid habang marahang hinahaplos ang silver band at ang cupcake na pendant. Pagkatapos ay pinihit nito at upuan nito paharap sa kanya. "Thank you, Spon."
"You're welcome," nakangiting sagot naman ni Spontaneous. "Unang tingin ko pa lang d'yan, alam ko nang babagay 'yan sa'yo."
"Ano bang okasyon para bigyan mo ko ng regalo?"
Nagkibit-balikat si Spontaneous. "Wala naman. Nagpunta kami ni Daddy kahapon sa mall para mag-arcade. Pagkatapos, nang mapadaan kami sa isang accessory shop for girls, nakita ko 'yan."
Nakakapagtaka man, pero hindi inutos ng love potion sa kanya na bilhan ng regalo si Candid. Ang totoo niyan, marami na siyang ginagawa para sa dalaga na hindi naman ipinipilit sa kanya. Parang nagiging natural na 'yon sa kanya. Basta makita niyang masaya si Candid, masaya na rin siya.
Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Candid. "This looks really pretty. Sana hindi gano'n ka-expensive ang bracelet na 'to."
Ngumisi si Spontaneous. "Nah, don't worry. It's nothing my allowance can't manage." Hindi niya napigilang haplus-haplusin ang buhok nito. "Kahit maubos ang allowance ko ng buong buwan, sulit lang basta makita kong masaya ka sa gift ko."
"Spon!"
Natawa na siya nang mamula ang mukha ni Candid. "It's a joke! Hindi naman naubos ang allowance ko. Hindi rin naman papayag si Daddy na bumili ako ng regalo na sobra sa ibinibigay niyang allowance sa'kin buwan-buwan, kaya relax."
Tumango si Candid. "Okay. Ayoko lang na gumagastos ka ng malaki para sa'kin eh naka-depende pa lang naman tayo sa parents natin."
Tinawanan lang 'yon ni Spontaneous. "Candid, nagmula ako sa pamilyang mahigpit humawak ng pera. Remember, my father is a financial manager. Kaya kapag nagpakasal tayo, makakaasa kang mabibigyan kita ng komportableng buhay."
Sa lakas ng boses niya, narinig siya ng mga kaklase nila dahilan para umugong sa classroom ang malakas na "ayiiee" (at sa pangunguna pa 'yon ng class officers).
Si Candid naman ay namula ng husto ang mukha.
Sa totoo lang, gusto uli ni Spontaneous na iumpog ang noo niya sa pader. Pero hindi dahil nahihiya siya sa mga sinabi niya. Naiinis lang siya sa sarili niya dahil mukhang nabigla niya si Candid. Ayaw naman niyang maging awkward ito sa kanya kung kailan sobrang komportable na siya rito.
Saka hindi rin naman gano'n kasama 'yon. Ngayon lang niya napansin na ang cute-cute ni Candid, lalo na kapag namumula ang mukha nito kapag nahihiya.
Well, he had always known that she was pretty. Pero ngayon lang niya na-appreciate ang dalaga bilang babae at hindi lang basta ang partner in crime niya.
Naputol lang ang pagmumuni-muni ni Spontaneous nang tumunog ang ring watch ni Candid na mabilis nitong tinakpan nang umilaw iyon para marahil itago mula sa iba nilang kaklase. Nang bigyan niya ng nagtatanong na tingin ang dalaga, sinilip nito ang relo nito at nanlaki ang mga mata nito.
"97%," halos pabulong na sabi ni Candid sa takot marahil na marinig ng iba nilang kaklase.
Nahampas ni Spontaneous ang desk niya sa sobrang excitement niya. Kung puwede lang sumigaw, ginawa na niya. Pero magtataka naman ang mga kaklase niya na walang alam sa nangyayari. "Yes! Just three more percent to go and we'll be free."
Tinaas ni Candid ang kamay nito. "Yep. Kaunti na lang talaga. Good job."
Natatawang nakipag-high five siya kay Candid. "Hindi na ko makapaghintay na mawala ang epekto ng love potion."
Napansin niyang natigilan si Candid, pero hindi naman tuluyang nawala ang ngiti nito. "Hindi ka makapaghintay makalaya?"
Tumango lang si Spontaneous, saka nag-inat bago sumagot. "No offense, pero nakakapagod na rin namang sumundo sa lahat ng inuutos ng love potion na gawin ko. Hindi ako sanay na minamanduhan ng kung ano ng kung sino."
Kung may mararamdaman kasi siya sa isang tao, gusto niya na sa sarili niya 'yon at magmula at hindi inuutos ng love potion. Gaya ng feelings niya kay Candid. Alam niyang hindi lang 'yon dahil sa spell, pero ginugulo pa rin siya ng love potion.
Gusto na niyang maalis 'yon dahil gusto niyang harapin ang totoong feelings niya. Pero sa ngayon, ayaw niya munang sabihin kay Candid ang nararamdaman niya dahil komportable na siya sa sitwasyon nila ngayon. Ayaw niyang maging awkward sila sa isa't isa. Mamaya kasi, siya lang pala ang nakakaramdam ng gano'n.
Biggest fear niya ang masira ang friendship nila ni Candid.
Isa pa, may isa pa siyang past na hindi pa nabibigyan ng closure.
"Gusto ko ring makausap uli si Kessandra..." Natigilan si Spontaneous nang marinig ang sariling boses. No'n niya lang namalayan na nasabi pala niya ng malakas ang iniisip niya.
Ah, nadulas siya. Sa totoo lang, nitong mga nakaraan ay naaalala talaga niya si Kessandra. Lahat kasi ng ginagawa at sinasabi niya kay Candid, nasabi at nagawa niya kay Kessandra dati.
Gah, Spontaneous. Forget about her. She already dumped you.
Bumangon ang galit sa dibdib niya nang maalalang ilang buwan pa lang ang lumilipas noong taon na umalis ng bansa si Kessandra ay nakita agad niya sa mga post nito sa mga social media account nito na nakipag-date agad ito sa ibang lalaki na para bang wala silang naging "something" ng dalawang taon (he was only fourteen and she was sixteen when they started somewhat dating) no'ng nandito pa ito sa Pilipinas noon.
Mag-iisang taon pa lang simula nang umalis si Kessandra papuntang Singapore para do'n mag-college. Pero nakailang palit na ito ng display picture na iba't ibang lalaki ang kasama na para bang ipinapamukha nito sa kanya na madali lang siyang palitan.
Nasaktan ang ego niya.
"Makikipag-date din ako sa iba't ibang babae," nagtatagis ang mga bagang na bulong ni Spontaneous sa sarili. Ini-imagine niyang nasa harap niya si Kessandra at sinasabi niya ang mga salitang iyon ng personal sa dalaga. "Sa oras pa lang na mawalan ng bisa ang love potion, talagang makikipag-date ako sa maraming babae." You'll see, Kessandra. Makaka-move on din ako.
"'Yon ba ang dahilan kung bakit gustong-gusto mo nang makalaya mula sa spell?"
Nagulat pa si Spontaneous nang marinig ang tanong na 'yon ni Candid. Ah, nawala sa isip niya na kasama nga pala niya ang partner in crime niya. Dinaan na lang niya sa tawa ang pagkapahiya niya. Pero mabilis din siyang natigilan nang mapansing parang malungkot ang dalaga. "Okay ka lang, Candid?"
"Y-yeah," halatang nagsisinungaling na sagot ni Candid. "Magbabasa lang ako at baka may surprise quiz si sir pagbalik niya."
BINABASA MO ANG
Bewitched Class Officer: The Happy Couple By: Luna King (COMPLETED)
Teen FictionMay malalang toothache si Candid. Pero hindi niya 'yon nakuha mula sa pagkain ng matatamis. Nagmula 'yon sa love potion na nakain ng best friend niyang si Spontaneous, dahilan para ma-"in love" ito sa kanya. Sa kabutihang-palad, may "kondisyon" nama...