Chapter 6

290 8 0
                                    

MARAHANG tinatampal-tampal ni Candid ang kanang pisngi para kahit paano ay mabawasan ang sakit ng ngipin niya. Simula nang matali sila ni Spontaneous sa contract spell, parati na lang sumasakit ang ngipin niya paglagpas ng midnight. No'ng mga unang araw ay nahihirapan talaga siyang matulog. Kung makakatulog naman siya, mas dumodoble ang sakit paggising niya sa umaga.

Pero eventually ay nasanay din naman siya sa toothache niya. Hindi na niya gaanong iniinda ang sakit, except na lang kapag na-i-stress siya.

Katulad ngayon.

"Candid!"

Nalingunan ni Candid sina Inagram at Latte. Umangkala sa magkabilang braso niya ang dalawa. Ah, nawala na yata ang sakit ng ngipin niya dahil sa presensiya ng mga kaibigan niya. Ngumiti siya. "Good morning," bati niya na ibinalik naman ng dalawa.

"Breakfast tayo," aya ni Latte, saka siya hinila papunta sa cafeteria.

"Hindi ba masakit ang ngipin mo? Kaya mo bang kumain?" nag-aalalang tanong naman ni Inagram.

Marahang umiling si Candid. "Sumasakit ang ngipin ko kapag ngumunguya ako. Pero puwede naman akong mag-coffee."

Pumalataktak si Inagram. "Pambihira naman kasi si Spon. Hindi ba't malapit lang naman ang bahay nila sa bahay niyo? Bakit hindi ka na lang niya sunduin nang sabay na kayong pumasok at mawala agad 'yang toothache mo?"

Natawa si Candid. "Alam niyo naman si Spon. Tanghali na 'yon nagigising. Ayoko namang ma-late sa klase."

"You're always an early bird. Hindi tulad ni Spon na parating late comer sa lahat ng lakad natin. Kahit sa mga meeting," nakangiting dagdag naman ni Latte.

Ngumiti lang si Candid kahit naramdaman niya ang pagkakabuhol ng sikmura niya.

Hindi naman siya early bird dahil takot siyang ma-late gaya ng akala ng mga kaibigan niyan. Ang totoo niyan, maaga siyang umaalis sa bahay nila dahil hindi niya kaya ang sobrang katahimikan kahit pa nando'n naman ang mommy at daddy niya. Sa school na lang siya nag-a-agahan kasama ang mga kaklase niya dahil mas masaya rito kaysa sa bahay nila.

Her family wasn't perfect, just like everyone else. Aaminin na niyang malungkot siya dahil do'n, pero ayaw niya 'yong ipaalam sa mga kaibigan niya. Bukod sa hindi siya sanay na nagkukuwento ng problema niya, ayaw rin niyang maawa sa kanya ang ibang tao.

And she liked being happy. People were used seeing her happy. So she had to be happy all the time. At least, she had to look like it.

Pagdating nila sa cafeteria, nagulat pa si Candid nang makitang magkasalo sa mesa sina Clarity at Blurred na parehong nagkakape. Doon sila pumuwesto nina Inagram at Latte.

"Wow, Clarity and Blurred. You really look good together," namamanghang sabi ni Inagram, saka lumingon sa paligid. "Look. Pinagtitinginan kayo ng schoolmates natin."

"Gano'n talaga 'pag good-looking. Sanay na kami," nakangiting biro ni Blurred. Pero hindi talaga biro ang kaguwapuhan nito. He was probably the most handsome guy in Armstrong Academy.

Tinawanan lang 'yon ni Inagram. "I'm happy na makita kayong hindi na nag-aaway. Nagkabalikan na ba kayo?"

Si Candid naman ang napabungisngis. Nang bigyan siya ni Inagram ng nagtatakang tingin, itinuro niya ang nakakuyom na mga kamay ni Blurred at ang pasimpleng pagtapak ni Clarity sa sapatos ng binata sa ilalim ng mesa. "Mukha ba silang masayang magkasama?"

Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Inagram. "I don't understand..."

Malakas na bumuga ng hangin si Latte habang iiling-iling. "Umaarte lang ang dalawang 'yan, Inagram. Obvious naman, eh. Naninigas ang mga ngiti nila."

Bewitched Class Officer: The Happy Couple By: Luna King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon