"Hey!", bati ni JB.
"Ui, ikaw pala. Kamusta?", bati naman ni Kleng, ay ni Nico pala.
"Ano bang outfit yan Kleng? Lalaki ka ba? Tigilan mo na nga yan!" Singhal ni JB.
"JB!!!!! Ano bang mahirap sa sinasabi ko sayo? Stop calling me Kleng okay? Nico! Call me Nico!", singhal din ni Nico.
"Hoy! Tumigil tigil ka dyan sa patomboy tomboy effect mo. Hahalikan talaga kita!" May pagbabantang sabi ni JB.
"Yak! Hahalikan mo ko kahit--!? Magtigil ka nga!" Sagot ni Nico.
"Try me Kleng!" May paghahamong sagot ni JB.
"Yak! Kadiri ka talaga. Dyan ka na nga!" sagot ni Kleng, I mean Nico at pumasok na sa loob ng bahay.
Well, kung nalilito kayo, here's a brief history tungkol sa dalawang parang aso at pusa.
The two were childhood friends. Dahil friends din ang parents nila, naging close na rin ang dalawa. Bestfriends to be exact. Bata pa lang sila ay lagi na silang magkasama and same school din ng pinapasukan. Hanggang sa nakarating na nga sila ng highschool. Based sa nabasa nyo nun umpisa, the girl here is tomboy. Pero hindi naman sya ganun before, not until na-brokenheart ang lola nyo sa kanyang ultimate crush nun valentine's day pa mismo. Saklap di ba? Let's go back ng konti kung anu bang kaganapan nun time na yun.
"Hi, I'm Nicoleen Salvador. Sophomore pa lang ako. Matagal na kitang gusto e. Eto o, pinag-bake kita ng cookies" nahihiyang sabi ni Kleng sa crush nyang si Stanley Villena na kasalukuyan namang senior na noon.
"Thanks ahm, Ni---", Stanley
"Nicky! Call me, Nicky" pagsingit ni Kleng na malapad ang pagkakangiti sa mga labi.
"Nicky, ahm, I really appreciate your effort. Kaya lang kasi, you're still young. Marami ka pang mahahanap na iba. But we can be friends pa rin naman. Tsaka kasi, may girlfriend na ko e" sambit ni Stanley.
Napamaang naman si Kleng sa sinabi ng kaharap. Di nya alam kung papano magrereact.
"Ah-, eh-, g-ganun ba? S-sige, e-eto, k-kunin mo na. S-sayo naman k-kasi talaga y-yan. B-ba-bye!" sabi ni Kleng at nagtatakbo papalayo. Napunta sya pinakadulong classroom ng school nila na halos ginawa na ring tambakan.
Doon ay nagsimulang mag-iiyak si Kleng. Sobrang nasaktan sya sa nangyari. Hindi nya alam kung anong gagawin. Napahiya pa sya sa karamihan. Sa twing maiisip nya ang itsura ng mga taong nakakita at nakarinig ay lalo pa syang naiiyak.
"Kleng?? Kleng?? Andito ka ba?? Kleng?? Sumagot ka naman please!" tawag ni Justin. Si Justine Bustamante, aka JB, ang matalik na kaibigan ni Kleng. Eversince nun kinder pa lang sila ay magkasama na silang dalawa.
Maya maya ay lumabas si Kleng mula sa pinagtataguan nya at agad na niyakap si JB. Doon ay muling umiyak si Kleng at tila batang nagsusumbong kay JB.
"JB, ansaket saket. Sobrang saket" iyak ni Kleng.
"Lika nga, maupo tayo. Ano bang nangyari? Tumakbo ka na lang daw palayo sabi nina Ailene" sambit ni JB.
Nagsimulang ikwento ni Kleng ang lahat kay JB.
"Kleng, don't you think you're too young to be hurting like that? Baka naman kasi puppy love lang yan? Or baka crush mo lang talaga sya. Kleng, don't put too much emotion on him. Sa ngayon, focus ka na lang muna sa studies" sambit ni JB.
"You can't understand me JB. Wala ka naman kasi sa sitwasyon ko e!" daing ni Kleng.
"I do, Kleng. Believe me, I do" sagot ni JB. "For two years now Kleng" isip ni JB.
"I swear, hindi na ko ulit iiyak nang dahil sa lalaki. Hindi na ko maiinlove ulit sa isang lalaki. Hindi na ko masasaktan ulet!" Kleng swore after her first broken heart.
(Back to reality)
Sinundan ni JB si Kleng, I mean si Nico na pala sya ngayon.
"Will you please stop following me? Galit ako sayo! If you can't accept kung ano ako ngayon, umuwi ka na lang okay!" singhal ni Nico.
"Kleng!" tawag ni JB ngunit sinamaan sya ng tingin nito. "Fine! Nico! Ano ba kasi tong ginagawa mo sa sarili mo? Just because you've been...ahm, brokenhearted, as you say so, e magkakaganito ka na. For Pete's sake, marami pa namang iba dyan. Tsaka, ano ba, ang bata mo pa naman para magdesisyon ng ganyan" saad ni JB.
"Please JB. Just let me be me. Eto na ko ngayon. I just hope you could accept me. Kasi kung hindi, I guess, we have to stop seeing each other" sabi ni Nico at tuluyan nang iniwan si JB.
"F*ck! Ano bang gagawin ko sa babaeng..tomboy.. Urgh!!" Inis na singhal ni JB sa sarili.
BINABASA MO ANG
Pakners in Lab (Ongoing - Slow Update)
ChickLitYou'll never know when Cupid will strike its arrow of love.