Chapter9_Changes

20 2 0
                                    

(Glendon's POV)

Hindi ko alam kung anong nakita ko kay Nico. I just realized one day na gusto ko syang palaging nakikita. Swerte ko at bestfriend nya si JB. I have the reasons para masilayan sya.

Pero after the incident that yun Stanley na yun turned her down, she changed. She changed from being that one sweet lady into a cold boyish one.

Regardless of that, for me, sya pa rin yung Nicoleen na nagustuhan ko. Nothing has changed sa nararamdaman ko. The only change that i feel is lalo lang tumitindi yun nararamdaman ko para sa kanya. At yun ay ang minamahal ko na sya. Nang todo.

"Huy! Tulala ka dyan!" Sabi ni Nico.

"Oh, ikaw pala. Bakit ka andito?" Tanong ko. After the visit, naging close kami. As friends okay! Kita nyo ngang boyish na sya. Pero i won't give up. Alam kong babalik din si Nicoleen. Pero tanggap ko sya kung anuman sya ngayon. Wala naman masamang umasa di ba?

"Hinahanap ko kasi si Ailene. Kaso di ko sya makita e. Napansin mo ba?" Tanong ni Nico.

"Hindi ko pa sya napapansin. Tara, samahan kita maghanap" yaya ko.

"Wala ka bang klase?" Tanong nya.

"Wala. Wala yun teacher namin ngayon" sabi ko.

"Ah, okay. Sige tara" sabi nya.

Nagtaka kami dahil may kung anong pinagkakaguluhan ang mga estudyante sa harap ng office ng principal. Wala bang klase tong mga to? Lumapit kami don. Di kalayuan ay nakita namin ang hinahanap ni Nico.

"Nico, ayun si Ailene o! Nakikigulo dun" sabi ko.

"Tss! Ano bang meron? Bakit ba sila nagkakagulo?" Sabi nya at hinila ako palapit kay Ailene.

I felt a sudden bolt when she laid her hand on my wrist. Tsk. Malala na to! Urgh!

"Huy Ailene! Andito ka lang pala. Ano bang ginagawa mo dito?" Sabi nya.

"Iihhh, di mo ba nabalitaan. E may bago kasing transfer dito sa school natin. Ang gwapo gwapo nya. At wag ka, classmate daw natin sya. OMG!" Tili ni Ailene.

"Tss! Pinagod mo sa paghahanap tong si Nico just to know na may tinitilian ka dyang transferee?" I said sarcastically.

"Tse! Anong pake mo? Tiklop lang itsura mo sa kanya, makapagsalita ka dyan" asar na sabi ni Ailene.

"O tama na yan. Baka mag-away pa kayo dito. Ailene, tara na. May gagawin pa tayo di ba?" Pagsingit ni Nico.

"Ai oo nga pala. Let's go na. Classmate naman natin sya kaya dun ko na lang sya kikilalanin" sabi ni Ailene at hinatak na si Nico.

"Glendon, thank you sa pagsama" sigaw pa ni Nico na wala ng nagawa kundi magpatianod sa paghila ni Ailene. Ngumiti na lang ako at napailing.

"Ui, anong nangyayari dito?" Sabi ni JB sakin.

"May bago daw transferee e" sagot ko.

"Ano naman? Pinagkakaguluhan talaga nang ganito?" Sabi ni JB.

"E malay ko. Sabi lang ni Ailene, gwapo daw" sagot ko.

"Ui, love, andito ka pala" sabi ni Gem.

"Love. Nakikigulo ka din dyan?" Tanong ni JB.

"No! Of course not" sabi nito.

Maya maya'y nag-ring na ang bell kung kaya't nagkaripasan na ang mga estudyante na nagkakagulo kanina.

"Ayun, tumahimik din" sabi ko.

Nagbukas ang pinto ng principal's office at inilabas dun ang isang lalaki. Hm, gwapo nga naman. Sya siguro yun transferee.

"Keith!" Bati ni Gem at yumakap dito.

Nagkatinginan naman kami ni JB. Parehong nakakunot ang noo namin.

"Ui, Gem, andito ka na pala" sabi nito.

"Dito ka na kasi dumeretso, akala ko dadaan ka sa bahay para sabay tayong papasok" sabi nito.

"Ehurm, magkakilala kayo love?" Singit ni JB.

"Oops, i'll introduce you to them, come!" Sabi ni Gem. "This is JB, he's my boyfriend and he's Glendon barkada namin. Boys, this is Keith, pinsan ko. Sya yun bagong transferee dito. At since pinsan ko sya, ako ang in-charge sa kanya" saad nya.

"Hi. Keith nga pala" at nakipagkamay sya sa amin.

"JB".

"Glendon".

"Okay. By the way, anong class ka ba?" Tanong ni Gem.

"Section 2 ako according to my registration form" sagot ni Keith.

"Really? Love, classmates pala sila nina Nico at Ailene" sabi ni Gem at tumango si JB. "That's good to know. May friends kami don. They can take care of you" sambit pa nito.

"I think, may class sila ngayon. Hatid na natin sya" sabi ko.

"Right. Tara na" sabi ni Gem at kumapit na sa braso ni JB.

We walked towards his designated classroom. Gem excused the teacher at inintroduce si Keith.

"Keith, we'll leave you here. See those girls, sila yung sinasabi ko sayong friends namin. Meet them okay?" Sabi ni Gem.

Pansin ko ang tinging ipinukol nya kay Nico. Tss! Ano to, karibal?

"Okay. Thanks. See you later" sabi ni Keith at pumasok na sa loob.

Umalis na kami at pumunta sa tambayan dahil wala naman kaming klase.

"Cr lang ako guys. Balik ako agad" paalam ni Gem.

"Oi, problema mo?" Sabi ni JB.

"Nakita mo ba yun kanina?" Sabi ko.

"Alin?" Takang tanong ni JB.

"The way that Keith looked at Nico. I know, may gusto sya kay Nico" sabi ko.

"Tss! Dami mo napapansin. Selos ka?" Pang-aasar ni JB.

"No" sagot ko.

"Threatened?" Sige pa rin sa pang-aasar.

"Lalong hindi" sagot ko.

"Okay, sabi mo e!" Sabi nya at sinundan ng pagtawa.

Bumalik na rin si Gem.

"Guys, tutal nakakasama naman na din natin sina Nico at Ailene, satin na lang din sasama si Keith ha? Para madali na rin syang makapag-adjust. Okay lang love?" sabi ni Gem.

"Okay lang sakin love. Sayo ba Glendon?" Baling sakin ni JB na may kasamang nakakalokong ngiti.

"O-oo naman. Walang problema" sagot ko at nilakihan ng mata si JB. Natawa naman ito.

"Why? Anong nakakatawa love?!" Takang tanong ni Gem.

"Wala love. May naalala lang ako" sabi ni JB.

Pakners in Lab (Ongoing - Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon