(Nico's POV)
Junior na kami at grumaduate na ang dahilan kung bakit ako nagbago. Kahit matagal na syang wala, sariwa pa din sa alaala ko lahat ng mga nangyari.
"Nico! Let's go! Male-late na tayo!" Malamig na tawag ni JB.
"Coming!" Sagot ko naman habang iritableng inaayos ang palda ko.Yeah! I still have to wear palda kahit ayoko na.
Paglabas ko ay kitang kita ko ang pagkadismaya sa mukha ng bestfriend ko. Sya kasi ang number one against sa pagbabago ko.
"Ang aga aga nakasimangot ka!?" singhal ko kay JB. He just looked at me with blank emotions at sumakay na sa kotse.
Haay. Did I really lost my bestfriend? Bakit kasi di na lang nya ko tanggapin kung ano ko ngayon? Haaaay.
Sumunod na ko sa kanya at umupo sa tabi nya.
"Mauna ka na umuwi mamaya. May practice kami ng team after ng klase" sabi nya sakin na di man lang ako nililingon.
"JB, may problema ba tayo?" tanong ko.
Tumingin sya sakin and then just smiled sarcastically. Pagkatapos nun ay di na kami muli nag-usap.Nang makarating kami sa school ay agad sya bumaba na hindi na ko inintay. Samanatalang dati rati, sabay kami pag naglalakad. Hinahatid pa nya ako sa classroom ko. Pero ngayon, he's acting as if i don't exist. Nagpatuloy na ko sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang classroom namin. Andun na ang kaibigan kong si Ailene.
"Ui, Nico, ang aga aga wala ka sa sarili mo ah" puna sa akin ni Ailene.
"Wag mo kong intindihin, di lang maganda gising ko"matamlay na sagot ko.
"Bakit di ka yata hinatid ni JB? Nag-away kayo? Nag-away ba kayo kaya ka nagkakaganyan?" Tanong ni Ailene.
Tumingin ako sa kanya at marahang tumango. "Wag na muna natin sya pag-usapan" sabi ko at tumahimik na si Ailene. Napabuntong hininga na lang ako.
Mabilis na lumipas ang oras. Dahil wala ako sa sarili ko, di ko namalayang breaktime na pala namin.
"Huy!" Untag sakin ni Ailene. "Aba, kanina pa kita niyayaya ah. Ano ba naman yan? Kaloka ka ha! Breaktime na, lika na sa canteen. Pati ako nawiwindang sayo. Daig mo pa brokenhearted ah!" Sabi pa nya ngunit di ko pinansin at tumayo na lang upang sundan sya papuntang canteen.
Pagdating namin dun ay ingay ng isang grupo ang nakapukaw sa atensyon namin.
"Kayo na ba JB?" Tanong ng isa. Sinilip ko kung sinong JB ang kausap nila. Hindi ako nagkamali, ang bestfriend ko nga.
Nakangiti lang ito sa mga kasama nya. "Gosh, JB, namiss ko yun mga ngiti mong ganyan! Bakit ba kasi ang lamig ng trato mo sakin ngayon?" Nalulungkot na isip ko.
"Ano na pare? Binibitin mo naman kami e. Kayo na ba ni Gem?" Tanong ng barkada nitong si Glendon.
"Oo kami na. Kahapon lang" sagot ni JB.
Tila may kung anong tumusok sa dibdib ko nang marinig ko ang sinabi nya. Bakit masakit? Dahil ba, hindi nya sinabi sakin na sila na? O dahil sa nalaman kong may girlfriend na sya? Bakit ganito?
Maya maya ay dumating ang babaeng tinutukoy nilang girlfriend na ng bestfriend ko.
"Oh brad, ayan na pala si Gem o!" Turan ni Glendon.
Hiyawan na naman yun grupo nila habang ang bestfriend ko, ayun at nakangiti. As in, ngiting ngiti. Mahal nya talaga yun Gem na yun siguro. Pero bakit di nya ko sinabihan? Kelan pa sya nanliligaw dun? Wala na ba talagang halaga sa kanya ang bestfriendship namin? Ouch! Ouch lang talaga!
"Hi love!" Malambing na bati ni Gem kay JB.
"Hi love, upo ka dito" sabi ni JB habang itnuturo ang bakanteng pwesto sa tabi nya. Hiyawan at tuksuhan na naman ang nangyari.
"Naku kayo talaga. Hilig nyo talagang manukso" sabi ni Gem.
"Masanay ka na sa mga yan. Ganyan talaga sila. Kumain ka na ba?" Tanong ni JB. "Ako bestfriend hindi pa" sagot ng isip ko.
Hindi ko na narinig ang sagot ni Gem dahil umalis na ako. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Kaya ba sya malamig sakin ay dahil may girlfriend na sya at sagabal ako?
"Nico! Hoy Nico, san ka pupunta? Di pa tayo kumakain!" Sigaw ni Ailene ngunit di ko na pinansin at tuluyan nang umalis sa canteen.
BINABASA MO ANG
Pakners in Lab (Ongoing - Slow Update)
ChickLitYou'll never know when Cupid will strike its arrow of love.